Sa edad na 46, nakaka-impress ang dedikasyon ni Judy Ann Santos sa pagpapanatili ng kanyang magandang pangangatawan.
Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng tatlong anak: ang dalagang si Yohan, ang binatilyong si Lucho, at ang lumalaki na ring si Luna.
Read:
- Judy Ann Santos shows daughter Yohan Agoncillo the importance of commuting
- Yohan Agoncillo nakipag-DANCE-OFF kina Lucho, Luna, Daddy Ryan, at Mommy Juday
- Luna Agoncillo so adorable as weather reporter; guess what she wants to be someday?
Marami nga ang nagsasabing mas sexy at mas maganda si Judy Ann ngayon kaysa noong dalaga siya.
Kaya naman fitspiration siya ng marami na naghahangad ding maging fit and slim kagaya niya.

Ano ba ang exercise at diet regimen ng isang Judy Ann Santos?
“Okay, nakakatuwa naman yung ‘fitspiration,’” ang natatawang umpisang reaksiyon ni Judy Ann nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
“Hindi ko naman inisip na, alam mo yun, magpaka-healthy and all para sa iba,” at muli siyang tumawa.
“Mostly, siyempre nandun yung sa edad natin, o sa edad ko, siyempre nandun na yung iisipin mo yung mas healthy eating, more clean."
JUDY ANN SANTOS'S DIET
Nakatulong kay Judy Ann ang nutritional programs ni Chechel Joson.
Aniya, “Nagsimula ako mag-start ng detox mga two years ago. So I'm on, most of the time, naka-supply yung food ko by Chechel.
“So ginagawan niya ako ng food na talagang for my chakras, for Ayurvedic. Naniniwala kasi ako sa ganun, yung what works for your body, ano yung food na madaling ma-digest ng katawan mo."
Pagbabahagi pa ng aktres, “So basically, nagsimula iyan for more on gut cleansing.
“So nag-fill up ako ng maraming probiotics, gut health talaga, kasi maganda yung naging effect niya sa akin.
“Gumanda yung pakiramdam ko, maayos yung gising ko sa umaga, nakakatulog ako nang maayos."
judy ann on restarting her exercise program
Aminado naman si Judy Ann na nahinto siya sa pag-exercise.
“So basically, yung exercise, natigil ako ng matagal na panahon diyan, as in matagal, siguro mga ilang taon.”
Bakit siya nahinto sa pag-e-exercise?
“Wala lang,” bulalas ni Judy Ann.
“Parang wala lang akong drive na mag-exercise. Dumating ako sa point na kung gaano ako kasipag mag-exercise dati, wala akong drive.
“Wala namang deeper meaning, walang deeper reason behind it, wala lang. Wala lang akong gana."
Dito raw niya naisip na umpisahan ang nabanggit na nutritional program.
Paliwanag niya, "And then, na-realize ko baka kailangan kong mag-detox, mag-cleansing, kasi ang cloudy ko mag-isip.
“Feeling ko pagod ako palagi. Hindi naman ako malungkot, pero parang wala lang akong drive to move a lot.
“So nag-start akong mag-detox, nag-start akong mag-gut cleanse. More clean eating, meaning, more fiber first in the morning.
“Marami akong mga tinanggal na mga normal na kinakain ko during the day. Nagpalit lang ako ng mga ganap sa buhay.
"And then, yun na, gumagaan na yung pakiramdam ko."
Unti-unti nang nakakabalik si Judy Ann sa pag-e-exercise, at dahil ito sa kanyang recent trip to Madrid, Spain.
Nagtungo doon si Judy Ann kasama ang mister niyang si Ryan Agoncillo at mga anak na sina Lucho at Luna nitong June 2024 para sa football event na sinalihan ni Lucho.
Kuwento ng aktres, “Nagsimula na lang ako uli mag-exercise nung bumalik kami from Madrid. After… every day kasi for almost a month, halos 10,000 steps talaga kami ng mga bata at saka ni Rye dun dahil sa activities ni Lucho.
“Nung pagbalik ko wala pa rin masyado, pero nakuha ko na yung rhythm na, ‘Ah okay kaya ko palang mag-10,000 steps.’
“Nag-lose ako ng ilang pounds when we were in Madrid."
Nakatulong din ang words of encouragement ni Ryan.
Aniya, "And then, si Rye encouraged me na yun nga, sinabi niya sa akin na, ‘You have to move already. Kasi nandito na tayo sa age na yung bone mass and muscle mass natin kailangan i-increase na, kasi iyan yung unang nagdi-deplete as we age, e.'
“So doon ko naano na okay, kailangan ko nang ikilos ito, kailangan ko nang igalaw ito, kasi kailangan ko nang pawisan.
“Hindi ako puwedeng lagi na lang nagbabawas ng pagkain."
Doon na lang daw nagsimulang mag-treadmill at mag-walking si Judy Ann.
Pagbabahagi niya, "Marami na rin kasing hindi ako puwedeng gawin.
“Hindi na ako puwedeng magbuhat masyado because of my back. Ang puwede ko na lang basically activities gawin, swimming, pilates, yoga, walking.
“Wala na talaga yung mga ginagawa kong activities nung kabataan na puwede akong mag kung anu-ano, mag-trampoline, mag-weights, heavy lifting talaga.
“Ano na lang, basically, yung inspiration na lang on being healthy."

judy ann santos: "i wanna be healthy."
Ngayon, nag-e-exercise si Judy Ann hindi para magbawas ng timbang kundi para maging healthy.
"Hindi na nga yung losing weight, yung losing weight naging bonus na lang siya.
“Yung being healthy yung naging ano ko talaga, motivation ko. I wanna be healthy, I wanna be stronger, kasi gusto kong makasabay sa activities ng mga anak namin.
“Gusto kong makipaglaro sa kanila, I want to spend more time with them.
"Gusto ko kahit pagod akong umuwi sa bahay, kinabukasan I can still wake them up in the morning, kasi routine ko yun, e."
Hands-on si Judy Ann pagdating sa kanyang mga anak.
“Sila ang routine ko. Kahit anong oras ako umuwi from work, gigising ako ng alas-singko, gusto ko ako yung gumigising sa kanila, ako gagawa ng baon nila, nandun ako sa breakfast nila.
“Kahit gaano ako kaantok, hihintayin ko silang makaalis going to school, may times na maglalambing si Luna na ihatid ko siya, ihahatid ko siya.
“So yun kasi yung mga moments na hindi mo talaga maibabalik. Iyon yung mga moments na pag kaya pa ng energy, ibibigay ko talaga.
“Kasi hindi naman laging nangyayari yan e, but we're just fortunate na yung mga anak namin, e, clingy. Gusto lagi kaming kasama, gusto nagpa-participate kami sa mga activities nila.
“So iyon yung mga bagay na napaka-priceless, kaya ko tinatrabaho na maging healthy.
“Ano na lang, bonus na lang talaga yung pumayat. Pero siyempre gusto natin yun, di ba? Huwag na tayong magplastikan dito,” at tumawa si Juday.
To be healthy and to live longer.
“Of course, yes, yes.”
