Habang natutulog si Brianne Shipley, tumunog ang kanyang alarm para sa pagpatak ng antibiotic eyedrops sa kanyang mata.
Inabot niya ang eyedrops sa nightstand katabi ng kama. Idinilat ang affected eye saka pinatakan ito.
Pagtama ng liquid sa kanyang mata, naramdaman niyang hindi eyedrops ang kanyang naipatak—glue pala!
Ito ang nakakatakot na karanasan ni Brianne ng Florida, U.S.A. noong October 31, 2024.
Noong November 2, 2024, nag-post ng TikTok video si Brianne habang nasa ospital.
Sarado ang isa niyang mata, na nilagyan ng hose apparatus.
Aniya, “I’m at the ER. I was half asleep and I needed to put my antibiotics eyedrops in tonight.
“And instead of grabbing the eyedrops, I grabbed the Kiss nail glue, so this is them rinsing my eye out.
“They already took out three shards of super glue.”
Babala pa niya, “Don’t get superglue on your eye and then you have to go [through] this like contact suction thing on your eye.”
Ang TikTok video ay mayroon nang 5.2 million views.

Read: What to eat, drink, and take to prevent cancer
woman who put superglue in her eye details THE INCIDENT
Idinetalye ni Brianne ang pangyayari sa interview ng People na na-publish noong November 5, 2024.
Saad dito, niresetahan siya ng medicated eyedrops dahil sa bacterial eye infection.
Ang instruction ay patakan ang mata every few hours.
Para hindi na kailangang tumayo sa gabi, nilagay ni Brianne ang gamot sa kanyang nightstand.
Sabi niya, nang marinig ang alarm, hindi na niya tiningnan ang bote sa pag-aakalang tama ang kanyang dinampot.
Hindi niya naisip na ang nakuha pala niya ay ang nail glue na ginagamit para sa arts and crafts projects.
"As the drop was falling, I realized the consistency of the plastic bottle felt wrong. As soon as it hit my eye, I started screaming,” aniya sa People.
Ang kanyang 17 anyos na anak ay nagising sa mga sigaw ni Brianne, at tumawag sa 911.
Mabilis ding nag-Google ang anak kung ano ang first-aid remedy habang naghihintay ng tulong.
Sa ganitong pangyayari, dapat daw sikaping tanggalin ang glue sa mata gamit ang tubig.
Ito ang ginawa ni Brianne. Ginamit niya ang sink at ang shower para matanggal ang glue residue sa kanyang mata.
Bahagya raw itong nakatulong. Nagawa rin daw niyang idilat ang saradong mata.
Read: Tix Dula-Laurel: The Woman Behind the Success of Goto King
Nang isugod sa ospital, sinabi ni Brianne na ang hapdi sa mata ay ang “worst pain" na kanyang naramdaman.
Para raw itong sinusunog at may nakadagang mabigat na bato.
Pagdating sa ospital, pinatakan ng mga doktor at nurse ang kanyang affected eye para hindi maramdaman ang hapdi.
Sinabihan siya ng mga doktor na naging “crucial” ang first aid na ginawa ni Brianne na mahugasan ng tubig ang kanyang affected eye.
Sinuri rin ang kanyang mata para sa anumang sugat dulot ng tumigas na glue.
Sunod ay kinabitan siya ng Morgan Lens, isang plastic apparatus na ginagamit sa paglilinis at pagdi-drain. Nagtagal daw ang proseso ng 30-45 minutes.
Sabi raw ng doktor sa kanya: “This happens a lot more than you think.”
Pagkatapos ay binigyan ng ointment si Brianne at pinauwi.
Noong November 6, 2024, nagbigay si Brianne ng update via TikTok video.
Bakas pa rin sa mata niya na hindi pa ito bumabalik sa normal, pero gumagaling na raw ito.
Ani Brianne: “I am back to the doctor and there is no permanent damage.
“These scratches are completely healed and my eye should be completely better in just a few days, so, great news.”
