Isinusulong ng beauty influencer na si Dana Decena, anak ng celebrity celebrity businesswoman at travel show host na si Cristina Decena, ang aesthetic procedures at herbal medicine.
Lahad ni Dana, “So ako po, yung sister ko, and yung best friend ko…
"Si Mommy kasi naniniwala siya na hangga’t kaya mong mag-aral, at hangga’t kaya niya kaming pag-aralin, aral lang nang aral.
“So, nag-concentrate kami sa natural medicine or naturopathic holistic medicine kasi naniniwala din kami na kung kaya munang i-approach nang natural, why not? Kesa synthetic agad.
“So, yung approach po kasi ng natural medicine, kung halimbawa may sakit ka, imbes na bigyan ka ng gamot, ginagamot niya yung buong tao.
“So, anong lifestyle changes po yung puwedeng gawin? Agahan ang pagtulog, damihan ang tubig... so mas natural approach po siya.
“So iyon, iyon po yung natutunan po namin, na siyempre naa-apply din namin kay Mommy. Na kapag may nararamdaman si Mommy, ‘Ma, magtubig ka lang nang magtubig.’
“Ganun, so natural approach po talaga siya. Siyempre naa-apply din po namin siya sa clinic.”
Read: Cristina Decena's daughter Cristina May wears PHP45K custom-made gown from Divisoria to her wedding

FROM ACUPUNCTURE TO COLON CLEANSING
Ang clinic na tinutukoy ni Dana ay ang Bellezza Institute na matatagpuan sa Ortigas Center, sa 17D Belvedere Tower, San Miguel Avenue, Pasig City.
Pag-aari ito ni Cristina kung saan si Dana ang tumatayong chief of operations (COO) at creative director.
Tinanong ng PEP.ph si Dana kung ano ang halimbawa ng serbisyong inirerekomenda niya sa kanilang mga kliyente.
“So, bale ang pinaka-common po talaga diyan is yung acupuncture. So, halimbawa migraine, meron po kasi talagang mga points na ia-acupuncture lang natin tapos biglang giginhawa na yung pakiramdam mo.
“So, iyon po yung pinaka-common.
“Another one din naman po is yung paglilinis ng colon. It’s fast treatment, siguro mga forty minutes lang po siya.
"It works para po sa constipated or may hirap po talaga sa pagda-digest.
“So iyon, medyo malalabas mo talaga yung mga toxins sa katawan and then you feel renewed after.
“Yung hihiga, tapos may i-insert lang, lalabas na dun lahat gamit lang yung saline water, kumbaga water po na sterilized.”
Read: Businesswoman Cristina Decena says she learns forgiveness from Venus Raj

"IT'S NOT FOR EVERYONE"
Taong 2022 nagsimula ang Belleza Institute.
Lahad ni Dana, “Bale aesthetic medicine po kami dito, we concentrate on mga pampa-beauty, non-surgical yung approach, but also at the same time we offer yung naturopathic din na mga treatments.
“Because nga po holistic yung approach namin, more on we offer advice on lifestyle changes. We also can recommend mga supplements na over-the-counter.
“So, talagang it’s about healing of the entire person.”
At dahil palaging isyu ang tungkol sa herbal medicines at aesthetic procedures, may paliwanag si Dana tungkol dito.
“It’s really not for everyone po,” pakli niya.
“Siyempre meron naman talagang mga sakit or merong mga karamdaman na talagang kailangan mo na for that is doktor talaga.
“But for the people na kailangan lang nila ng guidance on how to stay healthy or, 'Meron akong mga nararamdaman but paano ko ba ito maa-address in a way na hindi pa kasi ako ready mag-synthetic, ayoko naman din ng approach na aggressive agad or…' ang naturopathic po kasi naimbento para sa mga taong hindi afford magpagamot.
“So for now, yung mga ginagawa din po namin is we go to barangays and then we just give them advice na bawas-bawasan ang bisyo, dapat by 11 P.M. dapat tulog na para yung cells mo nagre-regenerate, drink eight glasses of water a day, that’s the minimum.
“So, talagang it’s also a form of education kung ano po ba yung healthy lifestyle for everyone.
“Ang dali naman isipin na ang dali namang i-Google, pero at the same time not everyone has access to the internet.
“So, really, we focus on giving advice and it’s up to the person naman kung gusto nilang i-apply sa sarili nila,” sabi pa ni Dana.
Read: Negosyo Goals host Anna Magkawas recalls being a victim of scams in the past
