Malaking hamon para kay Martin del Rosario ang bagong karakter na gagampanan niya sa bagong season ng action-adventure series na Lolong: Bayani Ng Bayan ng GMA Public Affairs.
Siya ay si Ivan—mabilis magalit, brutal, at marahas.
At ang goal ni Martin ay mahigitan ang huling kontrabida role niya bilang si Prince Zardoz ng Voltes V: Legacy (2023).

Ang pahayag ni Martin sa mediacon ng Lolong 2 noong nakaraang January 13, 2025:
"Si Ivan dito, madalas ang kanyang outbursts and rage. He's a very violent person. Lahat ng negative traits nasa kanya na because he suffers from manic disorder caused by a past trauma na malalaman din ng mga manonood as the series unfolds."
According to the Cleveland Clinic, ang manic disorder or mania "is a condition in which you have a period of abnormally elevated, extreme changes in your mood or emotions, energy level or activity level."
MARTIN DEL ROSARIO'S PEG FOR ROLE IN LOLONG
Ang ginawang peg ni Martin ay ang pagganap ng Oscar winner na si Joaquin Phoenix bilang si Arthur Fleck a.k.a. the Joker noong 2019.
"Extremes ang behavior ni Ivan dito. Bigla na lang pumuputok yung galit niya and sometimes ay sobrang saya naman niya.
"Kaya naisip ko yung movie na Joker. Ginawa kong peg si Joker because yung character niya also suffers from mental illness at pabago-bago rin yung range of emotions niya."
Iba-iba ang atake ni Martin sa bawat role. Paano ang kanyang paghahanda dito sa Lolong: Bayani Ng Bayan, na pinagbibidahan ni Ruru Madrid?
"Physically, I really prepared for the role kasi iba siya kesa kay Prince Zardoz. Nagpatubo ako ng mustache para mag-mature yung mukha ko. Baby face daw kasi ako and growing the mustache helped na maiba yung look ko. Gusto kong mainis sila sa mukha ni Ivan.
MARTIN DEL ROSARIO'S PREPARATIONS
Bukod sa kanyang hitsura, binago rin ni Martin ang kanyang katawan.
Ang kuwento niya sa Philippine Entertainment Portal (PEP), “Sanay na tayo sa pabago-bago sa paglaki at pagliit ng katawan natin. It’s a part of what I do especially kung very specific yung character na gagawin ko for TV or sa pelikula.
“Like when I portrayed Prince Zardoz sa Voltes V: Legacy, I had to lose weight para lean yung katawan ko.
“Hindi kasi malaki katawan ni Zardoz kasi sa animated version. Saka I need to be lean para rin sa movements ko sa suot kong costume.
“Ganun din ang ginawa ko dito sa Lolong. I bulked up after playing Prince Zardoz for a project.
"Then nagbawas ako ng laki ng katawan for Asawa Ng Asawa Ko.
"Now, mas lean ako ulit for Lolong."

Why?
“Marami kasi kaming fight scenes ni Ruru and I need to move fast. Kung masyadong malaki ang katawan ko, babagal ang kilos ko.”
Nahihiya nga raw si Martin dahil mabagal siya kumpara kay Ruru.
“I admit na medyo hindi ako sanay kumilos sa mga action scenes unlike si Ruru na ang bilis niya.
“Sinabi ko, ‘Ru, maging patient ka lang sa akin. I'm willing to learn naman. Sasabayan ko yung kung paano kang sumapak, sumipa. Gusto kong masanay ako sa mga action scenes natin.’
“Nagpapasalamat ako kasi naintindihan niya ako at gina-guide pa niya ako sa mga eksena namin.”
MARTIN DEL ROSARIO'S DIET AND FITNESS
To achieve his desired physique, madalas daw siyang tumakbo.
"I jog for an hour or minsan, nasa treadmill ako.
"I also trained with Ruru and Paul [Salas] in learning to execute different Filipino martial arts. Mahirap yung training, pero masaya kasi we're doing it para authentic yung mga galaw namin sa mga madudugong fight scenes sa Lolong."
Mas dedicated daw siya sa physical activities kesa sa diet.
Pero para maging lean, may sinakripisyo si martin sa kanyang daily meals.
Aniya, “No rice, limited carbs only and no sugar. I eat lots of vegetables."
At hindi raw nagte-take ng mga artificial supplements kapag nagwu-workout.
“Naka-focus tayo sa pag-maintain ng healthy lifestyle with the proper diet and regular exercise.”
MARTIN DEL ROSARIO GIVES THEATER ACTING A SHOT
Bukod sa Lolong, naging abala rin si Martin sa paggawa ng isang movie with IdeaFirst Company at pagsabak sa teatro with IdeaFirst Live.
First time ni Martin na mag-perform sa teatro kaya kinakabahan daw siya kahit pa may napatunayan na siya bilang aktor.
"Excited ako dahil first time kong gagawin ito. Kabado, pero ito yung challenge and fear na kailangan kong harapin.
"Kasi kapag hindi ko siya ginawa, magkaroon ako ng regrets kasi ang ganda talaga ng role and I really auditioned for this dahil sa tiwala ko kina Direk Jun [Lana] and Direk Percy [Intalan].
"Kasi si Direk Percy ang nagsabing mag-audition ako. Ako kasi, anything na gawa nila, alam kong maganda. Pero hindi ko ini-expect na makukuha ko yung role na Joel.
"So noong nakuha ako, ang unang pumasok sa isip ko ay kung kaya ko ba ito? Kasi hindi ko pa ito nagagawa.
"Ako, matagal na ako sa TV, pero dito sa stage, kaya ko ba na may live audience? E, medyo may pagka-introvert ako.
"Humuhugot ako ng lakas from these talented group of people that I am working with. Ang gagaling nila and as a newcomer sa ganitong field, it inspires me to also give my best."
Napagkumpara niya ang pagkakaiba ng TV, movie, at teatro.
"It's really about discipline. Iba kasi sa small screen, iba rin sa movie. Dito sa play, sobrang daming lines na kailangan mong i-memorize.
"Kasi sa TV, one scene, okay, kung may mali, mababalikan.
"Pero sa play, walang retake, walang take two. It's one whole take for two hours at nandoon ka lang sa stage.
"Pero gusto kong ipakita yung versatility natin bilang isang artista. And I want to face that fear of performing live. I want to gain that confidence sa unang paglabas ko sa teatro."
Kasama si Martin sa Anino Sa Likod Ng Buwan, na itatanghal sa PETA Theater Center this coming March 2025.
Directed by Tuxqs Rutaquio, kasama rin sa cast sina Elora Espano at Ross Pesigan.
The play, written in 1993, won the grand prize at the Bulwagang Gantimpala Playwriting Competition.
Noong 2015, nagkaroon ito ng film version starring Luis Alandy, Anthony Falcon, at LJ Reyes.
