Mayroong forty-percent increase sa dengue cases sa bansa ngayong simula ng taon kumpara noong 2024.
Ito ang ikinababahala ng Department of Health (DOH).
Pero may isa pang rason para mag-alala ang DOH.
“...what is more concerning to the DOH is why is it happening this early in the year?" ani DOH Spokesperosn Albert Domingo sa interview ng Dateline ng ANC.
Karaniwan kasi ay naitatala ang dengue reports pagsapit pa lamang ng June or July— sa panahon ng tag-ulan.
As of February 1, 2025, may 28,234 dengue cases nang naitala.
Sa ngayon, siyam na Local Government Units (LGUs) sa National Capital Region, Calabarzon, at Central Luzon ang nakaranas ng pagtaas ng dengue cases, at pinangangambahang may potential dengue outbreak.
Subalit hindi maaaring ibunyag ng DOH ang mga lugar dahil, alinsunod sa Notifiable Diseases Act, ang LGU ang nararapat manguna sa pagdedeklara ng outbreak, gaya ng ginawa ng Quezon City.
Sa patuloy na pagtaas ng dengue cases, kailangang mapalaganap ang kaalaman para ma-prevent ito.
Read: Lalamove adds ride-hailing to its services
HELPFUL TIPS TO AVOID MOSQUITOS
Remove stagnant water
Dumadami ang mga lamok dahil nangingitlog sila sa stagnant water.
Kaya ang pinakamainam na gawin ay takpang mabuti o kaya ay tanggalin ang anumang tubig na nasa mga lalagyan sa loob at labas ng bahay.

Clean your surroundings
Mapapansing mahilig magtago ang mga lamok sa mga sulok na masukal at makalat, kaya panatilihing malinis ang loob at labas ng bahay.
Pinaka-aktibo sila sa madaling araw at pagsapit ng dapit-hapon, ayon sa mga medical news websites.
Sa mga ganoong oras, hangga't maaari ay iwasan ang mga madidilim na lugar, mapuno, at mahalaman.
Kalimitan ay namamalagi ang mga lamok sa mga lugar na may low airflow.
Wear proper clothes
Kung may mga lamok sa paligid, makakatulong ang pagsusuot ng pantalon, pajama, at long sleeves para may added layer of protection laban sa mosquito bites.
Nakaka-attract din ng lamok ang dark color kaya ipinapayo ang pagsusuot ng light colors.
Use screens at home
Para maiwasan ang pagpasok ng mga lamok sa loob ng bahay, maglagay ng mga insect screens sa mga pinto at bintana.
USE MOSQUITO REPELLANTS
Makakatulong ang paggamit ng mga anti-mosquito products—mosquito-killer spray, mosquito repellants tulad ng lotion, at electric mosquito killer.

Read: Supreme Court: OFWs retain parental rights and custody of kids
OTHER HELPFUL INFORMATION
Narito ang ilan pang kaalaman na makakatulong para mas maunawaan at hopefully ay makaiwas sa dengue.
Ang mga babaeng lamok lamang ang nangangagat, at kailangan nila ng dugo para makapangitlog.
Nakaka-attract din ng lamok ang pawis, body heat, at carbon dioxide mula sa hininga.
Nagtataka ka ba kung bakit may ibang taong parang mas lapitin ng lamok?
Ayon sa off.com.ph, “It may be because the flying pests are attracted to the body chemistry of some people over others.
“Chemicals such as carbon dioxide, which is emitted when you breathe out, and lactic acid, an element found in sweat, attract mosquitoes.”
Nadiskubre rin umano ng mga scientists na kapag full moon ay tumataas ang mosquito activity ng hanggang 500 percent.
Lastly, hindi kailangan ng maraming tubig para mangitlog ang lamok. Sapat na raw ang 14.5 milliliters o isang kutsarang tubig, kaya tanggalin ang anumang lalagyang may kaunting tubig na maaaring pamugaran ng lamok.
