Nakaugalian mo bang mag-ipon at magtago ng mga gamit at abubot kahit hindi mo naman ito kailangan?
Tambak na ba ang mga bagay na ito at nakasisikip na sa iyong kuwarto o bahay?
Nasabihan ka na ba ng mga kasama mo sa bahay tungkol dito, pero parang nahihirapan kang idispatsa ang mga bagay na ito at pakiramdam mo ay wala namang mali sa ginagawa mo?
Kung ang sagot mo ay "Oo" sa lahat ng ito, huwag kang pakakasiguro dahil baka mayroon ka nang hoarding disorder.
Read: How often should you wash your towel?
WHAT IS HOARDING DISORDER?
Kapag sobra na o eksaherado ang pagtatago mo ng mga gamit na hindi mo naman talaga mapakikinabangan at nakakaapekto na sa hygiene, posibleng mayroon ka nang hoarding disorder.
“A person with hoarding disorder is actually medyo serious type ng obsessive-compulsive disorder (OCD),” sabi ng psychiatrist na si Dr. Ma. Bernadette Arcena, ulat ng State of the Nation ng GTV noong March 5, 2025.
“Kasi natatakot sila o nahirapan silang mag-discard ng mga items.”
Gaano ba karami ang mga bagay na nakokolekta para masabing mayroon nang hoarding disorder ang tao?
Sagot ni Arcena, “Sabihin natin almost 80 percent of our house are all waste products and materials.”
Paglalarawan naman ng clinical psychologist na si Rowena Belen sa isang 2014 GMA News report, “Collect ka lang nang collect, usually regardless of value.”
Ipinaliwanag ding hirap makapagtrabaho ang mga taong may ganitong kondisyon.
Mas abala sila at mas pinagtutuunan ng pansin ang pangongolekta ng mga bagay na walang halaga.
Sa pakikitungo raw sa mga taong ganito, kailangan ng pasensiya para mahikayat silang magpagamot dahil iniisip nilang walang mali sa kanila.
Ipinaliwanag ni Arcena na ang treatment sa may hoarding disorder ay psychotherapy sessions, at mga gamot para makontol ang hoarding, kagaya ng anti-depressants at antipsychotic medications.

Read: Is it safe to eat leftover rice after 24 hours?
DIFFERENCE BETWEEN OCD AND HOARDING DISORDER
Samantala, ang pagkakaiba at pagkakahalintulad ng OCD at hoarding disorder ay ipinaliwanag ni Gail Steketee, PhD, at dean and professor sa Boston University School of Social Work.
Ang hoarding ay itinuturing na nasa obsessive compulsive (OC) spectrum condition.
Aniya, “potentially related” ang hoarding disorder sa OCD, pero ang pag-overlap ng dalawang kondisyon ay relatively small.
“Approximately 17-18 percent of people with hoarding disorder also have OCD in the form of things like contamination [fears] or excessive checking problems.”
May ilang tao naman daw na may OCD at mayroon ding hoarding disorder.
“They’re related but they’re not closely related,” ani Steketee. “You can have either condition separately or you can have both at the same time.”
Ang OCD ay ang pagkakaroon ng pattern ng unwanted thoughts at fears na kung tawagin ay obsessions.
Ang mga obsessions na ito ang nagtutulak sa tao na magsagawa ng mga paulit-ulit na behaviors na tinatawag na compulsions.
Ang mga obsessions at compulsions na ito ay nakapagdudulot ng stress at nakakasagabal sa pang-araw-araw na gawain ng taong may OCD.
