Nagbabala ang Department of Health (DOH) ukol sa tatlong heat-related illnesses at nagbigay-payo na rin kung ano ang mga dapat gawin para maiwasan sila.
Giit ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo, prevention is better than cure.
Ang heat exhaustion, heat cramps, at heat stroke ang karaniwang epekto ng mataas na heat index.
HEAT EXHAUSTION
Ang pinaka-mild sa mga karamdamang ito ay ang heat exhaustion.
Ang sintomas nito ay pagkaramdam ng pagod, pero hindi naman umaabot sa pagkawala ng malay.
“But it is sort of unexplainable fatigue wherein you may have had breakfast, you were not tired, but for some reason most likely [due to] the heat you will feel tired,” ani Domingo sa ANC interview, March 4, 2025.
HEAT CRAMPS
Ang mas malala naman sa heat exhaustion ay heat cramps.
Sa kondisyong ito, nakakaramdam ng pulikat sa “larger muscular parts” ng katawan, tulad ng mga hita, mga braso, at likuran.
“This is the result of electrolyte imbalance and dehydration,” ani Domingo.
Nangyayari raw ito kapag ang heat index ay 33-41 degree Celsius, at nakababad ka sa araw at may ginagawang mabigat na physical activity.
HEAT STROKE
Ang pinakamalala sa tatlo ay ang heat stroke.
“If you still continue doing your heavy activity or being exposed to the heat, it could now lead to the worst, which is heat stroke,” sabi ng DOH assistant secretary.
Kapag heat stroke ang nangyari, nawawalan ng malay ang pasyente.
Apektado na rin ang sensory faculties, gaya ng pagkakaroon ng confusion at “in and out consciousness.”
Babala ni Domingo, This "can actually lead to death if not managed properly.”
HEAT-RELATED ILLNESSES: WHAT YOU SHOULD KEEP IN MIND
Kakabit ang dehydration sa tatlong nabanggit na kondisyon.
Kapag nade-dehydrate o kulang ang tubig sa katawan, nagkakaroon ng imbalance sa electrolytes na puwedeng maging sanhi ng pagkahimatay.

HOW TO AVOID HEAT-RELATES ILLNESSES
Giit ni Domingo, sa panahon ng tag-init, dapat laging hydrated.
Paliwanag pa niya, “When it comes to heat-related illnesses, we don’t touch so much on the immune system, but we have to look at our coping mechanisms.”
Ang mga “very old and frail or the very young” ang prone sa mga illnesses na ito.
Kapag nakababad sa init, humanap ng masisilungan at uminom ng tubig.
Read: Here are top 5 jobs with highest daily average pay
Ani Domingo, “We now have to increase our hydration. Keep hydrated, seven to eight glasses of water for the average adult.”
Pero pinaaalala niya na dapat mag-ingat ang mga taong may kidney diseases, lalo na ang mga sumasailalim sa dialysis at similar treatments.
Importante raw na sumangguni sa kanilang mga doktor.
Bilin pa ni Domingo, iwasan ang lumabas at magbabad sa araw mula 10:00 a.m. hanggang 4:00 p.m. kung kailan matindi ang sikat ng araw.
Sabi pa ni Domingo, “Ventilation is good because it takes away the heat in our bodies."
Malaking tulong din daw ang basang towel o bimpo na ipinapahid sa katawan para bumaba ang body temperature at maginhawahan ang pakiramdam.
Read: What you need to know about Pag-IBIG Fund's MP2 Savings Program
