Nagtataka ka ba kung bakit may mga taong “chill” lang kahit nasa isang stressful situation? At bakit may mga taong sobra ang anxiety kahit mild lang naman ang ganap?
Most importantly, meron bang mga paraan para mas ma-manage ang stress at anxiety?
Ang mga sagot ay maaaring nakasalalay sa ating vagus nerve—na siyang responsable sa parasympathetic nervous system at sympathetic nervous system.
Ito ay ayon sa TikTok video ng professional doctor at content creator na si Dr. Winston “Dr. Kilimanguru” Tiwaquen.
Ang parasympathetic nervous system ang may kinalaman chill reaction kasunod ng isang stressful situation.
Ang sympathetic nervous system ang sanhi ng “fight or flight” mode kapag nakaramdam ng stress at panic.
Normal ang makaranas ng anxiety dahil ito ay human emotion, tulad ng happiness, sadness, anger, fear, at iba pa.
Pero siyempre, mas makabubuti kung kaya natin itong i-manage.

VAGAL TONE: What you need to know
Ayon kay Dr. Kilimanguru, mas maigi kapag mas mataas ang vagal tone.
“Kapag may high vagal tone, mas kaya nilang i-tolerate ang stress at anxiety, kung kaya’t mas mabilis silang kumalma o mag-relax.
"Mabilis ma-activate ang kanilang parasympathetic nervous system."
Kung low vagal tone, mas mababa ang tolerance ng tao sa stress at anxiety.
Ibig sabihin, mas mabagal ang pag-activate ng kanilang parasympathetic nervous system.
Ayon sa website ng Cleveland Clinic, ang vagus nerve ang siyang "longest cranial nerve" na nag-uugat sa brainstem at konektado sa leeg, chest, abdomen, at hanggang sa bituka.
Dagdag na information mula sa isang article na nalathala sa Massachusetts General Hospital, may mga paraan para ma-improve ang vagal tone ng tao.
Read: Summer eating tips: What doctors want you to know
VAGAL TONE: HOw to improve it
Brief exposure to ANYTHING cold
Yung sinasabing magpalamig ng ulo ay hindi isang metaphor.
May magagawa kasi ang lamig para para ma-stimulate ang vagus nerve.
- Maligo for five to ten minutes sa umaga
- Kumuha ng kapirasong yelo at ipuwesto ito sa gilid ng leeg at sa ilalim ng tenga dahil may branch ng vagus nerve dito.
- Uminom ng ice-cold water.
Breathing exercises
Gawin ang “box breathing technique,” kunsaan may four-second interval ang pag-inhale, pag-hold ng hininga, at pag-exhale. Gawin ito nang paulit-ulit.
Puwede ring gawin ang slow breathing exercise na makakatulong sa pagpapakalma.
- Magsimula sa sitting position
- Mag-lean forward para ang tension ay maalis sa mga balikat at madaling mag-expand ang lungs.
- Gawin ito sa umaga at bago matulog.
Meditation
Humanap ng tahimik na lugar at ipikit ang mga mata. Sa loob ng limang minuto, mag-focus sa iyong breathing at tanggalin sa isipan ang anumang alalahanin.

Regular exercise
Ang regular na pag-eehersisyo ay nakakapagpataas ng vagal tone, ayon sa Massachussetts General Hospital article.
Nagpo-promote ito ng cardiovascular health at nakakatulong sa pag-regulate ng stress response.
Nakakatulong din ito para magkaroon ng "happy hormones" o endorphins.
Read: Meet the sleepless seamstress who has not slept in three decades?
Social connection
May ambag din sa vagal tone ang pakikipag-bonding sa mga kaibigan at pamilya, pagpapahayag ng gratitude, at pagsali sa charitable activities.

