Isang towel lang ba ang gamit mo para sa katawan at sa mukha pagkatapos maligo o hiwalay ang tuwalya para sa mukha?
Ano ang masasabi ng skin experts tungkol dito? Safe ba ang iisang towel ang gamitin? O dapat ay hiwalay?
Sa ilang diskusyon sa online community site na Reddit, lumalabas na hati ang netizens sa isyung ito.
Aminado ang ilan na ang body towel din ang ipinupunas nila sa mukha matapos maligo.
Ang iba, hindi ipinampupunas ang towel sa kanilang mukha at hinahayaan na lang daw ma-air dry o kusa itong matuyo.
Samantala, may iba na hiwalay ang towel sa mukha at sa katawan.
Narito ang ilan sa comments:



Pero kung skin experts o dermatologists ang tatanungin, inirerekomenda nila ang hiwalay na tuwalya para sa mukha at sa katawan.
Paliwanag nila, ang paggamit ng towel sa mukha matapos ipahid sa katawan ay maaaring maging dahilan ng paglipat ng bacteria o microbes at puwedeng maging sanhi ng irritation at breakouts sa mukha.
Read: Paano palamigin ang bahay nang walang aircon ngayong summer?
THE BENEFITS OF USING A SEPARATE TOWEL FOR the FACE
Iminumungkahi ng certified dermatologists na sina Jocelyn Lieb at Hannah Kopelman ang hiwalay na facel towel, ayon sa article sa Byrdie.com, isang style and beauty blog.
Mas sensitibo kasi ang balat sa mukha kumpara sa balat ng iba pang body parts, ani Kopelman.
Kaya nga ang daming facial cleansing products dahil mas sensitive ang formulation ng mga ito kumpara sa body soaps na karaniwang mas matapang.
Kung body towel kasi ang gagamitin after shower, puwedeng mailipat ang microbes, bacteria, oils, dead skin cells, at iba pang skin irritants sa mukha mula sa towel na ipinahid sa katawan.
Dahil dito mas mataas ang risk na magkaroon ng breakouts, iritasyon, at maging infection, ani Kopelman.
Paliwanag naman ni Lieb, magkakaiba ang reaksiyon sa dirt or bacteria ng iba-ibang skin ng body parts.
Halimbawa niya, maaaring walang reaction sa iyong likod o singit ang kumapit na bacteria, subalit maaaring magkaroon ng iritasyon sa mukha kapag dito napunta ang bacteria.
Paliwanag ni Lieb, “A good example would be the groin area and the E. coli bacteria.
“If E. coli gets on the face and causes what looks like pimples, they could be tricky to treat and be more inflammatory, leading to scarring."
Dagdag pa rito, mas mabilis magpawis at maglabas ng bodily oils sa chest, likod, at paa. Bukod pa rito ang mga personal care products na ipinapahid sa iba-ibang body parts na maaaring mapahid sa mukha gamit ang body towel.
Kung isang tuwalya ang gamit, maaaring malipat ang “unwanted elements” na ito sa mukha.
“A clean, separate towel helps reduce this risk and keeps your face more hygienic,” ani Kopelman.
Read: What is hoarding disorder and what are its symptoms?
WHEN TO REPLACE THE FACE TOWEL?
Ipinaalala rin ni Kopelman na huwag kalimutang palitan nang regular ang face towel, lalo na kung sensitive ang skin mo.
Sa paraang ito, maiiwasan ang bacterial build-up na puwedeng maging dahilan ng sakit sa balat.
Rekomendasyon pa ng mga dermatologists, kung acne-prone ka ay mabuting araw-araw magpalit ng face towel.
Sa paglalaba naman ng face towel, ipinapayo ni Lieb ang paggamit ng hypoallergenic detergent at mainit na tubig para matiyak na malinis ang tuwalya at hindi makairita sa balat sa susunod na gamit.
Kung ayaw namang maabala pagdating sa face towel, puwedeng gumamit ng ibang alternatives, tulad ng disposable cotton pads, makeup wipes, at microfiber cloths.
Ang iba, gumagamit ng tissue bilang pagpahid sa mukha pagkatapos maligo.

