Mayroon bang gamot sa gout na mas mura at mas safe?
Mukhang nasa herbal medicine ang sagot, at ito ang na-develop ng University of the Philippines (UP) Manila-Institute of Herbal Medicine.
Ito ay ang ulasimang-bato o halamang pansit-pansitan.
Limang taon ang ginugol dito ng UP Manila Institute of Herbal Medicine.
Bukod sa nakapagpapagaling ng gout, lumalabas na mabisa rin ang gamot na ito laban sa cardiovascular at kidney diseases.
“It was seen in the clinical trials na pag yung isang tao na may very high serum uric acid levels, bababa siya to normal within a few weeks,” ani Dr. Cecilia Maramba-Lazarte, director ng UP Manila Institute of Herbal Medicine sa ulat ng TV Patrol, March 20, 2025.

Read: PhilHealth lifts 45-day benefit limit rule for members
AS EFFECTIVE AS a WELL-KNOWN GOUT MEDICINE
Paliwanag pa ni Dr. Lazarte, ang na-develop nilang gamot ay kasing epektibo ng allopurinol, kilalang gamot para sa gout, para mapababa ang uric acid levels.
Base raw ito sa paghahambing sa mga pasyenteng uminom ng ulasimang-bato at mga pasyenteng uminom ng allopurinol.
Kadalasan, ang mga umiinom ng allopurinol ay sinasabayan ito ng pag-inom ng paracetamol o ibuprofen para maibsan ang sakit na dulot ng gout.
Sabi ni Dr. Lazarte, “Alam natin ang gout ay napakasakit, ano, and kailangan uminom pa ng mga ibang gamot katulad kunyari ay paracetamol o kaya ay ibuprofen.”
Ang pag-inom ng mga painkillers na ito ay maaaring magdulot ng malalang side effects sa liver at kidney ng pasyente.
Pero ang kagandahan sa pansit-pansitan medicine, hindi ito kailangan sabayan ng painkillers kaya mababawasan din ang risks na makaramdam ng malalang side effects.
“Medyo mababawasan po ito kasi meron din analgesic itself yung ulasimang.
“So yung ibang side effects nung mga malalakas na painkiller, minsan meron nakakaapekto sa liver, may epekto sa tiyan… less po ang nakikita dito.”
gout medicine developed from plant usually eaten as salad
Kinatigan din ni Dr. Lazarte ang nakaugaliang ginagawa ng matatanda na pinapakuluan ang damong pansit-pansitan para inumin kapag sumasakit ang kasu-kasuan.
Sabi ng doktor, ligtas kainin ang damong ito.
“Ang iba ginagawa po siyang salad. Pero yung amount na kailangan mong kainin para ma-achieve mo yung same effect ng tablet, e, siguro bowl-bowl po yung kakainin natin.”
Pero sa na-develop nilang gamot, hindi na kailangang mag-abalang kumain ng napakaraming damong pansit-pansitan.
“Siyempre po na-formulate na rin po natin yung tablet para nga maging concentrated siya.”
Ang Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care ay nag-a-apply ngayon para sa certificate of product registration mula sa Food and Drug Administration.
Kapag nakuha nila ito, hindi magtatagal ay maging available na sa publiko ang gamot na ulasimang bato.
Read: BSP warns against SMishing or phishing via text messaging
