PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cherry Pie Picache says son Nio keeps her food intake in check

Here are her simple tips on how she stays healthy at 55.
by Melba R. Llanera
Published Jun 5, 2025
Cherry Pie Picache says son Nio keeps her food intake in check
Cherry Pie Picache has found an accountability partner in her son Nio, who keeps an eye on what and how much she eats.
PHOTO/S: @yescppicache Instagram

Mas pinapahalagahan na ni Cherry Pie Picache ang kalusugan niya ngayon.

Read: Cherry Pie Picache open to finding love again

Malaking tulong na meron siyang "accountability partner": ang binatang anak niya na si Nio, 23.

"Kaming dalawa ng anak ko, nagbabantayan kami ngayon," saad ni Cherry Pie.

"Masarap naman talagang kumain. [Pero] one day, we talked, kami ni Nio, 'Anak, parang masyado na tayong kumakain.'

"Kami nagbabantayan, sasabihin niya, 'Ma, bantayan mo ako, ako rin babantayan kita. Tama na iyan, stop na.'"

Ano ang disiplina niya sa pagkain?

"Nag-intermittent [fasting] ako kasi it really cleanses everything. Puwede namang kumain ang tao ng isang beses lang.

"Ngayon, wala akong whites, eight years. Wala ng white rice. Either red or brown [rice], wheat bread, mga ganun.

"I'm really proud wala na akong softdrinks for two, three years. More on vegetables, tapos tinanggal ko ang mga maalat na panimpla na di naman kailangan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas naging conscious na raw siya sa kalusugan dahil parang naging wake-up call sa kanya ang pagpanaw ng ilan sa mga malapit na katrabaho at kaibigan sa industriya.

"We have loved ones or dear friends in the industry that we lose. Now we say 'too young, too soon.' Dun ka nanghihinayang kasi, di ba, marami pang puwedeng itulong or gawin?

"Well, I guess, di ba, aasahan naman natin ngayon na marami sa seniors natin sa industry ang puwedeng mawala.

"Pero, I think, what I really, really feel sad about ay yung hindi pa dapat, yung marami pang puwedeng gawin, like Ricky Davao... Una akong naapektuhan kay Sir Deo."

Pumanaw si Ricky Davao sa edad na 63 noong May 1, 2025, matapos ang ilang buwang pakikipaglaban niya sa sakit na cancer.

Si Deo Endrinal ay pumanaw sa edad na 60 noong February 3, 2024.

Ilan pa sa namaalam na artista kamakailan ay sina National Artist Nora Aunor, Asia's Queen of Songs Pilita Corrales, at Kilabot Ng Kolehiyala na si Hajji Alejandro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ni Cherry Pie: "Sunud-sunod ngayon.

"Kaya nga ito rin ang mga contributing factor kung bakit dapat we have to take it upon ourselves to make it a commitment, to make it a lifestyle [to be healthy].

"We have to prevent and try to live long. Sa atin na, wag na tayong umasa na may gagawin ang gobyerno.

"Sa mga anak na natin, sa mga kapatid natin, sa sarili natin, bantayan na natin."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cherry Pie sa event ng Philippine Heart Association Philippine College of Cardiology na ginanap sa EDSA Shangri-La Hotel sa Mandaluyong City noong May 27, 2025.

Napiling speaker si Cherry Pie para sa 55th Annual Convention Advocacy Hour na may temang "Usapang Puso Sa Puso: From A Programmatic To A Policy Analysis."

Read: Cherry Pie Picache at Edu Manzano nananatiling friends kahit break na

CHERRY PIE PICACHE's HEALTH tips

Simple ang health advice ni Cherry Pie—regular na check-up, tamang pagkain, at sapat na pahinga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Dati, pag nagpapa-check up yung blood works ko, 'Saka na, pag may time na.' But you have to be aware, e, para di ka matakot.

"Importante yun to be aware of your blood sugar, cholesterol, lalo na ang mga babae kasi lagi nating nakakalimutan na alagaan ang sarili natin kasi nag-aalaga muna tayo ng pamilya.

"To be connected with your doctors, kung may maintenance, inumin. Kung kailangang mag-exercise ng fifteen minutes, iyan ang laging sinasabi nila.

"Instead na mag-elevator, maglakad na lang. Instead na sumakay ng jeep or ng bus, lakarin kung anim na kanto, why not?"

Kung napupuyat man sa mga taping, aminado si Cherry Pie na kailangang bumawi sa tulog at mag-ehersisyo para ma-manage ang stress.

"Actually, we're very thankful if you work 16-18 hours, because we worked 24-28 hours before. Ngayon 14-16, so okay na.

"Tapos bawi na lang ng tulog, exercise ka. You have to choose na what you eat. Ngayon yung temptation for fast food, processed food, ang lakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaunting disiplina at tiis din. Dapat conscious decision na on our part."

Read: Coco Martin treats her like a queen, Julia Montes swoons

ON MANAGING STRESS

Sa usaping mental health naman, ibinahagi ni Cherry Pie kung paano niya hina-handle ang stress.

Diin ng beteranang aktres: "Binabalanse. Mahirap, but we have to manage it. We have to learn how to say no and we have to be open to changes.

"Maraming pagbabago tapos hindi madaling tanggapin yung pagbabagong yun.

"Pero ikaw rin, e, choice mo rin, e, kung gusto mong mabuhay nang matagal at makapiling ang mga mahal mo sa buhay."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cherry Pie Picache has found an accountability partner in her son Nio, who keeps an eye on what and how much she eats.
PHOTO/S: @yescppicache Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results