Isang mukbang streamer si Tzuyang.
Ang 28-year-old South Korean ay kabilang din sa mga pinakasikat na YouTubers sa kanyang bansa.
Kayang-kaya niyang umubos ng napakaraming pagkain sa isang upuan lang—pero nananatiling slim ang kanyang pangangatawan.

Sa ulat ng The Korea Times last April 29, 2025, dahil sa kanyang slender figure, naging paksa si Tzuyang ng online debates and conspiracy theories sa social media ng South Korea.
Karamihan kasi ng mukbang streamers ay naaakusahan ng “fake eating.”
Pinabibilis umano ng mga ito ang kanilang videos o kaya ay pinuputol ang ibang bahagi.
May speculations ding iniluluwa lang ng mukbang streamers ang malaking bahagi ng kanilang isinusubong pagkain.
Read: Soda can tab hole: What is its real purpose?
MUKBANG QUEEN NOT FAKING HER VIDEOS
Pero walang makapagpatunay na dinadaya ni Tzuyang ang kanyang videos.
Maraming aktuwal na nanonood sa kanya kapag nagmumukbang siya.
Talagang nilululon niya ang mga pagkain.

Hinala tuloy ng netizens, mayroon siyang eating disorder.
Gayunpaman, mukhang healthy si Tzuyang.
Nagla-livestream siya ng mukbang sessions sa iba’t ibang restaurants at hindi siya nagba-bathroom breaks.
Hindi rin niya ino-off ang kanyang camera.
Read: How to keep bananas fresh longer
MUKBANG QUEEN’S AMAZING FOOD INTAKE
Ang isa pang kakatwa kay Tzuyang, sa halip na isang beses lang siyang mag-mukbang, kung minsan ay nakakadalawang sessions siya sa isang araw.
Kaya ang laging tanong ng netizens: Paano niya nakakain ang mahigit 10,000 calories of food per day nang hindi siya tumataba?
Sa isa sa kanyang mukbang streams, kumain si Tzuyang ng 20 hamburgers, 20 ramen noodles, tatlong kilong karne, 240 piraso ng sushi, at 16 na barbecue sticks ng beef intestine.
Minsan naman ay nakaubos siya ng 10 pirasong Korean rice cakes, 100 piraso ng hipon, 200 oysters, at 140 skewers of grilled lamb sa isang upuan lang.
Read: Why turkey eggs aren’t sold in stores
MUKBANG QUEEN GAINS BOTH FOLLOWERS AND BASHERS
Dahil sa lupit niyang magmukbang, nagkaroon si Tzuyang ng milyun-milyong loyal fans sa iba’t ibang social media platforms.
Pero umani rin siya ng kritisismo at bashing dahil pinalalaganap umano niya ang kultura ng pag-aaksaya ng food.
Nagbibigay rin daw siya ng ilusyon na kahit marami siyang kainin, hindi siya tataba. Tuloy, kinaiinggitan siya ng iba na nagsasakripisyong mag-diet para mapanatili ang timbang.
Laging sinasabi ni Tzuyang na healthy lang talaga ang kanyang appetite at napapanatili niya ang timbang sa 50 kilos (110 lbs).
At hindi siya nagwo-workout.
Pero hindi tumitigil ang kanyang mga kritiko, at ipinagpipilitang may ginagamit siyang hack para magoyo ang kanyang audience.
Read: Stir-fried cassia caterpillars, Vietnam’s exotic food
MUKBANG QUEEN’S SECRET FOR MAINTAINING HER FIGURE
Para patunayan ang kanyang claim na walang gimik sa kanyang mukbang streams, nag-post si Tzuyang sa YouTube channel ng video ng kanyang pagpapakonsulta sa isang clinic.
Sumailalim siya sa gastroscopy at colonoscopy.

Doon nabunyag ang sikreto ng hindi niya pagtaba.
Sambit kay Tzuyang ng sumuri sa kanya na si Dr. Seo Jae Gul: “Compared to other women of a similar build, your stomach is larger.
“As a professional, I can tell your stomach volume is slightly bigger than average. It appears to be 30 to 40 percent larger.”
Paliwanag pa ng doktor: “This likely means your absorption, digestion, and elimination capabilities are more efficient than most.”
Maging ito umano ay namangha sa kakaibang katangian ni Tzuyang.
Anang doktor: “Your body mass index is 17.5, which classifies you as underweight, yet your stomach is larger than that of most adult men.”
Pinatunayan din nitong healthy talaga ang mukbang queen.
“Your colon was also clean—no polyps, no inflammation.
“People who need to eat large amounts of food often have elevated blood sugar levels, but your six-month average was only 5.2 percent.
“That means you’re either exercising enough to manage your blood sugar or your pancreas is producing enough insulin to regulate it after binge eating.”
Pagsusuma ng doktor sa kalusugan ni Tzuyang: “It’s really excellent.”
Matapos naman ang kanyang check-up, sinabi ni Tzuyang na bigla siyang nagutom.
Pagkalabas niya ng clinic ay kumain siya ng mga tinapay sa isang bakery.
At dahil medyo bitin, nagmukbang pa siya sa nadaanang Chinese restaurant.
Read: Stir-fried cassia caterpillars, Vietnam’s exotic food
Dahil naman sa resulta ng pagsusuri sa kanya ng doktor, nakumpirma ng kanyang followers ang hinuha ng mga ito na hinaharangan ng kanyang small intestine lining ang mga kinakain niya at sa halip ay mabilis na itinutulak papunta sa kanyang colon kaya hindi naiimbak ang fats sa kanyang katawan.
Dahil sa kanyang pambihirang katangiang ito, sabi nga ng isang nagkomento: “Tzuyang could be one of the lucky ones who can pig out all day and never gain weight.”
