Natapos na ang anim na chemotherapy sessions ni Cesca Litton.
Ito ay para gamutin ang kanyang breast cancer.
Si Cesca ay dating host ng defunct ABS-CBN TV shows na SNN at E-Live.
Siya ay kasalukuyang host ng Play-By-Play ng One News.
Sa kanyang Instagram Stories kagabi, June 27, 2025, ibinahagi ni Cesca ang kanyang larawan habang nakaupo sa isang hospital bed.
Makikitang kalbo na rin ang TV host.
Umaasa siyang matapos na ang kanyang pakikipaglaban sa cancer.
Sabi ni Cesca, "Chemo 6/6. The last one.
"And I hope I never have to deal with cancer ever again.
"God is good. Always.
"And hello, yes, this is me, bald."

Read: AzVer at DusBi, nakaka-inspire, nag-trending
Ibinahagi rin ni Cesca na naging katulong niya sa paglaban sa sakit ang kumot na nilagyan ng mga mukha ng kanyang mga alagang aso at pusa mula noon hanggang ngayon.
Sabi pa nito, "The perfect blanket for my last chemo session. Wrapped in my fur babies, past and present. Apollo, Laila, Penny, Katara, Bellatrix, Albus, Severus."

CESCA LITTON DIAGNOSED WITH BREAST CANCER LATE LAST YEAR
Nitong nakaraang March 30 lamang inanunsiyo ni Cesca na meron siyang kanser.
Natuklasan daw ang kanyang karamdaman noong huling bahagi ng 2024.
Sumailalim daw siya sa mastectomy o pagtanggal ng kanyang dibdib noong Enero, at sinimulan naman niya ang chemotherapy noong Marso.
Pag-anunsiyo niya: "2024 had one last surprise for me. Breast cancer.
"December was a whirlwind of tests and consultations, until the biopsy results confirmed the big C. I don’t think I ever really gave myself time to process,
"I just shifted into 'act now, feel later' mode. Mastectomy/reconstruction done in January. Chemo started in March."
Sa kabila nito, ipinagpatuloy raw ni Cesca ang kanyang buhay sa normal na pamamaraan.
Likas daw kasing matigas ang kanyang ulo.
Aniya: "And yes, this whole time I’ve been working, trying to keep my life and routine as normal as possible, and also, because I can. (Hello, if you’re new here, my name is Cesca and I am extremely hardheaded and stubborn, it’s really endearing once you get used to it.)"
Ayon pa kay Cesca, nais sana niyang itago ang kanyang sakit, ngunit malalaman at malalaman naman din daw ito ng mga tao kapag nagsimula nang malagas ang kanyang buhok
"I wanted to keep this quiet, but there was no point in hiding it anymore once I started losing my hair. (That pixie cut lasted 2 1/2 weeks until my hair started falling out in clumps.
"I decided to just shave it off, I have a wig ready for work purposes, and a growing collection of scarves and turbans.)"
Bahagi pa ng kanyang post noon ang pagpaalala niya sa netizens, mas maigi ang magpa-checkup o kumonsulta dahil "early detection is key."
Pagtatapos niya, "I’ve got things to do, places to see, mountains to climb, and love to give back. God is good. Always.
"PS: Early detection is key. You really never think it could happen to you until it does, so please stay on top of your check-ups."
