Isang babae ang nadiskubreng may blood type na siya lamang ang nagtataglay.
Ito ay mula sa findings ng mga French scientists mula sa French Blood Establishments o EFS, isang public organization sa France na in charge sa blood transfusion services.
Ang babae ay mula sa Guadeloupe, isang island group sa southern Caribbean Sea, na teritoryo ng French overseas region.
Dahil sa kakaiba niyang blood type, gumawa ng bagong blood group at tinawag itong “gwada negative,” ayon sa CBS News noong June 21, 2025.
Fifteen years ang inabot bago na-identify ang bagong blood type na ito.

Read: Boy neglected by mom turns to dogs for company; learns to bark instead of speak
WOMAN'S BLOOD TYPE DESCRIBED AS "VERY UNUSUAL"
Noong 2011, ang female patient ay kinunan ng blood sample para sa kanyang routine tests bago siya isailalim sa isang surgery.
Inilarawan na “very unusual” ang antibody sa female patient, ani Thierry Peyrard, isang medical biologist sa EFS, ulat ng AFP.
Noon ay 54-anyos lamang ang pasyenteng nakatira sa Paris. Ngayon ay 68-anyos na siya.
Bagaman at na-detect na “very unusual” ang antibody ng babae, limitado noon ang resources, kaya hindi raw nagkaroon ng further research.
Pero pagsapit ng 2019, nasagot ang misteryo dahil nagkaroon na ng “high-throughput DNA sequencing.”
Nakita ng mga scientists na ang bagong blood type ay resulta ng genetic mutation.
Nakuha raw niya ang blood type mula sa kanyang tatay at nanay, na parehong nagtataglay ng mutated gene.
Sabi pa ni Peyrard, it "is undoubtedly the only known case in the world.
"She is the only person in the world who is compatible with herself."
Tinawag namang “Gwada negative” ang bagong blood group dahil iniugnay ito sa origin ng pasyente.
Umaasa ngayon si Peyrard at ang kanyang mga kasamahan na makakatagpo sila ng ibang taong may blood type na kabilang sa bagong blood group.
"Discovering new blood groups means offering patients with rare blood types a better level of care.”
Bago nadiskubre ang Gwada negative, mayroong 47 blood group systems sa buong mundo.
Ang Gwada negative, na siyang 48th, ay opisyal nang kinilala bilang bahagi ng International Society of Blood Transfusion noong June 2025.
Noong 1900s unang binuo ang ABO blood group system, kung saan kabilang ang apat na main blood types: A, B, AB, at O.
Sa paglipas ng mga taon, nadagdagan nang nadagdagan at bumilis ang paggawa ng iba pang blood groups sa tulong ng DNA sequencing.
Noong 1940, binuo ang Rh blood group system, kung saan na-categorize ang bawat ABO type—kung positive o negative ito.
Kabilang sa Rh system ang Types A+, A-, B+, B-, AB+, AB-, O+, and O-.
Read: Jessica Soho reminds 2025 UP graduates: “Huwag maging MAYABANG.”
