PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ate Gay says lump reduced after radiation treatment

Ate Gay: "Sa leeg lang po ang cancer ko, wala po sa katawan."
by Arniel C. Serato
Published Oct 2, 2025
Ate Gay update on radiation theraphy
Ate Gay shares good news: "Ambilis ng pagliit ng bukol in 3 days… 10cm naging 8.5… Maraming salamat po sa inyong lahat na nanalangin ng aking agarang paggaling."
PHOTO/S: Facebook

May magandang balita ang stand-up comedian na si Ate Gay para sa kanyang mga tagahanga at supporters.

Pagkatapos daw ng ikatlong araw ng radiation therapy niya, umimpis na ang bukol sa kanyang leeg.

Pagbabahagi niya sa kanyang Facebook post ngayong Huwebes, October 2, 2025, (published as is), "Ambilis ng pagliit ng bukol in 3days… 10cm naging 8.5 …maraming salamat po sa inyong lahat na nanalangin ng aking anggarang paggaling.. patuloy lang po…. [hearts, praying hands emojis]"

Ate Gay good news
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula ang chemotherapy at radiation treatment kay Ate Gay noong September 29.

Sabi niya sa netizens: "Yeheyyy nakayanan ko Ang 1st Radiation ko sabi ng mga nurse Ang galing ko daw… nagdasal lang ako kahit nangangawit Ang ulo ko.. thank you po sa Dasal, bukas uli… at sa leeg lang po Ang canser ko wala po sa katawan ..salamat po"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Thomas Markle, itinangging na-trap dahil sa lindol sa Cebu

ate gay receives MORE HELP FROM FRIENDS, STRANGERS

Patuloy pa rin ang pagbuhos ng tulong kay Ate Gay ngayong sumasailalim siya sa radiation at chemotherapy na tatagal ng 35 days.

Katunayan, ang kanyang pagpapagamot sa Asian Hospital and Medical Center ay sagot daw ng isang anonymous donor.

Pati na ang kanyang tinitirhang condominium unit sa Las Piñas City ay pahiram daw ng nagmamalasakit na fan.

Read: Ate Gay to undergo chemotherapy, radiation for free

May nagpadala rin sa kanya ng pagkain at prutas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nilibre rin siya ng Grab car driver na nasakyan niya papuntang Asian Hospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bumubuhos pa rin ang dasal ng netizens para sa agarang paggaling ni Ate Gay.

Read: Celebrities send prayers to Ate Gay amid cancer diagnosis

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ate Gay shares good news: "Ambilis ng pagliit ng bukol in 3 days… 10cm naging 8.5… Maraming salamat po sa inyong lahat na nanalangin ng aking agarang paggaling."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results