PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ate Gay’s lump on neck nearly gone after four days of treatment

Ate Gay: "Salamat po sa dasal…"
by Arniel C. Serato
Published Oct 8, 2025
Ate Gay's lump almost gone
Stand-up comedian and singer Ate Gay expresses gratitude to netizens and supporters for their prayers, and reveals that the lump on his neck has almost disappeared.
PHOTO/S: Facebook

Nakaka-happy para sa supporters at fans ng stand-up comedian na si Ate Gay ang bagong update tungkol sa kanyang laban sa cancer.

Na-diagnose si Ate Gay na may mucoepidermoid cancer Stage 4.

Noong October 3, 2025, umimpis ang bukol na makikita sa leeg ni Ate Gay.

Pagbabahagi niya sa kanyang post sa Facebook: "Grabe ang bilis ng pagliit. Salamat po sa dasal… patuloy lang nyo po ako ipanalangin para sa agarang paggaling"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Miyerkules, October 8, matapos lamang ang apat na sessions niya sa Asian Hospital Cancer Center, halos wala nang makitang bukol sa leeg ng stand-up comedian.

Sabi ni Ate Gay: "Morningggggggg selfie ko ngayong umaga… wala na akong makitang bukol… alam nyo bang 4day radiation lang yan at may 31 days pa ako… nakakagaling talaga Angpanalangin Dasal …lab u po"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ate Gay energized by direct message from crush Dominic Roque

ATE GAY'S HEALTH PROGRESS

Ang hitsura ngayon ni Ate Gay ay malayung-malayo sa unang nasilayan ng publiko na bukol niya noong September 21 nang ipinalabas ang panayam niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Noong panahong iyon, 10cm pa ang laki ng kanyang bukol sa leeg kaya palagi siyang may nakapataong na scarf o ibang bagay para ito ay matakpan.

Ate Gay's lump at 10cm size last September 21, 2025.
Ate Gay's lump at 10cm size last September 21, 2025.
Photo/s: Courtesy: Kapuso Mo, Jessica Soho on Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi pa niya sa kanyang post noong October 2: "Ambilis ng pagliit ng bukol in 3days… 10cm naging 8.5 …maraming salamat po sa inyong lahat na nanalangin ng aking anggarang paggaling.. patuloy lang po…. [hearts, praying hands emojis]"

Read: Ate Gay says lump reduced after radiation treatment

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Stand-up comedian and singer Ate Gay expresses gratitude to netizens and supporters for their prayers, and reveals that the lump on his neck has almost disappeared.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results