Karaniwan ang pagbubutas ng tenga para makapagsuot ng hikaw, pero may ilang ipinanganak na sadyang mayroon nang butas malapit sa helix o outer rim ng ear.
Sabi ng mga eksperto, tinatawag daw itong preauricular pit, na isang “sinus tract under the skin that’s in the wrong place," ayon sa WebMD.com.
Ang sinus tract na ito ay congenital at matatagpuan usually sa kanang bahagi ng tenga.
Karaniwan itong maikli, pero may iba't ibang sizes.
Nagkakaroon ng preauricular pit kapag hindi naging fully developed ang tenga bago ipinanganak ang sanggol.
Preauricular Pit, a Congenital Malformation
Walang malinaw na sanhi ang pagkakaroon ng preauricular pit.
Mayroon ding mga paniniwalang ito ay namamana o bunsod ng isang “genetic condition.”
Ngunit kadalasan, basta na lamang daw ito nangyayari.
Ayon sa WebMD: “The visible part of your ear is called the auricle. A baby typically grows it during the sixth week of pregnancy. A preauricular pit forms when the auricle doesn’t fuse all the way.”
Read: Which country is the biggest consumer of instant noodles?
Generally Harmless
Ang tanong: Delikado ba ito?
Hindi man pangkaraniwan, walang dapat ikabahala sa pagkakaroon ng preauricular pit, ayon sa report.
Sa website ng Children’s Hospital of Philadelphia, ipinaliwanag nitong “the malformation is not associated with hearing impairments, and only rarely associated with a genetic syndrome involving other problems.”
Kung ang bagong panganak na sanggol ay meron nito, agad siyang isasailalim sa ilang pagsusuri upang matiyak na walang ibang “abnormalities” at masiguro na wala itong kaakibat na genetic syndrome.
Itinuturing man itong “harmless,” mayroon pa ring mga babala pagdating sa impeksiyon na maaaring magmula sa maliit na butas na ito.
Narito ang ilang sintomas na dapat obserbahan:
- Pamamaga
- Pamumula
- Secretions
- Pananakit
- Lagnat
Isang ina mula sa Malaysia ang nagbahagi ng kanyang karanasan sa preauricular pit via Smart Parenting.
Siya at ang kanyang asawa, pati ang kanilang sanggol, ay mayroon nito. Pero ang butas sa kanyang tenga ay nasa loob, habang ang sa kanyang mag-ama ay nasa labas.
Kuwento niya, noong walong buwang gulang na ang kanyang anak, nagkaroon ng impeksiyon ang kaliwang tenga nito. Sinubukan niyang linisin ang butas, at maingat na pinisil upang palabasin ang secretions.
Sang-ayon ang WebMD sa ginawang line of action ng ina. Gayunman, inirerekomenda ang pagpagpapatingin sa medical expert kapag nakitang nagkakaroon na ng impeksiyon.
Mahalagang maresetahan ng tamang uri ng antibiotic ang pasyente upang bumuti ang kalagayan. May ilan ding pinapayuhang sumailalim sa operasyon upang matanggal ang sinus tract.
Samantala, mahigpit ang habilin tungkol sa regular na paglilinis ng tenga at ng preauricular pit upang maiwasan ang anumang problema.
Bukod sa impeksiyon, maaari ring makapansin ng cyst o maliit na bukol malapit sa tenga na tinatawag na “auricular tags.”
Tulad ng preauricular pit, wala itong hatid na panganib, maliban na lamang kung ito’y mabilis na lumalaki o kaya naman ay namamaga o nagdudulot ng discomfort.
Read: A guide to pre-terminating MP2 savings without penalty