PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Should we start worrying about Nipah virus? DOH speaks up

Learn the preventive measures for Nipah virus.
Published Jan 28, 2026
Nipah virus
Should we start worrying about the Nipah virus already being present in the Philippines? “Malamang sa malamang andito na iyan..." says the Department of Health Spokesperson Albert Domingo.
PHOTO/S: Canva

Kailangan na ba nating mabahala sa Nipah virus?

Nagsulputan na ang videos sa social media tungkol sa pinangangambahang virus outbreak sa India.

Limang healthcare workers sa West Bengal ang tinamaan nito, habang 100 ang isinailalim sa quarantine.

Ang balita ay naging paksa ng news programs sa iba’t ibang bansa at naging content sa social media.

Halatang maraming Pilipino ang naalarma, kabilang ang ABS-CBN star na si Anne Curtis na umaming na-"praning.”

Ni-repost ng Kapamilya actress ang isang message tungkol sa paghihigpit ng airports sa ibang bansa tulad ng Thailand at Taiwan.

“I was just reading about this. Afraid. #praningSiANNEing,” tweet niya.

NIPAH VIRUS CASES IN INDIA

Agad kumilos ang Thailand at naging alerto sa virus na ito, habang pinag-aaralan ng Taiwan kung ituturing itong Category V disease, tulad ng COVID-19.

Ang Nipah virus ay isang zoonotic disease o karamdaman na galing sa hayop. Sinasabing sa paniki ito nagmula.

Ayon sa World Health Organization (WHO), puwede itong ma-transmit sa ibang hayop tulad ng baboy, kambing, kabayo, aso, at pusa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mala-trangkaso ang sintomas nito.

Bukod sa pagkakaroon ng lagnat, makakaranas din ang pasyente ng ubo at hirap sa paghinga.

Matindi rin ang pananakit ng ulo na maaaring magresulta sa pamamaga ng utak o encephalitis, and worse, posibleng mauwi sa comatose and even death.

Sa ngayon ay wala pang vaccine na panlaban sa Nipah virus.

Pero ano naman ang sinasabi ng Department of Health (DoH) tungkol dito?

Dapat na ba tayong maalarma? May potensiyal ba itong maging isa na namang pandemic?

WHAT DOH SAYS

“Hindi po natin kailangan maging alarmado,” ito ang pahayag ni DoH Assistant Secretary and Spokesperson Albert Domingo nang matanong kung dapat nang mabahala ang mga Pinoy.

Pag-a-assure pa niya during his interview with DZMM Teleradyo noong January 28, 2026: “Lahat na lang ng virus na naririnig natin, pagkatapos ng pandemya, COVID-19, ay kinakabahan tayo.

"Ina-assure po natin ang lahat na itong Nipah virus, nagkaroon na ho tayo niyan noong 2014 at na-contain natin sa Sultan Kudarat."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nakita natin doon is yung mga tao na nahawa ay kumain ng laman ng kabayo," ani Domingo sa ABS-CBN News.

Ibinahagi rin niya ang nakuhang impormasyon mula sa International Health Regulations (IHR) ukol sa outbreak sa West Bengal.

Giit ni Domingo, ang limang nahawa ay healthcare workers.

“Importante po ang detalyeng ito kasi ito ay tinatawag na health-care associated, hindi nagmula sa isang paniki—although doon nanggagaling, ‘no, dati noong 1998, 1999…

“Itong 2026 outbreak sa India, merong namatay, meron siyang sakit ‘tapos yung nahawa is yung dalawang doktor, dalawang nurse, at isang healthcare worker doon sa private hospital na nag-alaga sa kanya.”

Dahil agad na-trace ang pinanggalingan, agad na na-contain.

“Ibig pong sabihin hindi ito sa labas nangyari. Kaya mabilis yung contact tracing nila. One hundred kaagad yung naka-quarantine.

“Huwag ho tayong matatakot, huwag ho tayong mapapraning,” paalala niya.

May paliwanag siya kung bakit mas urgent ang reaction ng Thailand sa balita: May direct flight kasi mula Thailand sa West Bengal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung sa Taiwan ay ikinukunsiderang Category V ang Nipah virus, sa Pilipinas ay nasa Category III lamang.

Ang sabi ni Domingo, matagal na raw notifiable ang Nipah virus kahit sa bansa.

Kaya nag-remind ulit siya sa kahalagahan ng e-travel na ipinapatupad ng Bureau of Quarantine para agad matukoy kung saan nanggagaling, partikular ang transit at airport points, ng mga bumibiyahe.

Oras na lang ba ang hinihintay na aabot sa Pilipinas ang Nipah virus?

Diretsong sagot ng DoH official, “Malamang sa malamang andito na iyan, lalo na sa Mindanao, ‘no.”

Muling inulit ni Domingo na nagkaroon na ng ganitong kaso sa Sultan Kudarat noong 2014.

“Ang tawag natin doon, disease or virus reservoir. Ibig sabihin, umiikot yung virus doon sa mga hayop, hindi sa mga tao.

“Kaya napakaimportante na ngayon… yung paalala na huwag basta-basta lumalapit sa mga paniki, sa mga kabayo na may sakit.

“Dahil ang kuwento sa Sultan Kudarat ay ang mga kumain ng karne ng kabayo. ‘Tapos meron iyang duda doon sa kung gaano kaluto yung pagkain.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang paalala niya: Importanteng lutuin nang maigi ang karne at dapat ay approved ng national meat inspection service.

Kung mag-iingat kasi, maiiwasan ang sakit.

“Marami tayo talagang mga virus, mga mikrobyo na nandito sa paligid natin. Kaya tayo hindi tinatablan dahil maingat tayo.”

Nipah virus
Nipah virus is a zoonotic disease, which means it comes from animals, particularly bats.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DEADLIER THAN COVID-19

Aminado si Domingo na mas nakamamatay ang Nipah virus kumpara sa COVID-19.

“In terms of individual mortality, yung bilang ng pasyente, mas deadly si Nipah, mas mataas ang mortality rate niya.

“Pero ang kakaiba kasi kay COVID-19, highly transmissible compared to Nipah.

“Si Nipah hindi siya kasing-bilis manghawa kumpara sa COVID.

“In terms of pagkakamandag naman [o] fatality, mas mataas si Nipah."

Una nang binalita na may contingency plan na ang DoH sakaling ma-detect ang Nipah virus sa bansa.

Sabi naman ni Domingo, malabong kumalat sa Maynila ang Nipah. Wala raw kasing kagubatan sa paligid.

“Doon sa mga lugar at in-identify na nga natin sa bahagi ng Mindanao in particular, pero madali siyang i-contain kasi, hindi siya tulad ng COVID-19 na airborne.

“Close contact siya, yun nga, kumain ng karne ng kabayo.

“So as long as hindi tayo kumakain ng karne na kung saan-saan nanggagaling, niluluto natin nang maayos, at hindi tayo lumalapit sa mga may sakit, lalo na sa may sakit na hayop, hindi natin makukuha ang Nipah virus.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Should we start worrying about the Nipah virus already being present in the Philippines? “Malamang sa malamang andito na iyan..." says the Department of Health Spokesperson Albert Domingo.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results