What is herpangina?
Maraming netizens ang na-curious tungkol sa viral disease na ito kasunod ng recent post ng aktres na si Kaye Abad.
Nag-post si Kaye nitong February 28, 2026, tungkol sa pag-a-isolate sa sarili matapos siyang ma-diagnose na mayroong herpangina, isang highly contagious disease o labis na nakahahawa.
Suspetsa ni Kaye, nakuha niya ito sa airport o sa eroplano dahil sa kanilang recent trip.
Ano nga ba ang herpangina? Ano ang mga sintomas nito? Ano ang dapat gawin kapag mayroon nito? Paano ito maiiwasan?
Narito ang mga detalyeng dapat malaman.
Read: The dangers of relying on social media for skin care
HERPANGINA VS. HAND, FOOD, AND MOUTH DISEASE AND SORE THROAT
Ang viral disease na ito ay dulot ng coxsackieviruses A and B—na siya ring sanhi ng hand, foot, and mouth disease.
Ang pagkakaiba ng dalawa, kapag herpangina, ang singaw o sores at blisters ay nasa bibig o lalamunan.
Kapag lumabas ang sores at blisters sa bibig at naapektuhan din pati ang kamay at paa, ang kondisyon ay nagiging hand, foot, and mouth disease.
Napagkakamalan din itong sore throat dahil hirap makalunok ang pasyente.
Ang pagkakaiba: When you check the mouth of someone with a sore throat, makikitang mapula, lumaki, at namaga ang back ng throat at ang mismong tonsils. Minsan, may white patches.
Yung sa herpangina, ayon sa website ng National Institutes of Health, magiging pulang-pula ang affected area, na usually ay ang tonsillar pillars, mismong tonsil, soft palate, uvula, at dila.
Makikita ring puno ito ng maliliit na singaw.

Read: Cosmetic surgeon on ways to "reverse" aging and treat cancer
CHILDREN ARE MORE SUSCEPTIBLE TO HERPANGINA
WHAT ARE THE CAUSES AND SYMPTOMS?
Ang karaniwang tinatamaan ng herpangina ay mga bata edad tatlo hanggang sampung taon.
Maaari itong makuha mula sa contaminated surfaces o kaya ay mula sa laway.
Puwede ring mahawa kapag nalanghap ang droplets sa hangin.
Bukod sa mga mouth at throat sores o singaw, kabilang sa mga sintomas ay pyrexia o lagnat at pharyngitis o sore throat.
Sa mga bata, karaniwan silang naglalaway sanhi ng hirap sa paglunok ng inumin o pagkain.
Magiging struggle ang simpleng paglunok dahil masakit o mahapdi kapag tinatamaan ang mga singaw.
Bagama’t karaniwan ito sa mga bata, puwede ring mahawaan ang adults, gaya ng nangyari kay Kaye Abad.
Pero pinaka-susceptible sa harpengina ang mga sanggol at mga taong immunocompromised o mahina ang immune system, gayundin ang mga buntis.
Puwede rin itong maging severe case at posibleng maging life threatening.
Mas nagiging frequent ito pagsapit ng summer, pero puwedeng tumama any time of the year.
TREATMENT
Ang herpangina ay itinuturing na self-limiting condition o natatanggal nang kusa. Kadalasan itong nagtatagal ng tatlo hanggang pitong araw o isang linggo.
Hindi naman ito nangangailangan ng special diagnosis.
Isang ina na katrabaho ng writer na ito ang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa inirekomendang treatment ng pediatrician sa kanyang anak na nagkaroon ng herpangina.
For fever, kailangang mag-Paracetamol. Normally, hindi dapat umabot ang temperature sa 40 degrees.
For the discomfort na dulot ng mga singaw, puwedeng gumamit ng Kamillosan Spray, na gamot sa canker sores.
Pero the best treatment, ayon sa pediatrician, ay ice cream, popsicles, or anything na malamig.
Advisable na manatiling hydrated ang pasyente, lalo na kung wala silang ganang kumain.
Pagdating sa pagkain, recommended ang soft diet para hindi masyadong mahirapan sa paglunok.
At ang pinaka-kabilin-bilinan ng doktor: Huwag iinom ng mainit na tubig dahil mas mai-irritate ang mouth sores.
PREVENTION
Dahil highly contagious ang herpangina, may ilang preventable measures upang maiwasan ito.
Una, mag-disinfect ng mga surfaces na maaaring nadapuan ng virus.
Kapag may pasyenteng may herpangina sa bahay, ihiwalay ang utensils nito.
Madalas maghugas ng mga kamay at maging aware sa personal hygiene.
Para sa mga may herpangina, gayahin si Kaye, mag-isolate o huwag maglalalabas para hindi makahawa.
Dahil ang babala ng pediatrician: "Puwedeng mahawa ang buong island."
Sources:
