PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tips: What to do if you have anger management issues

Here's why you should take this issue seriously.
anger management
Here’s what you should know when anger signals something more serious.
PHOTO/S: Canva

May malaking epekto sa sarili at sa mga taong nasa paligid mo kapag madalas kang nagagalit.

Normal lang ang makaramdam ng galit, at dapat nailalabas ito.

Pero paano kung parati na lang at ito ang automatic response mo sa sitwasyon?

Paliwanag ni Novie Duquilla, isang clinical psychologist, mayroong conflicting opinion kung dapat bang ipahayag o kinikimkim ang galit.

“Ang importante po, inilalabas natin siya in a healthy way,” ani Duquilla sa Kada Umaga interview noong 2025.

Nilinaw niya kung bakit hindi siya pabor na kimkimin ang galit na nararamdaman.

Maaari raw kasi itong maipon at mas mahirap siyang makontrol.

Read: "Mahal magpa-derma?" Dermatologists weigh in on misconception

HOW TO HANDLE ANGER

May tatlong tips na ibinigay si Duquilla para maging “healthy” ang paraan ng pag-handle ng anger.

TIMEOUT

Simpleng paliwanag ni Duquilla, kapag nakakaramdam galit, huwag nang ipagpatuloy kapag nasa gitna ng conversation.

“Kailangan timeout muna. Leave the situation,” sabi ng psychologist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Adng advice niya, gawin ang “box breathing” technique bilang pampakalma.

Tulad ng kahon na may apat sa sides, sisimulan sa pag-inhale sa ilong sa loob ng apat na segundo. Apat na segundo na hindi hihinga, at ibubuga ang hangin sa bibig sa loob ng apat na segundo, at hindi muna hihinga sa loob ng apat na segundo.

Rekomendasyon ni Duquilla, gawin ang proseso kapag kailangang kumalma.

COGNITIVE RESTRUCTURING

“Kapag nagagalit tayo, it’s not that we are responding to the situation, but we are actually responding to the interpretation that we put to the situation,” saad niya.

Punto niya, maaaring may dalawang taong makaranas ng parehong experience subalit magkaiba ang kanilang interpretasyon.

Sa cognitive restructuring, may sinusunod na ABCD model, ani Duquilla.

A ang “aggravating circumstance,” na tumutukoy sa sitwasyon na dahilan para magalit. Ginawang halimbawa ni Duquilla ang pagiging late ng kasintahan.

Pangalawa ay ang “belief system.” Sa example niyang ibinigay na late na kasintahan, maaaring isipin na mayroon siyang iba kaya siya na-late.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sumunod ang “consequences.”

Sabi ng psychologist: “Mula sa iyong paniniwala o belief, ano ang naging consequence sa behavior? Puwedeng nainis, nakapagsalita ng di maganda o nag-walk out ka na.”

At ang panghuli ay ang “dispute,” na pagtukoy sa pag-challenge sa iyong “belief.”

Payo ni Duquilla, kailangang baguhin ang paniniwala at gawin itong neutral o “less threatening.”

“Kasi kapag nagagalit tayo, feeling natin, mayroong threat o danger.

“Kailangan baguhin natin yung beliefs natin o yung thoughts natin para mabago yung C o consequence o behavior natin. Dito papasok ang neutral thinking."

Halimbawa niya, “Kunwari, ‘Ay, na-late siya dahil may excess work o nasiraan ng gulong.’”

anger management
Anger management is defined as the way we process angry emotions.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

REASONS FOR ANGER MANAGEMENT ISSUES

Madalas daw marinig ang anger management, na ani Duquilla, "ay paraan nating pagproseso ng galit natin.”

Ang sabi niya, ang galit na nararamdaman ay isang normal emotion.

“Hindi siya actually negative o anything we should shy away from or we should feel ashamed kapag na-experience natin,” saad niya.

Sabi niya pa, may iba-ibang range ang galit at hindi lamang iisa.

Puwede raw itong minor annoyance hanggang sa rage o poot.

Nakakabahala daw ito kapag nagiging intense ang galit at kapag madalas makaramdam ng galit.

Puwede raw kasing indikasyon ito ng mental condition.

Anang psychologist, “And try to understand, may mga mental health disorders o mental problems na isa sa mga manifestations ay pagiging irritable o palaging galit.”

Kabilang daw rito ang bipolar, depression, at personality disorders, tulad ng borderline personality at narcissism.

Read: Tips: How to prepare for your retirement

WHEN TO CONSULT AN EXPERT

Sa ganitong sitwasyon, may mga senyales ba na dapat nang kumonsulta sa isang professional?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Duquilla, “Ito ang lagi ninyong babantayan, and this is not only limited to anger expression, but across all mental health issues or disorder.”

Sabi niya,may mga indicators na magsasabing kailangan nang mag-seek ng professional help.

Una, kapag merong significant distress.

“Yung feeling mo na ikaw mismo, ayaw mo yung nararamdaman mo. Ayaw mo yung palagi kang galit. Ayaw mo yung palagi kang takot. Ayaw mo yung palagi kang malungkot.”

Pangalawa, kapag mayroon nang significant dysfunction.

“Ibig sabihin noon, naaapektuhan na ang pang-araw-araw mo na gawain."

Kasama na raw rito ang hindi pagpasok sa trabaho kasi nagdudulot na ng conflict ang anger expression sa work o sa relationships with officemates.

“So meron nang significant dysfunction,” sabi ng psychologist.

Ikatlo, kapag ang galit ay nauuwi na sa injury sa sarili, sa ibang tao, o sa mga bagay, tulad ng pagbabato o paninira.

HOW TO HANDLE AN ANGRY PERSON

Karaniwan nating sinasabihan ang isang taong galit na huwag itong magalit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Duquilla, mas mainam na hayaan ang tao sa kanyang nararamdaman, pero “hold spaces.”

Ibig daw sabihin ay hayaan muna silang damdamin ang kanilang emosyon. Hindi raw dapat silang sabihan na tumigil o huwag silang magalit o kalmado lang dapat.

“Kapag kalmado na sila, saka dapat mag-reach out sa kanila,” aniya.

Paalala pa ni Duquilla, kapag nagagalit ay nagpo-produce ng stress hormones ang katawan, pati na rin ng cortisol at adrenaline na nakasasama.

Aniya: “Imagine kung palagi kang galit, palaging nagpo-produce ng stress hormones ang body mo.

“At pag mataas ang stress hormones mo, mas prone sa illnesses, even chronic illness, gaya ng cancer.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Here’s what you should know when anger signals something more serious.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results