Tatlong katao ang pumanaw sa isang cruise ship, ang MV Hondius, na ang ruta ay mula Argentina at napadpad sa Cape Verde sa Africa nitong weekend.
Ang suspetsang dahilan ng pagkasawi ay hantavirus.
Kabilang sa mga namatay ay isang elderly Dutch couple, habang tatlo pa ang may sakit at pinaniniwalaang nahawa ng virus, ayon sa World Health Organization (WHO) at Department of Health ng South Africa.
Iniulat na namatay ang elderly Dutch man noong April 11, at ibinaba mula sa barko noong April 24.
Makalipas ang tatlong araw, pumanaw ang misis ng Dutch man. Nagpositibo ito sa virus.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng WHO.
Nasa intensive care unit sa isang South African hospital ang pasaherong Briton, na nagpositibo rin sa virus.
Sinisikap namang ma-evacuate ang dalawang pasahero na may sintomas.
As of this writing, nakadaong ang cruise ship sa Cape Verde na nasa west coast ng Africa.
Hindi pinapayagan ang iba pang pasahero na makababa ng barko dahil sa hinalang mayroong outbreak.
Tinatayang nasa 150 ang mga pasaherong nasa cruise, na nagmula sa Argentina tatlong linggo na ang nakakaraan.
Read: Tips: What to do if you have anger management issues
WHAT IS HANTAVIRUS?
Ang serious disease na ito ay strain of viruses na nagmumula sa mga rodents, tulad ng mga daga.
Airborne ang virus. Ibig sabihin, nakukuha ito ng tao kapag nalanghap mula sa dumi at ihi ng mga daga.
Ayon sa WHO, may rare cases na ang nagpasa ng virus ay taong infected.
Dalawang malubhang karamdaman ang maaaring idulot ng hantavirus: una, lung disease at hemorrhagic fever; pangalawa, kidney disease.
Kabilang sa mga sintomas ay fatigue, lagnat, at muscle aches.
Kadalasang sinusundan ito ng pagkahilo, chills, at pananakit ng tiyan.
Dahil sa ganitong sintomas, napagkakamalan itong flu at hindi agad nade-detect.
Kapag naging malubha ang karamdaman, umaabot sa 38 percent ang mortality rate.
Mas matindi naman ang hantavirus kapag kidney ang tinamaan.
Kabilang sa sintomas nito ay low blood pressure, internal bleeding, at acute kidney failure.
Wala pang natutukoy na lunas sa hantavirus infection.
Gayunpaman, mas malaki ang chances na maka-recover kapag nagkaroon ng early detection.
Kapag mas malubha ang infection, admission sa ospital at proper care ang tinukoy na mga solusyon ng U.S. Center for Disease Control and Prevention.
Ayon naman sa Oceanwide Expeditions, na siyang kumpanya ng cruise, pinuntahan na ng local authorities sa Cape Verde ang barko para suriin ang mga pasaherong may sintomas.
Nakipag-ugnayan naman ang national authorities sa operators ng cruise ship para magsagawa ng “full public health risk assessment” para sa iba pang mga pasahero.
Sources:
