PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tips: How to address chronic fatigue syndrome

Feeling tired even after just waking up? It could be chronic fatigue syndrome.
by Bernie V. Franco
Published 3 hours ago
fatigue
Poor performance at work or in school? Brain fog? Lacking motivation? It could be chronic fatigue syndrome? What to do? Read on to learn more.
PHOTO/S: Canva

Palagi bang pagod ang pakiramdam mo kahit kakagising mo lang mula sa magdamag na pagtulog?

Lagi ka bang nanghihina at walang ganang kumilos?

Lagi ka bang nakararanas ng brain fog?

Baka chronic fatigue syndrome na iyan.

Tinatawag na chronic ang sakit kapag ang pakiramdam ay patuloy na nararamdaman sa loob ng anim na buwan o higit pa.

Ang syndrome naman ay tumutukoy sa marami at iba-ibang sintomas at senyales.

Tinalakay ang chronic fatigue syndrome sa Aksyon Ngayon ng DZMM Teleradyo noong April 30, 2026.

“[A]ng pagod na ito, hindi nababawi sa rest o tulog. Meron kang karanasan ba na maski nakatulog ka paggising mo, e, parang pagod ka pa rin?” paliwanag ni Dr. Dennis Ngo, isang internist-gastroenterologist sa University of Sto. Tomas at Health Cube Medical Clinics.

Read: NETIZENS REACT: Violator uses religion after MMDA reprimand

INDICATIONS OF CHRONIC FATIGUE SYNDROME

Pero paglilinaw ng doktor, hindi ito mededetermina sa pamamagitan ng single test.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikokonsidera rin daw kasi ang ibang kondisyon tulad ng mataas na blood sugar, thyroid, taas-babang blood pressure na puwedeng makaapekto sa puso.

Mga dahilan din daw ito para makaramdam ng fatigue.

Pero sabi ng doktor, ang karaniwang sintomas ng chronic fatigue syndrome ay kapag “ang pahinga ay hindi nakakatulong o walang epekto."

Dagdag niyang paliwanag: “So nagiging pagod pirme. Pagod ka kahit may sapat na pahinga at tulog.”

Nilinaw ni Dr. Ngo na minsan ay subjective ang pagod. Para sa iba kasi, kaunting kilos lang ay napapagod na.

Sundot niya: “But makikita natin bakit syndrome ito dahil bagsak ang performance mo sa trabaho, sa eskwelahan, pati na sa social life.

“So hindi exactly depression, pero parang wala kang gana dahil pagod ka nga [at] hindi dahil ayaw mo.

“So yung iba naman, puwedeng magkaroon ng chronic fatigue syndrome dahil overworked.”

Heto ang ilang sintomas o indikasyon na maaaring senyales ng chronic fatigue syndrome.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
  • Poor performance sa trabaho o school
  • Poor immune system
  • Palpitations
  • Mabilis hingalin
  • Pananakit ng katawan, gaya ng kasu-kasuan, likod, balakang
  • Brain fog
  • Poor concentration
  • Lack of motivation
  • Tamad kumilos
  • Wala sa mood dahil hindi naka-recharge

CAUSES OF CHRONIC FATIGUE SYNDROME

Ibinigay niyang halimbawa ang mga empleyadong may 12-hour shift at pagkatapos ay nag-e-extend pa.

Simple niyang paliwanag, kapag matagal ang shift sa trabaho, nagdudulot ito ng kakulangan sa pahinga o tulog at nasisira ang sleep cycle.

Aniya, nakakaapekto rin ang pagbababad sa gadget. Minsan daw ay gusto nang matulog pero hindi nakakatulog.

“Puwedeng walang physical labor, pero yung ilaw emitted nakaka-stimulate, nakakapagod. Maging dehydration…” dagdag niya.

Bukod sa physical signs, nakapagdudulot din ng chronic fatigue syndrome ang mental aspects tulad ng “worrying, overthinking, burnout, stress."

Ibinigay niyang example ang pagkakaroon ng problema sa pamilya, pera, at relasyon.

Puwede rin itong emosyonal.

May kinalaman din daw ang lifestyle. Ang kulang na pahinga at pagiging overworked ay maaring magdulot nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ganitong sitwasyon daw kasi, nakakalimutan nang kumain at nagkakaroon ng poor diet.

WHAT TO DO

Nagbigay naman ng payo si Dr. Ngo sa mga may chronic fatigue syndrome.

SCHEDULED SLEEP

Sabi niya, dapat naka-schedule ang tulog. Hindi niya ipinapayo ang nakakatulog dahil sa pagbabasa o habang gumagamit ng gadget.

Binanggit niyang ang number of hours ng tulog ay dapat pito hanggang siyam na oras.

Ipinapayo niyang huwag humawak ng gadget isang oras bago matulog.

TAKE MINI-BREAKS

Kapag nagtatrabaho, huwag daw kalimutan ang magkaroon ng mini-breaks.

“Kaya hindi puwedeng sabihin nakalimutan kumain sa oras o uminom ng tubig.”

MANAGE STRESS

Sabi niya pa, kailangan gumawa ng mga bagay para ma-manage ang stress.

Isang tip na ibinigay niya ay ang pagkakaroon ng breathing exercises.

AVOID OVERTHINKING

Ang panghuling ibinigay niya ay ang pag-iwas sa overthinking.

Katwiran ng doktor: “Bakit, may magagawa ka ba? Wala.

“At the end of the day, have faith everything will come into play. That’s how I think,” pagtatapos ng doktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

stressed
Feeling tired despite having enough sleep? You may have a chronic fatigue syndrome.
Photo/s: Canva
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Poor performance at work or in school? Brain fog? Lacking motivation? It could be chronic fatigue syndrome? What to do? Read on to learn more.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results