PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Weight loss through OMAD: here’s what experts say

Grace Tanfelix and Connie Sison talk about One Meal a Day diet for weight loss.
by Bernie V. Franco
Published 14 hours ago
fasting
Lately, a lot of people are resorting to intermittent fasting to lose weight. One extremely popular but equally intense diet is One Meal a Day (OMAD) diet, where a person would fast for 23 hours and have one hour window to eat. Among personalities who are into OMAD are Kapuso newscaster Connie Sison (inset, in purple blouse) and food vlogger Grace Tanfelix.
PHOTO/S: Canva / Connie Sison on IG / Grace Tanfelix on FB

Isa sa mga nauusong weight-loss regimen ngayon ay ang One Meal a Day (OMAD) diet.

Isa itong diet regimen na itinuturing na “strict form of intermittent fasting,” dahil magpa-fasting sa loob ng 23 oras at ang window para kumain o ikonsumo ang daily calories ay isang oras lamang.

Mas strikto pa ang OMAD sa nakasanayang intermittent fasting (IF) schedule na may 16-hour fasting window and 8-hour eating window (o 16-8); at 14-hour fasting window and 10-hour eating window (o 14-10).

Pero may mga kilalang tao o personalidad na nag-resort sa OMAD para sa weight loss.

Kabilang dito sina Grace Tanfelix, kilalang food vlogger at nanay ni Kapuso actor Miguel Tanfelix, gayundin ang GMA-7 news anchor na si Connie Sison.

fasting photo
With intermitent fasting, one has 16-hours window for fasting and 8-hours window for eating. But the One Day a Meal fasting is more extreme as it only allows one meal per day.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: VIRAL: New characters unlocked: Sharmaine, Melanie, and Vanessa

GRACE TANFELIX ON OMAD

Isa sa kilalang food vloggers ngayon si Grace Tanfelix.

Nakagawa siya ng pangalan dahil sa kanyang hilig sa pagluluto at mayroon nang 6.7 million followers sa Facebook. Hindi pa kasama rito ang followers niya sa ibang social media platforms.

Pero bukod sa hilig sa pagluluto at madalas na pagkain, kapansin-pansin ang magandang figure ni Grace.

Sa isang recent Facebook video, ibinahagi ni Grace ang kanyang sikreto.

Aniya, mula sa pagiging 50 kilos (110 pounds) noong nakaraang buwan ay naging 45 kilos (99 pounds).

“Ang ginawa ko nagpa-fasting ako ng 16 hours,” saad niya habang kumakain.

Dagdag niya pa, mas marami siyang kinakain na gulay para masustansiya.

“Pero hindi porke’t nag-fasting ka ng 16 hours, kakain ka na ng sobrang dami, ha,” paalala niya.

“Etong kakainin ko na ‘to, ano ko na ‘to, pang-whole day ko na ito, e. Minsan hindi na ako nagla-lunch, hindi ako nagdi-dinner. Panay water lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So yun, five kilos nabawas ko in a month.”

Grace Tanfelix
Food vlogger Grace Tanfelix reveals she recently lost five kilograms by fasting. She also revealed that she only eats once a day.
Photo/s: Grace Tanfelix on FB

CONNIE SISON ON OMAD

Kapansin-pansin din ang pagbawas ng timbang ng Kapuso newscaster na si Connie Sison.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagsimula raw ang kanyang weight struggle matapos niyang isilang ang kanyang bunsong anak noong 2013, aniya sa show niyang Pinoy MD noong 2025.

“Napansin ko kasi na kahit anong gawin kong exercise, kahit anong gawin kong diet, talagang parang hindi na ako pumapayat,” pag-amin niya.

“’Yun pala, nalaman ko na meron akong hormonal problem.”

Sinimulan niya ang kanyang weight-loss diet sa pamamagitan ng regular exercise at OMAD.

Pag-amin ni Connie hindi naging madali ang simula ng kanyang fitness journey.

Pero dahil sa pagiging consistent at pagkakaroon ng disiplina, na-achieve niya ang nais niyang resulta.

“Talagang it benefitted me. Habang tumatagal, nakikita ko yung benefits sa akin,” sabi ni Connie.

“Bukod sa weight loss, hindi ko naman talaga siya primary goal, e. Gusto ko lang maging healthy. Yun ang first goal ko… is to become healthier.

“Nung ginawa ko yung OMAD na-realize ko na parang mas magaan ang pakiramdam ko, mas nakakatulog ako nang maayos, mas nawala na rin yung cravings ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Giit niya, “Consistency is the key.”

Sa kabila nito, paalala ng newscaster, “Mahalagang kumonsulta sa health o medical professional bago simulan ang OMAD diet.

“Importante na sinasabi sa doktor ang dapat malaman para magabayan siya nang tama,” paliwanag ni Connie.

Connie Sison
Connie Sison reveals she lost weight via One Meal a Day diet, coupled with regular exercise.
Photo/s: Connie Sison on GMA Public Affairs
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHAT THE DOCTOR SAYS

May mga paalala naman ang isang internist at functional medicine expert pagdating sa OMAD diet.

Sabi ni Dr. Rolando Balburias, lumabas sa 1970s research na maraming benepisyo ang fasting, tulad ng body repair.

Gayunpaman, may paalala ang doktor bago gawin ang OMAD diet, “Kailangan i-assess muna ang estado ng iyong katawan.

“Importante na malaman natin ang estado ng sustansiya tulad ng mga micro-nutrients; of course, yung composition ng iyong katawan patungkol sa muscle mass, patungkol sa fat mass...

“Hindi lahat ay agad-agad puwedeng mag-engage sa OMAD. Kailangan ito ay medically supervised.”

Hindi rin niya inirerekomendo ang mga nagse-self-medicate o sumusubok ng OMAD nang walang professional supervision.

“There are those proponents, yung mga biohackers, sinasabi nila the earlier you stop eating, especially for some, they recommend to stop eating pagkatapos ng alas dos ng [hapon].

“You can start eating as early as 9 AM, that’s a good way to start the time, that’s a biological pattern of eating.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Payo ni Dr. Balburias, “Kung sakaling magwa-One Meal A Day ka, you either start eating at 9 AM or within that period, 9 [AM] to 2[PM].”

Paalala niya, importanteng sabayan ang OMAD diet ng regular exercise.

“Puwedeng-puwedeng mag-exercise, as long as klaro at medically supervised kung paano niyo i-implement itong One Meal a Day sa inyong araw-araw na pamumuhay.”

Hindi rin niya inirerekomenda ang pagkain ng processed food o mga pagkaing simple-refined carbohydrates. Dapat daw ay healthy food pa rin.

“Hindi po iyon uubra kasi pag ganoon po ang inyong kakainin, papataasin niyo po ang tinatawag nating hormones; ang tinatawag nating insulin.

“At pag masyadong mataas ang ating insulin, sa ating dugo, lalo na kung kayo po ay may tinatawag nating insulin resistance, hindi po kayo papayat.

“Likelihood kayo po ay mas magi-gain pa ng timbang, ng taba sa inyong katawan.”

Read: Handsome doctor goes viral after helping passenger on flight

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

REGISTERED NUTRITIONIST-DIETITIAN ON OMAD

Gumawa rin ng video ukol sa OMAD diet si Jeaneth Aro, registered nutritionist-dietitian at elite performance coach ng Filipino Olympics athletes.

Ani Aro, pagdating sa OMAD ay iniiwasan ang calorie- containing food at drinks mula 18 hanggang 23 hours.

Sinabi rin niyang mas “extreme” ito sa intermittent fasting na may 16-8 at 14-10 regimen schedule.

Depende raw sa tao kung ang one meal niya ay gusto niya sa oras ng breakfast, lunch, o dinner.

Sabi pa ni Aro, wala raw strict rules sa kakaining pagkain, maging sa amount of calories na ikokonsumo.

Pero paalala niya, kung weight loss ang target, kailangan ng negative calorie balance o calorie deficit.

Sinasabing nakakapayat ang OMAD, “Ngunit kailangan nating tandaan na ito ay dahil kalimitang mas kaunti ang total calories na nako-consume sa diet, lalo na kung limitado lamang ang oras ng pagkain.”

Sabi pa ng nutritionist, ang weight loss mula sa fasting ay mula sa lower overall calorie intake, at hindi ito naiiba sa iba pang calorie-restricted diets, ayon sa studies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inisa-isa rin ni Aro ang mga benefits ng fasting, tulad ng OMAD. Narito ang mga benepisyo ng fasting in general:

  • Reducing total cholesterol, triglyeries, LDL cholesterol o ang bad cholesterol
  • Improvement ng blood pressure control
  • Inhibition ng atherosclerotic plaque formation o pagbawas ng pag-form ng mga bara sa arterties
  • Improvement sa glucose metabolism
  • Increase sa insulin sensitivity

May mga dagdag na importanteng paalala si Aro ukol sa OMAD.

Aniya, ang OMAD diet ay “feasible diet strategy” for a short duration only. Ibig sabihin, hindi advisable na gawin ito nang long term.

Sabi pa niya, lumalabas sa pag-aaral na tatlo sa sampung sumusubok ng OMAD diet ay sumusuko dahil hindi nila kayang i-sustain.

Ang tatlong ito ay higit daw nakakaramdam ng gutom, craving, at nagiging takaw-mata.

Puwede raw itong mauwi sa pag-crave ng pagkaing mataas sa calories at processed food kaya’t nagiging unhealthy ang pagkain.

Ang OMAD diet ay hindi raw recommended ng experts sa mga mayroong hormonal imbalance, pregnant, breastfeeding, diabetics, children, teens, older adults, ay yung may may eating disorders.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbahagi rin ang coach ng mga konsiderasyon bago gawin ang OMAD diet.

Kapag weight loss ang goal, importante pa rin ang calorie-deficit.

Kung may active lifestyle naman tulad ng regular exercises at sports, inirerekomenda ang intake ng adequate calories at timing ng pagkain para makapag-perform nang mabuti.

Hindi naman daw uubra ang OMAD kung ang goal ay optimum muscle maintenance dahil kailangang kumain ng protein foods 4x a day in regular intervals.

Kung si Aro raw ang tatanungin, mas makabubuting mag-stick sa mas manageable na IF regimens, tulad ng 16-8 at 14-10 dahil mas doable ito sa totoong buhay.

Paalala ni Aro, ang pagkain ay parte ng buhay at nagbibigay kasiyahan.

Diin niya pagdating sa kalusugan at weight, ang susi ay sustainability at consistency.

“Find the regimen that will fit your health needs, financial capabilities, at lifestyle,” ani Aro.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lately, a lot of people are resorting to intermittent fasting to lose weight. One extremely popular but equally intense diet is One Meal a Day (OMAD) diet, where a person would fast for 23 hours and have one hour window to eat. Among personalities who are into OMAD are Kapuso newscaster Connie Sison (inset, in purple blouse) and food vlogger Grace Tanfelix.
PHOTO/S: Canva / Connie Sison on IG / Grace Tanfelix on FB
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results