PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Scientifically proven tips to eat anything without gaining weight

These are tried-and-tested tips, according to a physician.
food
Is it possible to enjoy any food you like without gaining weight? A registered physician and nutritionist shares his three key rules to help make it happen.
PHOTO/S: Canva

Isang paniniwala ng marami pagdating sa weight loss ay ang pagsasakripisyo ng mga kinakain.

Para mabawasan ang timbang o maiwasang bumigat, maraming pagkain ang bawal kainin.

Pero hindi ito ang approach ng doctor-vlogger na si Dr. Dex Macalintal.

“Hindi kinakailangan ng extreme diet. Hindi kinakailangan parusahan ang sarili pagkatapos kumain, at hindi kinakailangan iwasan ang pagkain na nagpapasaya sa iyo,” ani Dr. Dex sa kanyang video.

Ang doctor-influencer ay double-board certified professional. Isa siyang registered nutritionist-dietitian and, at the same time, a licensed medicine physician.

Tinalakay niya ang madalas na problema ng mga taong conscious sa kanilang timbang: ang kumain pero nagi-guilty o mag-diet pero nagdurusa naman.

"Pero eto ang gusto kong sabihin sa inyong lahat: hindi masamang kumain," ani Doc Dex.

“Ang masama ay ang mindset na kailangan mong magdusa para maging healthy.”

Deklarasyon niya, “The real key is to learn how to eat.”

Nagbigay siya ng kanyang “three rules” na aniya ay “personally tested at scientifically backed.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Are frozen vegetables still nutritious? Nutritionist answers.

FIBER AND PROTEIN FIRST

Sa mga ibinigay na halimbawa ng physician, lumalabas na kailangang baguhin ang nakasanayang paraan pagdating sa pagkain upang hindi madagdagan ang timbang.

Ani Doc Dex, mainam na unahin muna ang fiber at protein kapag kumain.

“Kapag kasi inunang kainin ang carbohydrates, magreresulta ito sa blood-sugar spike, which causes insulin spike, at mabilis magutom na magreresulta sa overeating,” paliwanag niya.

“Whereas, pagka inuna mo yung fiber saka yung protein-rich foods, mas mabagal ang gastric-emptying time. Mas mag-i-stabilize ang blood sugar mo, at mas matagal ang pakiramdam mo na busog ka.”

Nagbigay siya ng specific example: bago kainin ang pasta, unahin muna ang chicken. Bago kumain ng kanin, unahin ang tofu, fish, at gulay.

“Small habit ito, pero big impact,” giit ni Doc Dex.

food 2
A lifestyle doctor, physician, and nutritionist explains you do not need to avoid food for weight loss, but just needs to be smart in eating.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Control your portions

Isa pa sa mga paraan pagdating sa pagda-diet na hirap ang marami ay sa pagsusukat ng pagkain.

Specific kasi ito at kailangang isaang-alang lagi ang amount ng kinakain upang epektibo ang diet.

May hack naman dito si Doc Dex—gamitin ang kamay.

“Hindi mo kinakailangang maging scientist sa calories,” hirit niya.

Halimbawa, sa pagsusukat ng protein, ang isang serving nito ay kasinglaki raw ng palad.

Sa fats naman, dapat ang kakainin ay sinlaki lamang ng thumb o hinlalaki, samantalang sa carbohydrates naman, sinlaki lamang dapat ng fist o kamao.

Sa gulay naman ay sindami dapat ng dalawang kamay.

Madali raw sundan ang guide na ito at hindi kumplikado.

Sabi ni Doc, “Flexible, realistic, sustainable.”

take a Walk after eating

At panghuling payo ng doktor ay ang paglalakad ng 10-15 minutes pagkatapos kumain.

“Simpleng paglalakad lamang ito, pero andaming nagbabago,” paniniyak niya.

“Ten to 15 minutes walks after meals can lower your blood sugar by up to 20 percent; nakakatulong in improving your digestion; it prevents fat storage; and reduces cravings later in the evening.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dugtong niya, hindi kumplikado ang payong ito. Hindi na raw nangangailangan ng equipment tulad ng treadmill o kaya gym membership.

“Gamitin ang kakayanan na ipinagkaloob sa atin na maglakad. Kahit in place lamang, kahit sa hagdanan, kahit sa loob ng bahay…”

Kasunod nito, nagbigay ng halimbawa si Doc Dex.

Sa isang handaan, mayroong litson manok, kanin, spaghetti, keso de bola, desserts, at shredded cabbage.

Ano ang dapat unang kainin?

Unahin ang shredded cabbage, kasunod ang manok, kaunting kanin, at kaunting queso de bola para sa panghimagas.

“Disiplina hindi deprivation. Sistema hindi suwerte,” paliwanag ni Doc Dex.

“You do not have to fear food. You just have to respect your body, and work with your body signals to maintain a good and healthy body.”

Read: Ube vs. purple sweet potato: How to tell the difference

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is it possible to enjoy any food you like without gaining weight? A registered physician and nutritionist shares his three key rules to help make it happen.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results