PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Judy Ann, Jodi, Marvin talk about value of seeing a life coach

Juday, Marvin, Jodi agree that prioritizing self is of utmost importance.
Jodi, Marvin, Juday
Jodi Sta. Maria, Marvin Agustin, and Judy Ann Santos all agree with life coach Pia Nazareno-Acevedo (inset) that prioritizing one’s well-being before others should not be frowned upon and can actually be beneficial.
PHOTO/S: @coachpiaacevedo on Instagram

May patotoo sina Judy Ann Santos, Marvin Agustin, at Jodi Sta. Maria kung gaano kalaki ang maitutulong ng isang life coach.

Nagbahagi ang tatlo ng kanilang karanasan sa pagsangguni kay Pia Nazareno-Acevedo, licensed brain trainer na may 27 years of experience sa coaching at counseling.

Nakakuha si Pia ng accredited master coach certification mula sa Harvard Business School. Ang focus niya ay personal growth at future goals.

Sa kabilang banda, ang psychiatrist ay medical doctor para sa mga na-diagnose ng mental health conditions, at nagpi-prescribe siya ng medication.

Ang psychologist naman ay nagko-conduct ng therapy at mental testing, subalit hindi ito nagpe-prescribe ng gamot.

Read: Boulevard in Bridgetowne named after tycoon John Gokongwei, Jr.

JUDAY ON COACH PIA

Nagkatrabaho sina Juday at Pia sa ABS-CBN reality-based TV show na I Do noong 2014.

Ang show ay nagtampok ng real-life couples na dumaan sa mga hamon.

“So, si Coach Pia was part of the council. I was the host and part of the council as well,” lahad ni Juday sa book launch ni Pia na Moment To Moment Living Intentionally, nitong August 6, 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nabuo ang pagkakaibigan nina Juday at Pia sa pamamagitan ng TV program.

“Hindi kasi mahirap mahalin si Coach. I mean, it's not hard na ma-draw sa kanya kasi nga she's very approachable," ani Juday.

“Of course, with her line of work, she really knows how to make people comfortable without judging or without you feeling na parang, ‘Teka muna, baka binabasa na ako nitong tao na ito.’”

Matapos ang show, nawalan sila ng connection, pero nag-reconnect noong 2018.

Kinuhang life coach ng seasoned actress si Pia.

“Kasi kilala ko na siya, and yung level of trust ko din kay Coach Pia, for some reason, may ganun, di ba, yung hindi mo ma-explain, e… yung level of comfort mo sa isang tao...

“Meron kang taong nakikita or makikita na parang ang bigat agad ng dugo mo sa kanya, di ba? Tapos basta ka na lang aatras kasi parang may mali.

“Pero with Coach Pia, walang ganun. Yung parang, para siyang may magic door.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sundot ni Jodi, “It feels like home.”

Kampante raw si Juday na magsabi ng mga bagay na personal kay Pia.

“Up until now, nagkakamustahan kami and all, and we still work with her.”

Sabi ni Juday ukol sa pakikipag-usap sa isang life coach: “Hindi naman kasi kailangan na may pinagdadaanan ka. Minsan kailangan mo lang ng kausap; ng tamang perspective na maggagaling sa ibang taong hindi ka huhusgahan pagdating sa desisyon na gagawin mo.”

Nabanggit din ni Juday ang pagkakaroon ng stigma tungkol sa pagkokonsulta sa life coach, psychologist, at psychiatrist sa bansa.

Pia Acevedo, Judy Ann Santos
Pia Acevedo, a life coach, formed a friendship with Judy Ann Santos after working together in "I Do" a reality based TV show in 2014.
Photo/s: @coachpiaacevedo on Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Meron tayong notion before, di ba, na pagka nakipag-usap ka sa psychologists and psychiatrists pa lang… yung life coach, parang matagal naman na siya, pero hindi talaga pa siya fully naiintindihan ng mga tao...

“Ano ba talaga yung life coach? Iko-coach ka ba niya sa desisyon mo sa buhay? Iba.

“Well, at least for me, yung opinion ko of having a life coach, it gives you a little bit more of bigger and clearer perspective kung saan mo gusto makarating or sa paano mo ito pupuntahan.”

Paglilinaw ng aktres, “Hindi lang sa [may] pinagdadaanan, e. Hindi naman kailangan na may pinagdadaanan ka.”

Nais linawin ni Juday na hindi porke’t nakipag-usap sa isang life coach o mental health professional ay nangangahulugang may mental issues ang isang tao.

“In my case, I just really needed someone to talk to, without judging my opinions to myself: sa sarili ko, hindi sa opinion ko sa trabaho ko, sa opinion ko sa ibang tao, o sa pamilya ko; opinion ko sa decision na gagawin ko with regards to whatever parts of my life. It could be as a chef, it could be as a wife, as a mother...or just for myself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa mundo kasi natin, judge ka na agad kapag may nakarinig na, ‘Ay, nag-aano siya ng life coach;’ ‘Ah, may pinagdadaanan;’ ‘Naku, baka hiwalay na silang mag-asawa,’ may ganun agad.

“Pero malaking bagay kasi yung may nakakausap ka na parang kaibigan lang na nagbibigay ng advice sa iyo. Because when you have a life coach to guide you in so many aspects in your life, it doesn't mean naman that you really have to follow kung ano yung sabihin niya.

“At the end of the day, opinion mo pa rin naman yun, e. Gina-guide ka lang on a clearer picture of how you will be able to... basically, it's really more of appreciating yourself.

“Kasi most of the time, we underappreciate ourselves because we're very busy in life…”

Read: Ghost Month is coming: Dos and don’ts you need to know

JODI STA. MARIA on HOW A LIFE COACH BENEFITTED HER

Nabuo ang relationship ni Jodi kay Pia nang maging guest ang aktres sa YouTube vlog ng life coach na Moment To Moment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And then I also was introduced to her book, yung Moment to Moment, yung 21-day journey,” pagtukoy sa naunang book ni Pia na Moment To Moment A 21-Day Journey to Clarify, Compassion and Living with Intention.

Nagmarka raw ang deep conversation ni Jodi kay Pia.

“And that interview went on so smoothly na para nga siyang, we're just like talking. And then in that instance, parang nag-click na agad kami.”

Nauwi raw iyon sa madalas nilang pagkikita.

Sumailalim din sa neuroscience program na ino-offer ng leadership and coaching company ni Pia.

“Yun nga yung tulad ng sinasabi ni Ate Juday na parang she's a type of person na madali mong makagaanan ng loob: non-judgmental yung kanyang space, na ino-offer sa iyo, and she's a type of person talaga who really listens.

“And then after that, when we did the brain scan, ayun, I was just really thankful doon sa naging result niya, because somehow it solidifies the things na parang naiisip mo lang na abstract na ngayon, parang kongkreto na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And I think that it's going to be very beneficial, not only to me, but for a lot of people na gagawin siya.”

Constant daw ngayon ang communication ni Jodi kay Pia.

“And, I think, nakikita ko rin talaga na si Coach Pia yung type na, kasi ang relationships, hindi sila magta-thrive kung hindi mo siya lalagyan ng effort. She's the type of person who puts effort into the relationship.”

Tulad ng sinabi ni Juday, binanggit din ni Jodi ang stigma kapag nagkokonsulta sa life coach at mental health professionals.

Paliwanag ni Jodi, “Merong stigma na nakakabit when people begin to see a mental health professional. Why?

“Kasi parang during the early times, 'di ba, the only moment that you begin to see one is when you are already in crisis.

“So, nasanay tayo na kapag may narinig tayong kaibigan, kapamilya, o kakilala na pumunta ng psychologist, psychiatrist, or life coach, ang unang tanong natin, ‘Bakit? Anong problema? May problema ka ba?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“When in fact na hindi mo naman kailangang umabot sa punto na magkakaroon ka ng mental health crisis before you see somebody, di ba?

“Your life coach can actually be the person na constantly na nakakausap mo to give you that non-judgmental space, so that you can be more open.

"Because honestly, may mga bagay naman talaga tayo kasi, hindi natin nai-o-open up sa mga taong malalapit sa atin, either kasi, feeling natin hindi nila maiintindihan, or instead na hindi maiintindihan, baka kasi ma-judge tayo or masabihan tayo [na] minsan na kaartehan lang iyan.”

Jodi Sta. Maria
Jodi Sta. Maria hopes to help break the stigma surrounding consultations with psychiatrists, psychologists, and life coaches, emphasizing that seeking professional guidance does not necessarily mean a person is struggling with a mental health issue
Photo/s: @coachpiaacevedo on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MARVIN REALIZES CHOOSING SELF IS IMPORTANT

Katulad ni Jodi, nakilala ni Marvin Agustin si Pia nang maging guest ang aktor sa vlog ng life coach.

Naging eye-opener daw ang episode na iyon para kay Marvin.

“I have just met her recently during the time that she guested me on her podcast, sa Moment To Moment, and the chapter and the episode that we tackled was choosing yourself," kuwento ni Marvin sa interview ng PEP.

Ani Marvin, pakiramdam niya ay hindi interview ang nangyari kundi isang therapy.

“I didn't realize I was crying when we had that interview. It was very moving. It was very inspiring. It was very empowering talking about choosing yourself with her kasi para kanyang gina-guide.

“Yes, you're answering something, her questions and may sharing. Pero parang instantly meron siyang nailalabas about you na alam ko naman, pero verbalizing it, nagkakaroon ng power yung salita...

“Nagkakaroon ng power yung iniisip mo na tama naman pala, at dapat naman palang ginagawa natin iyon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas tumibay raw ang paniniwala ni Marvin na walang masama kung uunahin ang sarili bago ang iba.

Tipikal kasing sa kulturang Pilipino na uunahin muna at gagawin ang lahat para sa mga mahal sa buhay.

Paliwanag ng aktor: “Cause when we talked about choosing yourself, lumabas sa akin na hindi siya question kung pipiliin natin sarili natin o hindi.

“Lumabas siya na isa siyang responsibility; na hindi siya tinatanong kung dapat ba nating piliin ang sarili natin.

"Kasi hindi natin magagawa ang mga bagay-bagay para sa ibang tao kung hindi natin kaya itong gawin para sa sarili natin.”

Ibinahagi ni Marvin na sa murang edad ay nagsimula siyang maging responsible sa finances ng pamilya.

“Parang kung naging breadwinner ka at tumayo ka ng isang role na hindi naman sa iyo [pero] ginampanan mo iyon, parang naging pangalawang choice ka ng even ng sarili mo. Pero hindi pala yun iyon.”

Kalaunan, napagtanto niya na hindi masama na sarili naman ang unahin bago ang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang minsan kagustuhan mo din, pero maganda ngang malinawan, ma-normalize na hindi selfish ang pagpili sa sarili muna bago ang ibang tao.

“So, parang kailangan mong maging buo, maging maayos, maging malinaw para pag tumulong ka sa ibang tao, malinaw din yung nabibigay mo, and, in return, they could feel na masaya ka sa ginagawa mo, at maayos ka sa ginagawa mo, and maybe that's a result of them also helping others.”

Marvin Agustin
Marvin Agustin explains that talking to Pia made the actor realize that prioritizing oneself is a must and is not something to be guilty about.
Photo/s: Bernie V. Franco
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jodi Sta. Maria, Marvin Agustin, and Judy Ann Santos all agree with life coach Pia Nazareno-Acevedo (inset) that prioritizing one’s well-being before others should not be frowned upon and can actually be beneficial.
PHOTO/S: @coachpiaacevedo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results