Bukod sa sinasabing, "Breakfast is the most important meal of the day," naniniwala rin ang Kapuso actress na si Mikee Quintos na napakahalaga na simulan ang araw na may maayos na perspektibo sa buhay.
Sinisiguro raw niya na umaga pa lang ay may oras siya para i-set ang isip niya kung ano ang prayoridad niya.
Ibinahagi niya ito sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa sidelines ng Saving Cherry press conference, na ginanap sa Gateway 2 Cinema 16 noong August 3, 2026.
"Honestly, I realize owning your morning is really important," sabi ni Mikee.
"It keeps my mind focused on what I want. And siyempre di naman every day gaganahan ka, pero if you try try to own your morning, you can mindset and kaya mong i-set yung rest of day mo.
"You can make time to take care of yourself."
Ang disiplina niyang ito ang isa sa nakatulong sa kanya para mabawasan ang kanyang timbang.
Kinuwento rin ni Mikee ang ginawa niyang ehersisyo at diet para maging physically fit.
"I work out more, I swim more now, I get to free diving also. I train more swimming, nag-member ako sa team na may pool para maka-swim ako more."
"Sa diet naman, carbs bawas, and I do two meals a day lang."
Read: Dina Bonnevie recalls how she survived after split with Vic Sotto
MIKEE QUINTOS ON LOVING HERSELF
Nanggaling sa breakup si Mikee noong nakaraang taon.
Nauwi sa hiwalayan ang apat na taon nilang relasyon ni Paul Salas noong 2025.
May ibang naniniwala na nakakabawas ng timbang at nakakaganda ang pagiging brokenhearted.
Pero paglilinaw ni Mikee, "Feeling ko di naman siya ang motivation ko. You just naturally have more time to love yourself when you're single."
Natutunan daw niya talaga alagaan ang sarili.
"Naturally it happened. And I think ito yung time na natutunan ko na kahit pala siguro pag taken di dapat mawala yun.
"Yun nga medyo may glimpse ng ganun yung movie, and that's the reason why I said yes to the Saving Cherry."
Ang Saving Cherry ay ang pelikulang pinagbibidahan ni Barbie Forteza, at kasama sa cast sina Mikee, Khalil Ramos, JC Alcantara, Mika Salamanca, Sassa Gurl, at AC Bonifacio.
Iprinodyus ito ng Regal Films at ipapalabas sa mga sinehan sa September 2.
