PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Haze from Indonesia affects air quality in the Philippines

Up to when will the haze affect the Philippines?
by Bernie V. Franco
Published 12 hours ago
Philippines haze
This visualisation, based on Copernicus Atmosphere Monitoring Service (CAMS), shows how the haze from the fires in Kalimantan, an Indonesian territory in Bornea, is being directed to the Philippines due to southwest monsoon or habagat.
PHOTO/S: Copernicus EU via Facebook

Dahil sa malawakang forest fires sa Indonesia, umabot sa maraming bahagi ng Pilipinas ang haze, na nagdulot ng banta sa kalusugan dahil sa epekto nito sa air quality.

Ngayong araw, sinuspinde ng Quezon City ang mga klase.

Nag-abiso rin si Manila Mayor Isko Moreno at hinikayat ang Manila residents na magsuot ng face mask.

Samantala, "acutely unhealthy" ang air quality sa Parañaque at Las Pinas, habang "very unhealthy" ang level sa Malabon, Valenzuela, San Juan, Mandaluyong, Markina, Taguig, Muntinlupa, Pasay, pati na rin Manila at Quezon City.

Ang epekto ng haze ay inaasahang mararamdaman din sa Mimaropa, Calabarzon, at iba pang bahagi ng Luzon at Visayas.

Pero bakit umabot sa Pilipinas ang delikadong haze mula sa Indonesia? Hanggang kailan ito mararamdaman?

Read: Pinoy designer Rhuigi Villaseñor makes it big in the U.S.

HAZE FROM INDONESIA

Ang haze mula sa malalaking forest fires ay mula sa Kalimantan, ang Indonesian portion sa Malaysian state na Borneo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Unang-una ito talaga yung season ng pagsusunog nila [September to October],” paliwanag ni Dr. Gerry Bagtasa, professor, Institute of Environmental Science & Meteorology, UP-Diliman, sa panayam ng DZMM Teleradyo, September 1, 2026.

Ito rin kasi ang season na mahina ang ulan sa kanila kaya sa ganitong panahon ginagawa ang pagsusunog.

Ang usok naman ay nakakarating sa Pilipinas dahil sa habagat, na siyang nagdadala rin ng ulan sa Pilipinas.

Hindi raw natin masyadong napansin ang haze nitong mga nakaraang araw dahil nilinis ng ulan ang hangin, at nilihis nito ang atensiyon ng mga Pinoy at nabaling sa epekto ng bagyo at pagbaha.

Kaya noong tumigil ang ulan nitong August 31, mas napansin ang haze.

Ayon kay Dr. Bagtasa, delikado ang banta ng haze sa kalusugan ng mga bata, senior citizens, mga buntis, may sakit sa baga at puso.

“Generally, pag nakita na hazy yung kapaligiran, yung langit medyo ganoon, malabo, ibig sabihin madumi ang hangin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ano nga ba ang dahilan ng wildfires sa Indonesia?

Ayon sa ulat ng international news network na Al Jazeera, ang mga sunog sa rainforest at carbon-rich peatland ay sadya at gawa ng mga plantation companies at smallholders upang i-clear ang lupain mula sa palm oil, farming, at pulp and paper production.

Binanggit din sa report na illegal ito.

PROTECTION FROM THE HAZARDOUS HAZE

Ang pinakamainam na solusyon ay magsuot ng face mask, partikular ang N95 mask, payo ni Dr. Bagtasa.

“Very helpful ito kahit na nasa outdoors. Minsan, hindi talaga natin naiiwasan na kailangan nating lumabas, e, so face mask.”

Paliwanag niya, hindi masyadong nakakatulong ang surgical face mask dahil masyadong maliliit ang particulate matter na galing sa ganitong usok.

“Ang magagawa lang talaga natin is to wear mask.

“Kung pwedeng mag-stay indoors, turn on the filters, air purifiers.”

Huwag lamang daw i-on ang ionizers ng purifiers dahil nagpapasama ito sa kalagayan ng hangin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inaasahan daw na maaaring magtagal ang haze ng hanggang Biyernes o Sabado, at makakasabay sa pananatili ng mga bagyong Obet at Pilandok.

Bakit?

“Until nandiyan sila [bagyo], hinihila nila ang habagat at kasama ritong hinihila ay yung mga sunog sa Kalimantan.”

Ipinaliwanag din ng meteorologist na ang matagal na pananatili ng habagat ay dahil sa epekto ng el Niño.

Inaasahan namang magtatapos ang habagat sa katapusan ng Setyembre.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This visualisation, based on Copernicus Atmosphere Monitoring Service (CAMS), shows how the haze from the fires in Kalimantan, an Indonesian territory in Bornea, is being directed to the Philippines due to southwest monsoon or habagat.
PHOTO/S: Copernicus EU via Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results