PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

What you need to know about chronic kidney disease

Learn the habits that may cause chronic kidney disease.
by Bernie V. Franco
Published 4 hours ago
kidneys
Considered as a "silent killer," chronic kidney disease has affected millions of Filipinos that included kids. Know the habits that you might not be aware that are affecting your kidneys.
PHOTO/S: Canva

Itinuturing na silent killer ang chronic kidney disease (CKD) dahil hindi ito agad nadi-detect dahil walang symptoms sa simula.

Sa latest record sa Pilipinas, tinatayang 12.9 million Filipinos na ang apektado ng CKD.

Tinatayang 35.94 percent ng mga Filipino adults ang meron nito, na mas mataas ng tatlong beses kumpara sa global average na 9.1 percent to 13.4 percent, ayon sa 2025 findings ng mga eksperto.

Sa katunayan, may mga kaso pa na kahit sa murang edad ay nagda-dialysis na dahil sa CKD.

Ang mahirap kasi sa CKD, permanente na ito kapag na-diagnose na ang isang tao, kaya mainam na ma-detect ito nang mas maaga para ma-delay ang progression o paglala.

Read: Unified PWD IDs to have QR codes, no expiration date

THE VALUE OF KIDNEY

Ang kidney o bato ay ang internal organ na nagsasala o nagpi-filter ng dumi sa dugo at nagre-regulate ng fluid sa katawan, paliwanag ni Dr. Mia Cassandra P. Valila, isang nephrologist sa Capitol Medical Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang nephrologist ay isang medical doctor na espesyalista pagdating sa kidney diseases.

Dahil sa kidney, nade-detect kapag dehydrated ang katawan at kapag sobra naman ang tubig sa katawan ay inilalabas ang extra sa pamamagitan ng pag-ihi, ani Dr. Valila sa interview ng UNTV.

HABITS THAT AFFECT THE KIDNEY

Sabi pa ni Dr. Valila, maraming habits na nakasanayan natin at akala ng marami ay ligtas, pero may malaking epekto pala sa function ng kidney.

Inisa-isa ng doktor ang factors na pwedeng makasira sa kidney at mauwi sa CKD.

Nakakaapekto raw sa kidney ang sobrang pagkain ng processed food.

Malaki rin ang epekto ng madalas na pagkain ng sobrang alat at sobrang tamis.

Nakaka-damage ng kidney ang mga bisyo tulad ng paninigarilyo at pag-inom ng alak, at walang magandang effect ang mga ito sa katawan.

Ang kulang sa ehersisyo at kulang sa tulog ay nakakapinsala rin sa kidney.

Pinaalalahanan din ng doktor ang mga pasyenteng mahilig uminom ng mga gamot na walang consultation sa doktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kailangan kasi alam natin ang ini-intake nating antibiotics, especially pain reliever, at herbal supplements,” ani Dr. Valila.

Paalala niya, kailangan ay in moderation ang lahat.

Read: Free rhinoplasty or blepharoplasty: What patients should know

OTHER RISK FACTORS

Kinumpirma rin ni Dr. Valila na nangungunang cause ng CKD ay ang pagkakaroon ng diabetes.

“[Ang diabetes] po ang number one cause ng CKD, na pag hindi nakontrol, siya ang nangungunang cause ng dialysis.”

Tulad ng diabetes, risk factors din daw ang mga namamanang sakit, tulad ng polycystic kidney disease, kunsaan tumutubo ang maraming cyst sa kidney at dahilan para hindi makapag-function nang maayos ang kidney.

Mayroon din daw congenital diseases, gaya ng mga taong iba ang hugis ng kanilang kidney.

Bukod sa diabetes, ang pagkakaroon ng hypertension o high blood ay pwedeng mauwi sa CKD.

“Kapag sobrang taas ng high blood pressure, yung kidney natin tumataas din yung pressure niya, so yung paglabas ng tamang pagre-regulate ng fluid [ay] affected,” sabi ng nephrologist.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isa rin daw risk factors ang autoimmune diseases, gaya ng lupus.

kidneys
In a report in 2025, there are 12.9 million Filipinos with chronic kidney disease, which also included children.
Photo/s: Canva



SIGNS AND SYMPTOMS

Paalala ni Dr. Valila, sa simula, wala talagang sintomas kahit mayroon na palang CKD.

Nagma-manifest na raw ito kapag nawawalan nang gana sa pagkain, pagbubula ng ihi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inirerekomenda niya ang pagkonsulta sa doktor kapag may ganitong sintomas upang makatiyak.

Kapag lumulubha na ang CKD, nawawalan daw ng ihi, nagkakaroon ng pagmamanas, at may pakiramdam na palaging pagod.

Kasama na rin dito ang nangangalawang na panlasa sa pagkain, pangangati ng katawan, at naduduwal.

PREVENTION IS BETTER THAN CURE

Paliwanag pa niya, pagtuntong ng 30-40 years old, nababawasan ng one percent ang kidney function ng tao.

“Nagde-decline siya kaya kahit walang comorbidities, pwede siya sa very sensitive ang kidney.”

Para maiwasan ang CKD, ilan sa tips ni Dr. Valila ay ang pagkakaroon ng balanced diet.

Hangga’t maaari ay iwasan daw ang red meat o kaya ay in moderation.

Magandang source ng protina ang fish, chicken, at lean meat.

Kumain ng prutas at gulay at uminom ng sapat na tubig, sapat na tulog, at ehersisyo.

Bukod sa tamang pangangalaga, rekomendado rin niya ang screening para ma-prevent ang paglala ng CKD.

Giit ng doktor, “Ang CKD ay isang permanenteng disease. Once na na-diagnose ka na, hindi na siya babalik sa normal, unfortunately.

“Ang magagawa ho natin ay ma-prevent ang progression, that’s why we promote early screening for the patients na may mga lahi [risk factors]. So, early screening…”

Aminado siya na marami sa mga nagkokonsulta sa kanilang mga doktor ay nasa late stage na ng CKD at nangangailangan na ng dialysis.

Pero paglilinaw niya, hindi naman lahat ng may CKD ay nagda-dialysis, pwera na lamang kung may “urgent indications” at “if needed.”

Paliwanag pa niya, pino-promote rin nila ang kidney transplant pagdating sa CKD Stage 5, at mayroon din silang pre-emptive measures kapag nasa Stage 4 na at papunta na sa Stage 5.

Kapag successful daw ang kidney transplant, na-attain naman daw ang normal lifestyle pero kailangan na ng maintenance.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Considered as a "silent killer," chronic kidney disease has affected millions of Filipinos that included kids. Know the habits that you might not be aware that are affecting your kidneys.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results