PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pneumonic plague: Should the Philippines be alarmed?

What causes it? What are the symptoms? What is the treatment?
by Bernie V. Franco
Published 14 hours ago
plague
What causes pneumonic plague? What are the symptoms? What is the treatment? Find out here.
PHOTO/S: Canva

Nagdulot ng pangamba sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang pagkasawi ng isang 28-anyos female na Russian lab researcher noong October 2, 2026.

Ang sinasabing cause of death: severe pneumonia.

Ayon sa local news media ng Russia, na-infect ang lab researcher dahil sa nabasag na test tube na naglalaman ng live bacteria.

Subalit sa ibang reports, itinanggi ng isang Russian health watchdog ang tungkol sa broken test tube, at hindi pa raw natutukoy kung saan nakuha ng lab researcher ang pneumonia.

May lumabas ding unverified report na may pangalawang lab employee raw na nasawi.

Umabot din diumano sa 200 katao ang isinailalim sa quarantine sa Siberia, ang lokasyon ng lab facility.

Dahil dito, may mga nangangambang baka may pneumonic plague na sa bahaging ito ng Russia.

Pero pinabulaanan ito ng Russian government sa report na isinumite sa World Health Organization.

Bagamat may namatay dahil sa pneumonia, hindi raw masasabi kung may pneumonic plague na ngang talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala rin daw dapat ikabahala dahil 60% umano ng na-quarantine ay pinauwi na.

Read: 'Hi, goodbye, sahod.' Money leaks you might not be aware of

DOH SAYS NO CAUSE FOR ALARM YET

Sa Pilipinas, napaulat na nagsimula nang humingi ng update ang Department of Health (DOH) mula sa WHO.

Sa isang panayam, sinabi ni DOH Secretary Edwin Mercado na hindi pa naman daw “matter of concern” ang balita.

Dagdag niya, “But internally, we are already preparing.”

Mas maigting din daw ang pagmo-monitor ng Bureau of Quarantine sa mga turistang pumapasok sa Pilipinas, pati na rin sa mga barkong dumadaong sa bansa dahil ang carrier ng pneumonic plague ay mga daga o rodents.

Sinabi rin ng Malacañang na wala raw dapat ikabahala dahil ginagawa naman ng mga ahensiya, tulad ng DOH, ang kanilang trabaho.

Pero iba ang sinasabi ng U.S. National security at iba pang experts.

virus
Pneumonic plague can be transmitted when an infected person releases droplets in the air.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

US National Security is suspicious

Hinggil pa rin sa isyu, na-interview ng CNN ang ilang U.S. experts noong October 6, 2026.

Binanggit ni CNN anchor Jake Tapper na ang Russia ay may “concerning history of covering up disasters to save public face at the expense of human lives.”

Inusisa ng anchor si Alex Plitsas, National Security analyst, kung tunay nga bang contained na ang sitwasyon sa Russia.

Ani Plitsas, kasalukuyan pang bine-verify ito.

Pero sambit ng analyst, “Things don’t make sense. The facts don’t really add up right now.”

Sinabi rin ni Plitsas na ang anti-plague facility ay kabilang sa mga ilang government-funded facilities sa Russia na nagsasagawa ng bio-weapons program para manmanan ang “potential weaponization” noon pa mang Soviet era (1922-1991).

Ang Irkutsk Research Anti-Plague Institute ay itinayo noong 1934 para pag-aralan ang Yersinia Pestis, ang bacteria na tinagurian ding Black Death dahil naging sanhi ito ng pagkamatay ng milyun-milyong katao sa Europe noong 14th century. May mga naganap ding Black Death outbreak sa mga sumunod na siglo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sang-ayon kay Plitsas si Annie Jacobsen, author ng Biological War, na nagpahayag ng pagkabahala kasunod ng napaulat na pagkamatay ng lab researcher.

“They have really sort of vested interest in covering up what might actually be going on in that lab. We don’t know,” sabi ni Jacobsen.

Kilala raw ang facility na may high security.

Kwestiyonable para sa kanya ang pagkasawi ng lab researcher gayong alam dapat nito ang safety protocols sa aksidenteng nabasag na test tube.

Ani Plitsas, siniseryoso ng U.S. National Security ang sitwasyon hanggang sa mapatunayang wala dapat ikabahala.

FILIPINO DISEASE EXPERT EXPLAINS

Ipinaliwanag naman ni Dr. Rontgene Solante, infectious diseases specialist, kung ano ang pneumonic plague.

“Ang pneumonic plague ay infection na galing sa bacteria at nanggagaling ang bacteria mula sa kagat ng infected flea o kaya ay daga sa area mula Africa or some parts of U.S., pero hindi pa nakikita sa Pilipinas,” aniya sa interview ng Ano Sa Palagay Nyo (ASPN) ng Net 25 nitong October 7, 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, wala pa raw fleas o rodents na carrier ng bacteria na Yersinia Pestis sa Pilipinas. Very specific daw ang uri ng mga kayang magdala ng bacteria.

Maaari ring madala ang pneumonic plague sa ibang lugar kapag may carrier na nag-travel habang infected ng bacteria.

Babala ni Dr. Solante, “Highly fatal kapag na-infect mula sa isang infected person at natanggap ito na may ganitong pneumonia.”

Paano ito nata-transmit?

Mula sa infected person within three feet, kapag umubo ito at hindi naka-face mask, maaari itong makuha via droplet transmission.

Sabi pa ni Dr. Solante, “Didiretso sa baga at [it may] cause severe form of pneumonia between 24-48 hours.

“Pag di naagapan ng antibiotic ay puwede ikamatay in two days, kaya highly fatal at progressive ang type nito.”

Ang cure naman daw ay antibiotic.

Kaya binigyang diin ng doktor na napakaimportanteng ma-diagnose agad ito within 24 hours upang mabigyan ng antibiotic na magiging mabisa kapag naibigay sa tamang oras.

Read: Free online AI and cloud courses offered by TESDA

SYMPTOMS OF PNEUMONIC PLAGUE

Ano naman ang mga sintomas ng pneumonic plague?

Inisa-isa ang mga ito sa website ng Centers for Disease Control and Prevention, ang U.S. national public health agency.

  • lagnat
  • sakit ng ulo
  • panghihina
  • mabilis na pag-develop ng pneumonia na may kasamang shortness of breath, chest pain, ubo, at plemang may kasamang dugo.

References:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
What causes pneumonic plague? What are the symptoms? What is the treatment? Find out here.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results