Umabot na sa kabuuang 19 ang naiulat na kaso ng monkeypox (Mpox) sa South Cotabato.
Ito ang inihayag ng Provincial Government of South Cotabato sa official Facebook account nito ngayong May 26, 2025.
Kabilang dito ang 10 confirmed cases, tatlong suspected cases na kasalukuyang mino-monitor, at ang anim na indibidwal na nagnegatibo ang resulta sa isinagawang laboratory test.
Read: “Wala pang five seconds!” rule on dropped food—myth or science?
WHAT IS MONKEYPOX OR MPOX?
Ang Mpox ay isang viral disease na lumalaganap sa pamamagitan ng close contact, kabilang ang skin-to-skin interactions, bodily fluids, and respiratory droplets, ayon sa mga health websites.
Kabilang ito sa family of viruses gaya ng smallpox
Nakasaad sa inilabas na health advisory ng Department of Health (DOH) na nakukuha ito mula sa infected animals, gaya ng rodents or primates, at nasasalin sa tao sa pamamagitan ng direct contact sa dugo, body fluids, or lesions.

Bagamat hindi ito kasimbilis makahawa gaya ng COVID-19, ipinapaalala ng DOH officials na importanteng maging mapagmatyag at mag-practice ng proper hygiene upang hindi mahawa.
Ang Mpox karaniwang mild ang tama sa tao at maaaring maka-recover mula rito sa loob ng ilang linggo kahit walang treatment.
Gayunpaman, delikado ito sa mga bata, immunocompromised individuals, at mga babaeng buntis.
Read: Korean YouTuber faces backlash in South Korea over breastmilk videos with Pinay moms
HOW SOUTH COTABATO IS STOPPING SPREAD OF MPOX
Mas pinaigting ng South Cotabato provincial government, sa pamamagitan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO), ang pagsisikap na mapigilan ang paglaganap ng Mpox sa lalawigan.
Sinabi ni Dr. Conrado Braña, ang hepe ng IPHO, na mino-monitor maigi ang sitwasyon.
Aniya, “Even before we had confirmed cases, we were already conducting information drives and training.
“That helped us detect cases early and respond faster.”
Tinukoy niya na ang pagpapalaganap ng public awareness ay napakahalaga para ma-identify at ma-address ang potential infections.
“People are now more likely to report symptoms and seek help right away, compared to previous health threats like COVID-19.”
Binigyang-diin ni Braña na ang maagang pagpapakonsulta at mahigpit na pagsunod sa health protocols ay nananatiling best option para mapigilan ang mas pagdami ng kaso ng Mpox sa mga komunidad.
Read: Why the toilet flush has one large and one small button
RISING NUMBER OF CONFIRMED CASES OF MPOX REFLECTS PUBLIC AWARENESS
Sinabi naman ni Eldon Hans Serame, health education and promotions officer ng IPHO South Cotabato, na ang pagdami ng naiuulat na kaso ay isang malaking pagbabago sa ugali ng publiko pag may mga nauusong sakit.
Ani Serame, “The rising number of confirmed cases reflects not only the spread of the virus but also the public’s growing awareness and willingness to cooperate with health protocols.”
Read: 18M Pinoy senior high grads have low comprehension skills –PSA
CONTACT TRACING AND COMMUNITY SURVEILLANCE ACTIVITIES
Sa kasalukuyan, nagsasagawa ang provincial government ng contact tracing and community surveillance activities sa mga lugar na nakataas ang alerto sa Mpox.
Aktibo rin ang mga health workers sa pagbisita sa mga apektadong komunidad para ma-monitor ang mga residente na posibleng na-expose, at paalalahanan sila na kapag may mga sintomas tulad ng lagnat, rashes, swollen lymph nodes, o pananakit ng mga muscle, agad magpatingin sa pinakamalapit na health center.
Read: 3 types of food to avoid, according to an Olympic nutrition coach
HOW TO AVOID MPOX
Para maiwasan ang pagkalat ng Mpox, ipinapayo IPHO South Cotabato ang mga sumusunod:
- Ugaliing maghugas ng mga kamay gamit ang sabon at tubig.
- Umiwas sa mataong lugar at ugaliin ang physical distancing.
- Magsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay, lalo na kung ang lugar na pupuntahan ay pampubliko at may maraming tao.
- Agad kumunsulta kapag may naramdamang sintomas.

Nauna nang inihayag ng Department of Health-Center for Health Development sa Soccsksargen na walang available na bakuna laban sa Mpox sa Pilipinas.
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa inaaprubahan ng DOH at ng Food and Drug Administration ang anumang bakuna kontra Mpox para magamit ng publiko.
Read: Dermatologist says no to home remedies for dark underarms, groins
