If shy ka magtanong, here are 4 kinds of contraceptives you should know about

Mga mars, take note!
Jul 25, 2019
CREATED WITH TRUST
PHOTO/S: Shutterstock

Mga mars, aminin! Isa sa mga bagay na hindi pa rin komportable ang mga Pinoy na pag-usapan ay sex at contraceptives.

Ngunit ang usaping ito ay importante lalo sa mga mag-asawa o magka-partner para na rin sa inyong kalusugan, lalo sa mga kababaihan, at pati na rin sa future ng inyong mga pamilya.

Iba’t ibang uri ng contraceptives ang mabibili ngayon sa botika, ngunit mas mainam na kumonsulta muna sa doktor o healthcare provider upang mabigyan ka ng sapat na kaalaman bago pumili ng contraceptives na nararapat para sa iyo.

Pero kung shy ka pa magtanong, nilista na namin ang iba't-ibang uri ng contraceptives na dapat ninyong malaman.

CONDOM

Ang condom ay isa sa pinaka-common na paraan para maprotektahan ang iyong sarili mula sa unwanted pregnancy.

Ngunit alam mo bang ito ay ang contraceptive na poprotekta sa iyo mula sa mga sexually transmitted infections (STIs) gaya ng HIV/AIDS at tulo o gonorrhea?

Ang condom ay kadalasang gawa sa thin sheath of latex na isinusuot sa fully erect na ari ng lalaki bago makipagtalik.

Ang TRUST condoms ay kasalukuyang mabibili sa mga botika, groceries, at convenience stores, depende sa inyong pangangailangan.

CONTRACEPTIVE PILLS

Ang contraceptive pills ay gamot na iniinom ng mga babae upang hindi mabuntis. Karaniwan itong binubuo ng dalawang hormones—estrogen at progestin—na pumipigil sa ovulation o ang paglabas ng egg cells mula sa ovaries.

Sa pamamagitan ng contraceptive pills, kumakapal din ang mucus sa cervix na humahadlang sa sperm na makapasok sa matres.

Pero alam mo bang may dalawang uri ng contraceptive pills?

Mayroong kung tawagin ay “combination pills” (combined oral contraceptives o COCs) na may taglay na estrogen at progestin.

Mayroon din namang pills na naglalaman lamang ng progestin, ang "progestin-only pills” (POPs). Ang POP ay ligtas inumin ng mga breastfeeding moms dahil hindi ito nakakaapekto sa daloy at dami ng kanilang gatas.

Karaniwang iniinom ang contraceptive pills ng isang beses sa isang araw sa loob ng 21 o 28 days. Importante na tuluy-tuloy at regular ang pag-inom ng mga ito sa loob ng isang buwan, depende kung ilan ang laman ng pakete, upang hindi mabuntis.

INJECTABLE

Isang uri din ng hormonal contraception method ang injectable contraceptives.

Gaya ng contraceptive pills, ang bawat shot ng injectable contraceptives ay may taglay na estrogen at progestin. Isa itong uri ng contraceptive na bagay sa mga kababaihan na makakalimutin at hindi takot sa injection.

May dalawang uri din ng injectable contraceptives. Ang combined injectable contraceptive ay maaring i-injection ng mga kababaihan nang isang beses sa isang buwan sa tulong ng kanilang healthcare provider.

Mayroon ding progestin-only injectables na ginagamit naman nang isang beses sa tatlong buwan. Gaya ng POP, ang progestin-only injectables ay maaaring gamitin ng mga breastfeeding moms.

IUD OR INTRAUTERINE DEVICE

Ang IUD o intrauterine device ay isang T-shaped device na nilalagay ng mga doktor o trained midwives sa matres na tumutulong upang hindi magtagpo ang sperm cells at egg cell upang hindi mabuntis. Kalimitang gawa ang mga IUDs sa flexible plastic na may copper na nakapalibot dito.

Gumagawa ng chemical changes ang copper sa cervical mucus upang hindi mag-abot ang sperm cells at egg cell.

Long-term contraceptive ang IUD, at maari itong tumagal mula tatlo hanggang 10 taon.

Ngunit may posibilidad na ma-displace sa loob ng matres ang mga IUDs, kaya mas mainam kung regular ang iyong checkup sa iyong doctor or healthcare provider.


Ang mga nabanggit na contraceptives ay mabibili sa mga botika sa buong bansa. Pero marami pa ring Pilipino ang takot bumili ng contraceptives dahil sa pangamba sa mga sasabihin ng ibang tao.

Dahil dito, inilunsad ng TRUST ang #DoItRight campaign. Nais iparating ng advocacy campaign na ito na ang bawat Pilipino ay may freedom to practice safe sex at magplano ng future ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng tamang paggamit ng contraceptives.

Sa panahon ngayon, hindi na dapat matakot or mahiya lalo ang mga kababaihan na maging responsible sa kanilang mga katawan, dahil ang pagiging handa at safe sa pakikipagtalik ay isang matalinong desisyon.

Gaya ng naunang nabanggit, mas nakabubuting kumonsulta muna sa doctor bago pumili ng contraceptive method. Also consider your health and future plans bago pumili ng method na nararapat sa iyo.

To know more about TRUST and its #DoItRight campaign, follow TRUST Pinay on Facebook. If symptoms persist, consult your doctor.

Sources:
1. Department of Health’s Frequently Asked Questions Tungkol sa Mga Modern Methods ng Family Planning [Link]
2. American Pregnancy Association [Link]

ASC REFERENCE CODE: D016N071919T

This article was created by Summit Storylabs in partnership with TRUST.
Shop the items in this story!
Follow TRUST

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Shutterstock
  • Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results