Isabel Rivas and her life on the farm

IMAGE 0


Isabel Rivas, whose name became famous in the '80s, has starred in over 15 movies and TV shows. To date, she is busy tending to her farm in Iba, Zambales.


Unexpected ang appearance ng dating sexy star na si Isabel Rivas sa presscon ng Regal Films matriarch na si Lily Monteverde for Christopher de Leon na kasalukuyang kandidato sa pagka-bise gobernador sa lalawigan ng Batangas.

Sexy at lutang pa rin ang beauty ni Isabel. Sabi nga ng ilang kasamahang manunulat, taglay pa rin niya ang mga katangian ng isang tunay na artista.

Huling napanood si Isabel Rivas sa teleserye sa hapon ng ABS-CBN na Recuerdo de Amor (2001), kung saan nakasama niya sina Diether Ocampo at Rio Locsin.

After that, naging abala siya sa kanyang negosyo at sa pagpapalaki sa kanyang anak na si Richard Chua na naging artista rin noon at ginamit ang screen name na Ritchie Rivas.

Ngayon ay graduate na si Richard sa kursong Consulate and Diplomatic Affairs sa Ateneo de Manila University at very busy siya sa sarili niyang negosyo.

Ang kanyang ina naman ay abala sa pag-aasikaso ng kanilang farm sa Iba, Zambales.

"Hindi pa ako ready na ipakita ‘yung farm, kasi there's an ongoing thing pa. Marami pang ginagawa sa farm, ‘tapos may beach resort pa dun," kwento ni Isabel.

Matatandaang inilathala ito sa March 2005 issue ng YES! magazine.

Si Isabel ay kapatid ng kontrobersyal actor-politician na si Dennis Roldan. Years back ay nasangkot ang pangalan ni Dennis sa isang kidnapping case na siyang naging dahilan ng kanyang pagkakakulong.

"I was in the U.S. nung nabalitaan ko na nahuli siya. Doon na kasi ako naka-based that time, sa Las Vegas. When I learned about that, after five days, bumalik agad ako ng Pilipinas. For one and a half years, wala ako'ng palya sa pagbisita sa kanya sa kulungan—six days a week," lahad ni Isabel.

Kaya naman nung nakalaya si Dennis kamakailan, sobrang happy daw siya. Ang nakakalungkot lang, mapalaya man o mapawalang-sala ang kanyang kapatid, alam ni Isabel na may stigma nang nakakabit sa pangalan ni Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dito naman kasi sa atin, ‘di pa man nakukuha ang katotohanan, guilty ka na agad. Sa ibang bansa, you're innocent until proven guilty. E, dito nahatulan ka na agad ‘di pa man naglilitis."

At the moment, kapiling ni Dennis ang kanyang sariling pamilya. At si Isabel naman ay nakatira sa dati pa niyang bahay sa N. Domingo, San Juan.

"I want to write a book about our experience. I'm starting [on] it already pero syempre, yung ending hindi ko pa alam. Marami kasi kaming emotional battles during that time.

"Hindi ko pa alam kung ano ang title ng book, pero baka something like ‘A Book About My Brother.' E, sinusulat ko lang ‘yun kapag wala akong ginagawa. But as it is, ‘dami ko ring ginagawa kaya ‘di matapos-tapos.

"It's a dream. Pero para magkaroon ito ng katuparan, kailangan kong mag-effort at magbigay ng time talaga para gawin at matapos ‘yon," pagtatapos ni Isabel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN