Ipinasilip ng ina ni Senator Manny Pacquiao na si Dionisia Pacquiao o mas kilala bilang si Mommy D, ang kanyang bahay sa General Santos City, ang lungsod sa Mindanao kunsaan ipinanganak at lumaki ang senador na may taguri ring "Pambansang Kamao."
Sa February 28 vlog ng asawa ni Manny na si Jinkee Pacquiao ipinakita ang loob ng bahay at mga koleksyon ni Mommy D.

Kabilang sa mga ipinakitang koleksyon ng ina ng boxing champ at senador ang koleksyon niya ng mga sapatos, pigurin, tiket ng mga laban ni Manny, tableware, at mga laruang kotse.



Kasama rin sa mga koleksyon ni Mommy D ang ilang mga lumang gamit na nagpapaala raw sa kanya ng hirap na pinagmulan nila ni Manny at mga kapatid nito, at ang mga sakripisyong sinuong ni Mommy D para lang mapalaki nang malusog ang kanyang mga anak.

Use these Lazada promo codes or vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.