Kapag walang shoot o taping si Yasmien Kurdi, kinakarir niya ang pagiging housewife at ina.
At isa sa pinaka-enjoy niyang gawin bilang maybahay ay ang mamalengke.
Kasama si Nelson Canlas ng 24 Oras, ipinakita ni Yasmien kung paano siya mamalengke.
Pero tanong muna ni Nelson, kung hindi ba siya pinagkakaguluhan kapag namamalengke siya?
Sagot ni Kapuso actress, naka-facemask, salamin at sumbrero raw siya para hindi makilala.
Sa pagkakataong ito, kasama si Nelson, tumungo si Yasmien sa palengkeng pinupuntahan para ipakita sa GMA-7 entertainment and lifestyle reporter kung paano siya mamalengke at mag-share na rin ng tips sa pamamalengke.