Paolo Ballesteros' three-story house a main attraction in Antipolo

by Jojo Gabinete
Oct 4, 2020
Nagmistulang malaking regalo ang bahay ni Paolo Ballesteros sa Antipolo ngayong panahon ng pandemya.
PHOTO/S: @pochoy_29 on Instagram

Main attraction sa isang private subdivision sa Antipolo City ang three-year-old modern house ni Paolo Ballesteros.

Agaw-pansin ang Christmas decoration na naisip ng actor-host. Matagal na raw niyang ideya ito, pero ngayon lamang siya nagkaroon ng oras.

Napapangiti at natutuwa ang mga nakakakita ng bahay niya, na mistulang simbolo ng pag-asa sa panahon ng pandemya.

Continue reading below ↓

Bukod sa red Christmas bow na nagbibigay ng ilusyon na naka-gift wrap ang bahay ni Paolo, may malalaking Christmas balls din siyang ginamit.

"Concept ko siya," ang sabi ni Paolo nang makausap siya ng Cabinet Files kahapon, October 3, 2020, sa pamamagitan ng Facebook messenger.

"Matagal ko nang gusto i-decor itong bahay since lumipat kami.

"Last year, bumili na ako ng mga gagamitin na do-it-yourself na giant Christmas balls kaya lang, walang time.

"Ngayon nakahanap na ako ng gagawa at mag-i-install na taga-rito rin sa Antipolo, yung mga gumagawa ng costumes at set sa mga television series at movies. Sila ang gumawa ng costumes ko sa Wonder Beki," na ang tinutukoy niya ay ang 2017 film na Barbi D' Wonder Beki.

Dugtong ng Eat Bulaga! host, "At sakto, dito rin sila nakatira sa Antipolo.”

Hindi madali na ilagay ang higanteng red Christmas bow sa harap ng bahay ni Paolo. In fact, one week raw ang installation nito, pero masaya naman siya sa resulta.

Continue reading below ↓

"Almost one week din ang pag-install. Reasonable naman ang price at maayos ang gawa dahil up to my standards,” ang kuwento pa ng comedian.

Binalikang-tanaw ni Paolo ang pagdiriwang niya ng Pasko kasama ang pamilya noong kabataan niya sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Siya ang bunso sa tatlong anak nina Elito Amorsolo Ballesteros Jr., isang artist, at Danielida Macapagal, isang dietician.

Ang kuwento niya, "Growing up, hindi namin na-experience na mag-decor ng bahay. Tuwing Pasko, automatic yung maliit na Christmas tree namin at yung twelve apple Christmas lights.

"Ngayong may sariling bahay na ako, siyempre gusto ko pag-uwi ko, after buong araw na work, e, ma-feel ko naman na Paskong-pasko sa bahay para pampawala ng pagod.

"Saka, yung mga tao sa bahay, especially ang anak ko, mga pamangkin, family and friends, pati na rin ang mga kapitbahay, e, makaramdam ng happiness sa panahon ngayon despite the pandemic."

May 10-year-old daughter ang 37-year-old star sa dating girlfriend na si Katrina Nevada.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagmistulang malaking regalo ang bahay ni Paolo Ballesteros sa Antipolo ngayong panahon ng pandemya.
PHOTO/S: @pochoy_29 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results