PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Monaliza Pablo Sementilla, 23, builds dream bahay-kubo for PHP30K

"Fruit of labor po...Na every time pagod ka sa trabaho, may mauuwian ka.”
by Bernie V. Franco
Published Jan 26, 2022
dreamhouse bahay kubo
A young promoter, Monaliza Pablo Sementilla, spends PHP30K to build her dream house, a bahay kubo. "Nag-ipon talaga ako para sa bahay na kahit ganoon lang siya kaliit, PHP30K lang po nagastos ko lahat…"
PHOTO/S: Monaliza Pablo Sementilla

Naipatayo ni Monaliza Pablo Sementilla ang kanyang dream house, isang bahay kubo, sa halagang PHP30,000.

Si Monaliza ay isang 23-year-old product specialist ng isang air-conditioning company sa Jaro, Iloilo City.

“Katas po ng pagiging isang promoter,” kuwento ni Monaliza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via phone interview noong January 24, 2022.

“Bata pa lang po ako, pangarap ko na po talagang magkaroon ng sariling bahay na yung tipong pinaghirapan ko po.

“Kahit maliit lang siya, at least, every time na uuwi po ako galing sa trabaho, may mauuwian po ako.

“Makakain lang ako ng tatlong beses sa isang araw.

“Minsan pag may ekstrang pera, makabili ng medyo masarap na pagkain.”

bahay kubo dreamhouse

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Monaliza Pablo Sementilla says her house is inspired by cottages found in resorts in Bali, Indonesia

dreamhouse bahay kubo

Colorful designs add a personal touch to the space. Monaliza also has a flat-screen TV.

Itinayo ang kanyang bahay-kubo sa loob ng isang buwan, at natapos ito noong June 2021.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya tungkol sa kanyang dream house, “Yung bahay po, ipon ko po siya from sahod, incentives ko po.

“Binagsak ko po siya para makapagpatayo po ako ng bahay.”

PHP30K FOR HER DREAM HOUSE

Ipinost ni Monaliza ang pictures ng kanyang dream house sa isang Facebook community, kung saan umani ito ng higit 4,600 reactions.

Sabi niya tungkol sa pagpapatayo, “May naipon po akong PHP30K, ‘tapos nag-search po ako sa Internet kung anong bahay ang kasya sa ganoong budget.

“Kasi inspiration ko lang po naa-amaze po ako sa mga bahay, sa mga resort na nakikita ko sa Bali, Indonesia, parang Bohemian type lang po siya.

“Malamig po siya. Hindi mo na po kailangang mag-electric fan, sobrang lamig po.”

Nakatira sa Negros ang dating asawa ni Monaliza at ang kanilang nag-iisang anak, kaya't ang kasama ni Monaliza sa bahay ay ang kanyang partner.

Tumulong ang kapatid ng partner ni Monaliza sa pagpapatayo ng kanyang dream house.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento pa ni Monaliza, “Yung P20,000 binili ko po ng materyales, ‘tsaka yung PHP10,000 [ibinayad] ko po sa kapatid ng kinakasama ko, na siya mismo ang gumawa ng bahay.

“Isang buwan lang po siya, napatayo na po.”

dreamhouse bahay kubo

Various plants, including fruit-bearing ones, surround Monaliza's house.

dreamhouse bahay kubo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang bamboo kitchen ni Monaliza

Inilarawan rin ni Monaliza ang kanyang dream house, na may kabuuang sukat na 31 square meters.

“Medyo mas malaki po nang konti yung kuwarto ko kesa sa sala.

“Kasi yung kuwarto ko nasa 9 square meters 'tapos the rest—sala, diretso po siya kusina, lababo.”

Pagdating naman sa disenyo ng bahay, si Monaliza mismo ang unti-unting umaayos nito. Lumalabas ang kanyang kikay personality sa mga kulay pink na kurtina at dekorasyon.

“Ako po lahat. Bale paunti-unti lang po. Pag may pera po ako, bumibili ako ng linoleum.

“’Tapos paunti-unti bumibili ng kung anong puwedeng maikabit sa bahay.”

dreamhouse bahay kubo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Monaliza, 23, already has her own house, which is the fruit of her hard work.

Kita rin na napapaligiran ng maraming halaman ang kanyang bahay.

“Nasa gitna po kami ng garden. Paligid niya po is garden. Sa likod, may mga kahoy, mga prutas.”

Aniya tungkol sa lupang kinatitirikan ng kanyang bahay, “Pagmamay-ari po siya ng family ng kinakasama ko po."

Ano ang maipapayo ni Monaliza sa mga naghahangad ng simpleng tirahan pero medyo tight ang budget?

“Mag-set ka lang po ng goal, ‘Ay, ito gusto ko next year. Gusto kong magkabahay.’

“Dapat magtiyaga talaga po.

“Sa akin po, nag-ipon talaga ako para sa bahay na kahit ganoon lang siya kaliit, PHP30K lang po nagastos ko lahat…

“… kahit sa ganoon lang po, sa akin merong fruit of labor po, na nakikita ko yung pinaghirapan ko.

“Na every time pagod ka sa trabaho, may mauuwian ka.”

Ang sikreto ni Monaliza sa pag-abot ng kanyang simpleng pangarap?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tiyaga lang po at sipag.

“Wala naman pong masama.

“Ako, dati, nangarap ako. Yun ang pangarap ko. Simple lang.”

dreamhouse bahay kubo

Monaliza's Instagram-worthy meal in her very own dream house.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A young promoter, Monaliza Pablo Sementilla, spends PHP30K to build her dream house, a bahay kubo. "Nag-ipon talaga ako para sa bahay na kahit ganoon lang siya kaliit, PHP30K lang po nagastos ko lahat…"
PHOTO/S: Monaliza Pablo Sementilla
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results