Sorpresang rest house ni OFW nurse Justine Nunag para sa ina: 'Katas ng overtime pay'

by KC Cordero
Jan 27, 2022
Justine Nunag and the rest house he built for his mom
Fascinated sa tiny house ang OFW nurse na si Justine Nunag, at bilang sorpresa sa kanyang ina ay ipinagpagawa niya ito ng rest house na inspired sa container van.

Naging blessing in disguise para sa Filipino nurse na si Justine Nunag ang pagtatrabaho nang overtime sa ospital sa gitna ng pandemya.

Mahigit limang taon na siyang nasa Bahamas, at sabi niya sa panayam ng Real Living noong May 19, 2021, "I'm currently working here as a geriatric and psychiatric nurse."

Nang pumutok ang pandemya, hindi nakapagbakasyon si Justine sa Pilipinas. Dumami kasi ang kanyang overtime sa ospital na pinagtatrabahuhan, at nakatulong naman ito para mas makaipon siya ng pera.

Ang pangarap niya ay makapagpatayo ng rest house sa kanilang lugar sa Pampanga, bilang sorpresa sa kanyang ina.

Justine Nunag and his mom

Continue reading below ↓

Aniya, "And because I wasn't able to go back home last December [2020], so I use all my alloted vacation money to build us our house."

Kahit nasa Bahamas siya, nag-isip siya ng paraan kung paano niya masisimulan ang pagpapatayo ng bahay.

Nagkataon namang nakausap niya sa Facebook ang kanyang dating kaklase noong elementary at high school na si Erwin Mutuc, na isa nang architect ngayon.

Ipinagkatiwala na niyang lahat dito ang pagpapatayo ng kanilang bahay.

Sabi raw niya sa architect, "Ikaw na ang bahala. I just instructed him lots of things."

FASCINATED SIYA SA TINY HOUSES

Noon pa fascinated si Justine sa mga nakikita niyang tiny houses na yari sa container vans.

Ang lupang pagtatayuan ng kanyang bahay ay 64 square meters lang.

Construction begins

Continue reading below ↓

Batay sa plano, ang floor area ay 20 square meters, na kasinlaki lang ng container van.

"So, nag-decide kaming gawin yung bahay na container-type siya.”

Kuwento ni Justine, noong una ay plano sana talaga niyang bumili ng container van sa Navotas, at iyon ang gagamitin sa ipinatatayo niyang bahay.

Pero pinayuhan siya ng kanyang architect na gagawa na lang ito ng pre-fabricated na container van.

Naisip niyang mas praktikal nga iyon.

"The cost of shipping it to Pampanga will cost PHP20,000 to PHP30,000.”

The pre-fabricated container

Continue reading below ↓

Hindi na sila bumili ng container van, pero isinunod sa disenyo nito ang kayarian ng bahay.

The kitchen and dining area

Sa loob, may sala, kusina, at dining area.

May jacuzzi pa!

Outdoor jacuzzi

Continue reading below ↓

Maging ang mga furniture ay praktikal ang kanyang choices para makatipid ng space—gaya ng sofa na puwedeng gamiting kama.

"And then I decided to put a little tambayan," ani Justine. Dito aniya sila magba-bonding ng kanyang mga kabarkada kapag nasa Pilipinas siya.

Pagbabahagi pa ni Justine, "I did lots of compromise with the house, but it ended up well.

“That’s good na maganda ang kinalabasan ng house."

NAPAIYAK ANG KANYANG INA SA TUWA

Nang matapos na ang construction ng bahay ay nagpatulong si Justine sa mga kaibigan sa Pilipinas na samahan ang kanyang ina para makita iyon.

“I asked my friends to record the video. They recorded it. Then meron siyang [mother niya] sinabi in Kapampangan dialect. She said that she was surprised. She cried a little bit.”

Hindi raw inaasahan ng kanyang ina na matutupad ang pangarap nitong rest house.

Ani Justine, “The greatest satisfaction that I got from this is when I see my Mom happy after seeing the little house that I built for her.

Continue reading below ↓

"And at least yung pera ko bilang isang overseas Filipino worker, nakikita ko na nasa investment."

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fascinated sa tiny house ang OFW nurse na si Justine Nunag, at bilang sorpresa sa kanyang ina ay ipinagpagawa niya ito ng rest house na inspired sa container van.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results