PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

9 siblings fulfill dream of building big house for parents

From a bahay kubo to a three-story house
Published Feb 4, 2022
ancestral house
Left photo shows the bahay kubo in the farm that Sar Calva and her siblings grew up in. Right photo shows the house that they built for their parents when they all grew up.
PHOTO/S: Facebook (Sar Calva via Home Buddies)

Parang hinugot mula sa isang teleserye ang success story ni Sar Calva at kanyang mga kapatid.

Ang siyam na magkakapatid na dating nakatira sa isang barung-barong sa bukid ay nakapagpatayo ng isang magarbong bahay, bilang pagtupad sa pangarap ng kanilang mga magulang.

Inilahad ni Sar Calva ang madamdaming kuwento ng kanilang pamilya sa Home Buddies, isang Facebook community, noong July 31, 2021.

Aniya, nais niyang i-post ang kanilang success story “not to brag but to inspire and to give motivation to us all.”

HUMBLE BEGINNINGS

Ayon sa post ni Sar, siyam silang magkakapatid na nagmula sa isang mahirap na pamilya.

Pero sa kabila ng kanilang kahirapan, sinikap ng kanilang mga magulang na pag-aralin sila, kahit ang kinikita nila ay kulang pa para sa kanilang pagkain.

Lumaki raw sila na walang maayos na tirahan, pero sa kabila ng kahirapan, hindi raw sila nagreklamong magkakapatid.

Dugtong ni Sar: “Na-experience namin na nakikitira sa ibang bahay at pinapaalis, na-experience namin na tumira sa bundok, walang kuryente malayo sa mga tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sar Calva

Caption on photo reads: "Ito ang bahay namin sa bukid noong maliliit pa kami, dito kami lumaki."

Dugtong ni Sar, “Nagkaroon kami ng maliit na bahay pero it looks like temporary hindi siya tapos.”

Sa kabila ng kanilang sitwasyon, nangarap silang magkakapatid na patayuan ng magandang bahay ang kanilang mga magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagtuloy ni Sar: “Fast forward lahat kami nakapagtapos ng pag aaral, nagkaroon ng trabaho at nagkaroon din ng mga sariling pamilya..

“May mga sariling bahay na rin kami pero ang ipo-post ko dito hindi yung mga sariling bahay namin kundi ang ANCESTRAL HOUSE namin na ginastusan ng Isang Kapatid namin (thank you Andj Lina )."

Ang nakakalungkot, wala na ang mga magulang nila.

“Sad nga lang dahil nasa heaven na ang parents namin.

“Pero kahit wala na sila, alam namin they are happy kasi pangarap nila ito.”

ancestral house

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

The elegant house that Sar and her siblings built in honor of their parents.

THE ANCESTRAL HOUSE

Ang kanilang ipinatayong bahay ay may tatlong palapag at maluwag.

Katas ito ng pagtutulungan nilang magkakapatid.

Bagamat hindi arkitekto ang kanilang panganay, ito raw ang gumawa ng plano ng bahay “in collaboration sa mga ideas naming magkapatid.”

Pinagtulung-tulungan nilang magkakapatid ang pagbili sa mga gamit sa bahay.

“Salamat sa parents namin na kahit wala na sila pero we can still feel their guidance...” post ni Sar.

Paalala niya, “Lahat tayo may karapatang mangarap kahit mahirap tayo, all our dreams are valid.”

Kalakip ng post ni Sar ay ang mga larawan ng dati nilang maliit na tirahan at ang ipinatayo nilang bahay.

Sa comments section, sinasagot nilang magkakapatid ang ilang netizens.

Maraming nakapansin na sa mga ipinost na larawan, walo na lamang silang magkakapatid.

Sagot ni Sar at isa pa nitong kapatid, pumanaw na rin ang isa nilang kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa namang female netizen ang nagtanong kung inabutan ba ng kanilang mga magulang ang ipinatayong bahay.

Sagot ni Sar: “hindi na po ma'am, yun po ang nakakalungkot.

“Pero yun po ang pangako namin sa kanila. kaya tinupad pa rin ng kapatid ko kahit wala na po sila.

“Pero before po sila nawala, binilhan din po sila ng house sa Cavite kasi di na po sila puwede mag-stay sa province dahil in & out na sila sa hospital.”

Sabi pa ni Sar: “ganyan po talaga siguro ang life, hindi lahat ma-perfect.”

Gayunpaman, lubos ang kanilang pasasalamat dahil sa magandang buhay na tinatamasa nila.

“God is so good,” pagtatapos ni Sar.

ancestral house

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Left photo shows the bahay kubo in the farm that Sar Calva and her siblings grew up in. Right photo shows the house that they built for their parents when they all grew up.
PHOTO/S: Facebook (Sar Calva via Home Buddies)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results