Isang retirement house na gawa sa apat na container vans ay naitayo sa loob lamang ng anim na araw.
Ito ang La Casita de Rabajante na itinayo sa 250-square-meter lot sa provincial-type na lugar sa Laguna.
Ang main house nito ay umokupa sa 72 square meters, at napapaligiran ng maliit na hardin, mini garage, at kubo na nagsisilbing kusina at kainan kaya “feel na feel ang pagiging tagabukid.”
Sabi pa ng owner na si Jomar Rabajante, 37, isang professor, ang ipinatayo niyang prefab (prefabricated) house ay typhoon-proof, fire-proof, at earthquake-proof.
Dahil ang materyales ay mula sa container vans, malaking bahagi nito ay yari sa bakal.
Prefab house ang tawag sa advanced na pagpapatayo ng bahay at ia-assemble na lang ito sa location.

Ani Jomar sa OG, “Itong mga bakal na ito may insulation sa loob na hindi agad masusunog in case magkaroon ng fire.
“’Tapos rust-proof din itong mga main columns na mga bakal, kasi well-coated talaga itong mga bakal na ito.”
Pagdating naman sa presyo ng bahay, ani Jomar, “Itong main house na ito nabuo in six days, and the price apat kasi itong container vans ang dating…
“So, lalabas na PHP180,000-PHP200,000 per van, so total ay PHP800,000.”
Nang magretiro raw ang kanyang ama, gusto niyang may kapuntahan ang kanyang retirement benefit kaya nagdesisyon silang magpatayo ng retirement house.
Dahil busy ang mga miyembro ng pamilya, naghanap si Jomar ng ideya sa Internet ng mabilis itayong bahay, at ito nga ang prefab house.
Paliwanag ni Jomar, “Itong bahay na ito nagawa siya in just six days.
“Kung tutuusin, itong main house, mas mabilis pa siyang nagawa compared sa mga bakod, itong mga kitchen, kubo."


Nagsisilbi raw itong bahay-bakasyunan nilang mag-anak.
“Nangyari yung pandemic around 2020, gusto naming mag-bonding kaya lang hindi puwedeng pumunta sa public area kasi pandemic, we decided na magtayo ng bahay dito.”
Ang kanilang property ay two-story. May living room at dining area sa first floor.
Sa second floor ay tulugan na may view at balcony.

Dinala sa tiny house ang mga lumang gamit ng pamilya gaya ng telebisyon, wooden tables at chairs, at mga books.
“Dahil may insulation, di ganoon kainit at kalamig. To be sure, we have exhaust fans at aircon,” ani Jomar.
Narito ang buong video:
READ ALSO:
