Nang ipatayo ng mag-asawang Renato at Susan De Vera ang kanilang retirement home sa Naga City, isa lang ang kanilang naging criteria.
Kailangang matatag ito laban sa malakas na bagyo, na madalas dumaan sa lugar nila.
Isang malawak na bukid ang nabili nilang lupa. Tinamnan nila ito ng ilang puno, mga halaman, at gulay, gaya ng talbos ng kamote, talbos ng kangkong, malunggay, at alugbati.
May mga maliliit ding kubo sa paligid.
Kung titingnan ito ngayon, para itong paraiso, at malayung-malayo sa orihinal nitong itsura.
Ani Susan, "Mas masarap ang pakiramdam ko rito sa probinsiya kasi tahimik 'tapos, e, yung kapaligiran, maganda."
Dugtong ni Renato, "We're happy that even the birds find our farmhouse conducive to build their own home also."

Kuwento ni Renato sa Summit OG, "Pagdating sa location, open na open siya, walang kahit ano—walang kahoy na tumutubo, walang sangga sa mga hangin.
“Kung malakas na bagyo ang dumating dito, sabi ko, ‘Hindi kakayanin, e.'”
Related article: Calamity-proof na tiny house worth PHP800K, natapos sa loob ng six days
Sa gitna nito itinayo sa loob ng anim na buwan ang typhoon-proof na farmhouse.
ONE HECTARE LAND IN THE MIDDLE OF A FARM
Ang sukat ng kanilang lupa ay kalahating ektarya na binili nila sa halagang PHP3.5 milyon on installment.
Kalaunan, pati ang kalapit na lupa ay binili na rin nila, at umabot na sa isang ektarya ang kabuuang sukat ng kanilang pagmamay-ari.
Ang kalahati ng lupa ay ginawa nilang animal farm, kung saan sila nag-aalaga ng mga hayop katulad ng manok, turkey, at mga baka.

Nabanggit ni Susan kung bakit hinangad nila ni Renato na bumili ng lupa sa hometown ng huli.
“It started po nung pandemic nung 2020,” ani Susan. “Na-realize namin na while meron kaming bahay, may condo kami sa Manila, talagang buhay probinsiya [ang hangad namin], yun pa rin ang the best.”
Aniya pa: “Mas masarap ang pakiramdam ko dito sa probinsya kasi tahimik, ‘tapos yung kapaligiran maganda.”
Bagamat nasa bukid ang location ng kanilang property ay malapit ito sa siyudad.

Sabi pa ni Renato, ang unang plano nila ay gawa sa kahoy ang bahay. Pero habang itinatayo ito ay napagdesisyunan nilang gawing concrete.

“Yung house made of concrete flooring tiles, yung bubong long span nilagay para ma-withstand yung strong typhoons,” ani Renato.
Ayon sa isang blog, ang long span ay mas mahaba kesa sa tradisyunal na material na ginagamit bilang bubong.
Ang long span na metal ay mas matibay din at fire-proof.


Inabot ng PHP2 milyon ang pagpapatayo sa kanilang retirement house.
Payo naman ni Renato sa mga nagbabalak na magpatayo ng retirement home, “Sa akin ang advice na maibigay, plan ahead. Kami nakapag-plan ahead,” ani Renato.
“Agahan ang pagpaplano because darating at darating ang magpa-plan ka.
“Do not wait for the time na you are already retired saka mag-iisip, ‘Teka muna, anong gagawin ko?’”
Panoorin ang kabuuan ng video:
