Tricycle na dating rolling store, naging mini mobile house

by Bernie V. Franco
Sep 21, 2022
tricycle house
Kuwento ni Benjo Guzman Dimaantal, ibinenta niya ang kanilang bahay dahil sa financial problem. Kaya ang rolling-store tricycle nila ay ginawa niyang rolling house. Balang araw, balak niyang magkaroon ng isang camper van para gawing permanent mobile home.
PHOTO/S: benjo guzman dimaantal

Kung sikat sa abroad ang camper vans, mayroon namang version nito sa Camarines Norte gamit ang tricycle.

Gumawa ng isang "moving house" ang mag-asawang Benjo at Rox Dimaandal gamit ang tricycle na noon ay kanilang rolling store.

Katuparan ito ng pinapangarap na road life ni Benjo, 35, na ngayon ay nagtatrabaho sa buy and sell.

Customized ang tricycle na may sofa na convertible sa kama, may folding table, gripo, at lutuan. May bitbit din silang portable flush toilet.

Para naman sa kanilang liguan, nagtutungo ang mag-anak sa camping sites.

MGAKANO ANG KANILANG GINASTOS?

Kinumpirma ni Benjo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ang pag-convert ng rolling store sa camper tricycle ay inabot ng PHP30,000 para sa additional “fixtures and furnishings.”

Nang i-convert sa rolling store ang tricycle noon, inabot sila ng PHP80,000 to PHP100,000.

Ang dating rolling store nila ay gamit sa pagbebenta ng grilled chicken, T-bone, at samgyupsal.

Na-convert ang rolling store sa rolling house noong February 2022, ulat ni Oscar Oida para sa 24 Oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tiniyak ni Benjo na safe ang rolling house kahit na minsan ay bitbit nilang mag-asawa ang kanilang mga anak.

Sabi ni Benjo sa PEP.ph, “Most of the time, we go on familiar spots and locations. And if we’re with the kids, sa mga organized camp spots.

“We rarely go to unfamiliar locations.”

camper tricycle camarines norte

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Benjo converted his rolling store into a camper tricycle in February 2022.

BENJO SOLD THEIR HOUSE

Sa kanyang Facebook post noong September 14, 2022, ibinahagi ni Benjo ang mga detalye ng kanilang road life.

“We sold our home in Tagaytay not out of the notion na ipagpalit ang condo living sa tricycle house (kung bus home pwede pa, - lol).

“Wala na akong pambayad ng monthly amort [amortization] kaya namin binenta [ang Tagaytay home].

“We currently don't have a home to our name pero may natutuluyan naman kami na apartment which is owned by my parents/sister.

“We are not yet able to do road life full time. Sa isang linggo, 3 or max 4 days kami nasa kalsada and the remainder of the week we are at a regular home being regular people.”

Dagdag niya sa panayam ng PEP.ph, May nire-renovate rin silang kubo na pagmamay-ari ng kanyang mga magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It’s where we’ll be staying once finished whenever we aren’t doing road life.”

tricycle house

tricycle house

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

tricycle house

Inside the tricycle, where Benjo and his wife Rox cook and eat is also where they sleep at night.

LONG-TERM PLAN

Nabanggit ni Benjo na homeschooled ang kanyang mga anak kaya hindi isyu ang pagpasok nila sa school kapag nagbibiyahe sila.

Inusisa namin si Benjo kung ano ang long-term plan niya pagdating sa kanyang road life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, “We plan on doing this full time when we have enough budget to upgrade to a bigger mobile house (bus home).”

Dagdag niya pa, “We plan on purchasing a beach lot or somewhere in the highland, basta open spaces, para kids could roam around.

“We will park the bus house there and build a mini-cabin should we want to stay put in one place to replenish.”

Read:

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kuwento ni Benjo Guzman Dimaantal, ibinenta niya ang kanilang bahay dahil sa financial problem. Kaya ang rolling-store tricycle nila ay ginawa niyang rolling house. Balang araw, balak niyang magkaroon ng isang camper van para gawing permanent mobile home.
PHOTO/S: benjo guzman dimaantal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results