Hindi natuloy ang travel plans ni Raymond Christian Geronimo, 37, dahil sa pandemya, pero nakapagpatayo naman siya ng isang tiny house.
Gamit ang kanyang travel refunds, nagpagawa si Christian ng container-van-inspired pad sa Sta. Maria, Bulacan.
Ang pinaggayahan ng kanyang pad ay ang container van mini-house na tinuluyan niya noon sa Europe.
Itinayo ni Christian ang kanyang 37-square-meter bachelor’s pad sa lote niyang may sukat na 45 square meters.
Sa halip na mainip dahil hindi makabiyahe, ang pagpapatayo ng pad ang kanyang pinagkaabalahan nitong pandemya.
“Meron akong mga travel nung time na iyon, like Europe and Asia, sa domestic meron din.
“Cancelled siya lahat dahil sa pandemic…
“Yung savings ko doon, dito ko po [nilaan sa pagpapagawa ng] black pad. Parang staycation pad ko na rin. Since di ako nakakaalis nung time ng pandemic,” sabi ni Christian.

Ginaya ni Christian ang disenyo ng tinuluyan niyang container van house sa Europe.
Read also:
- Tricycle na dating rolling store, naging mini mobile house
- Cabin in Tanay, Rizal built on mountaintop; construction cost PHP380K
- Calamity-proof na tiny house worth PHP800K, natapos sa loob ng six days
EUROPEAN-INSPIRED TINY HOUSE
Ang inspirasyon ni Christian ay ang tinuluyan niya nang magbakasyon sa Europe.
“Yung last time na nag-Europe ako, nag-stay ako sa tiny house. Then nagustuhan ko kasi cozy siya kahit maliit and functional siya,” ani Christian sa Summit OG.
“Then dun ko naisipan na rin na magpagawa.
“Itong style na ito yung tinuluyan ko sa Europe. Ganitong-ganito nga ang style niya.
“In a way na-customize siya sa akin… yung comfortability niya is designed para sa akin. So relaxing siya para sa akin.”
Sabi ni Christian ay gumastos siya ng PHP800,000 to PHP1 million para sa kanyang bachelor's pad. Kasama na rito ang construction cost, furniture, at appliances sa bahay, pero hindi kasama ang labor.


Maliit pero elegante at malinis tingnan ang pad ni Christian.
Meron itong living room, dining table katabi ang sink, kitchen, at store room.
Katapat ng kitchen ang kanyang bathroom na ginamitan ng sliding door para tipid sa espasyo.
Meron din siyang maliit pero kumportableng bedroom.
Ang iba sa mga gamit ni Christian ay binili niya sa kanyang trips.


Bagamat mukhang container van ang design, sinabi ni Christian na ang ginamit sa pagtatayo ng kanyang pad ay long span, double walling, at cement sa kitchen at bathroom, at Hardiflex sa living area.
Dahil sa style ng kanyang bahay, para na ring nasa Europe si Christian.
Very satisfied siya sa kanyang tiny house.
Ang payo naman niya sa mga may planong magpagawa ng bahay, magsagawa ng thorough research pagdating sa budget.
“Pag-isipan mabuti ang gusto niyo para hindi pagsisihan pagkatapos ng bahay.”
