No-Meralco-no-Manila-Water service na bonggang bahay? POSIBLE!
by Rommel R. Llanes Pasalamat na rin ang mag-asawang Cheryl at Jack Fischer dahil natagpuan nila ang arkitektong marunong makinig at tumugon sa mga kahilingan nila sa katauhan ni Architect Glenn Fernandez.
Mula nang dumating sa Pilipinas galing ng Kuwait, pinlano na nina Cheryl at Jack na magkaroon ng malaking bahay na matitirhan kunsaan mae-entertain nila ang kanilang mga kaibigan at bisita.

"It started back in 2013 when we just moved back to Kuwait, we lived in a small apartment, there were times when we wanted to host parties and stuff like that, but we couldn't.
"So we said that one day, we're gonna build our own house and it's gonna be something that's big and modern," simula ni Cheryl.

"We weren't actually, didn't have the 'U' shape in mind at that time, but we knew we wanted something modern with clean lines," patuloy naman ni Jack.
Sa drone shot ng kanilang bahay, makikita ngang hugis letter U ito na nasa gitna ng kanilang property na may kabuuang sukat na 3,500 square meters.

Napapaligiran ng kabukiran at walang malapit na iba pang imprastraktura, masasabi ngang nag-iisa o solong bahay lamang ito sa malawak na bukid na iyon sa Sta. Maria, Pangasinan.
At dahil nag-iisang bahay iyon na malayo sa kabayanan, walang poste na kumukunekta dito mula sa kahit na anong electric company. Wala rin silang linya ng patubig.
Hindi naman ito problema sa kanila dahil kasama sa plano noong binuo ang bahay na maging self-sustaining ito pagdating sa kuryente at tubig.
"We produce our own water, we harvest our own sun, there is zero connection to any public utility here at the house. So, we're on our own," pahayag ni Jack.
Bahay na walang serbisyo mula sa Meralco at Manila Water? Posible!
Panoorin ang magagandang detalye ng malaking tahanan nila na pinangalanan nilang "Big Al's Place" na may apat na guest room na kumpleto sa amenities at may 6-feet-deep na swimming pool. Alamin na rin kung paano nila binuo ang bahay nilang bagay sa mga taong gusto ang "off-the-grid" living.
#OG #Uniquehomes #IndustrialHouse
Producer: John Henri Mariano
Video Editors: Richford Unciano & John Henri Mariano
Videographers: Jez Villapando, Yanie Cruz, John Henri Mariano
Special Thanks: Cheryl Fischer, Jack Fischer, Architect Glenn Fernandez
If you enjoyed this video from the OG Channel, please don't forget to like and subscribe: https://tinyurl.com/OGChannelSubscribe and follow OG’s Facebook page - https://www.facebook.com/onlygoodchannel





