Naniniwala ka sa feng shui o may pamahiin sa nuno sa punso at tumbok?
Kung magpapagawa ka ng bahay, importanteng mabanggit ito sa architect bago siya gumuhit ng designs.
Tatlong licensed architects-content creators ang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito.
Bungad ni Architect Dannie Florendo, “To be honest, we consider it talaga, kasi some of our clients request it, e."
Read: Engineer, always absent from work, gets regular pay for 6 years

Nakausap ng PEP si Dannie, pati na rin ang kanyang misis at kapwa architect na si Dianne Florendo, sa press conference ng I Heart PH, isang lifestyle show na eere sa GTV tuwing linggo.
Pagpapatuloy ni Dannie, “Nakasanayan lang naman naming mga architects na some Filipinos believe in it.
“So that’s why we try to incorporate it, and as much as possible. We try to mix it with our ideas na nagko-collaborate, nagku-culminate into something that is functional.”
Sundot ni Dianne, “For that kasi, it’s part of the Filipino culture talaga, e.”
Sa katunayan, kasama ang paksang ito sa mga natalakay nila sa kanilang content for their joint Facebook account.
Ibinahagi rin ni Dianne kung paano nila ina-address ang mga pamahiin, “Meron din kaming mga bagay na ini-integrate din sa design para sa mga ganito.
"Kunwari pag triangle na lote, meron kaming counter, pangontra [sa negative]..."
Dagdag ni Dannie, “For example yung triangular lots [tumbok], we try to create like a fence, or like a barrier sa first entry to counteract the triangle…
“Or sometimes, for example, yung mga bahay or galing sa main door na may nakatapat na door, we try to put some wind chimes or some wood element to have the positive energy na ha-harness rather negative lang.
“So it is some pangontra lang just to alleviate kung ano talaga ang main purpose ng mga feng shui,” pagtukoy sa Chinese geomancy na ang purpose ay gamitin ang "energy forces" para magkaroon ng harmony sa lugar.

May conscious effort din daw silang pag-aralan ang feng shui regularly.
Sabi ni Dannie, “Every year, iba-iba. Ngayon, year of the wood dragon, so that’s why wood is important also, especially sa main entry like wooden doors.”
Dagdag ng kanyang misis, “Kino-consider din namin anong month puwede magpagawa ng bahay, kung ano yung masuwerte... Eto yung isa sa mga inaaral namin.
“We have books in terms of feng shui, and we also learn it online, and depende rin kasi on what year, sa kung saan mag-i-start ang design at construction ng bahay, may iba't-ibang considerations…
Pahabol ni Dannie, “And we also go and ask a feng shui specialist if they are available. What we do is the basic feng shui lang.”
Nagbahagi naman ng senaryo si Dianne nang matanong: paano kung may isyu ang isang kliyente pagdating sa nuno sa punso?
Sa pamahiin kasi ng mga Pinoy, bawal sirain ang nuno sa punso dahil pinaniniwalaang tirahan ito ng mga mga elemento.
Paliwanag ni Dianne, “Isa iyan sa mga kino-consider namin once we do a site inspection.
“So what we do, we do groundbreaking ceremonies.
“And depending on the religion ng client, sometimes nagpapa-bless sa pari or nagpapadugo ng manok or kambing…
“Ito yung nagsisilbing alay sa nuno sa punso kung anuman yung element yung nandun sa lupa... na parang nagpapaalam kung saan puwedeng patayuan ng structure yung bahay.
“So yun yung mga seremonyas na isa sa mga ginagawa namin.”
Read: Rock used as doorstop for decades turns out amber worth PHP61M
ARCHITect WHO DOES NOT BELIEVE IN FENG SHUI, SUPERSTITION
Kahit si Architect Ed Ramos, na hindi naniniwala sa feng shui o superstition, ay kinukunsidera pa rin ang preference ng kanyang kliyente.
Ani Ed, “Personally, I don’t believe in feng shui, pero yung client ko tatanungin ko muna siya kung naniniwala siya…
“Kasi kung hindi, diretso na kaagad ako sa drawing table.
“Pero kung naniniwala siya, i-encourage ko siya na mag-consult sa [feng shui expert] kasi ibang discipline din yung feng shui. May professional na nagbibigay ng services.
"Kung gusto po niya, i-encourage ko siya na mag-consult muna, ‘tapos gawa sila ng wish list.
“Saka nila ako babalikan para i-apply po yung mga wish list. I-incorporate ko yung feng shui sa national building codes, standards, sa design ng bahay.”
Tanong ng PEP kay Ed, paano ang proseso niya kung naniniwala sa nuno sa punso ang isang kliyente?
“Ako na ang nagsasabi na, ‘Sige, ako na lang ang mag-aalis.’
“Pero kung meron silang gagawing mga seremonya, puwede na nilang gawin.
“Parang nagmi-meet po kami halfway. I-practice nila yung belief nila. So ako naman, doon ako sa practical side.
“So okay naman po. Nagdye-gel naman kami most of the time.”
LIFESTYLE SHOW FOR HOMES
Nasa ninth season na ang I Heart PH.
With GTV as its new home network, focused ang programa sa pag-e-educate sa viewers ukol sa epektibong home-building.

Sabi ng host na si Valerie Tan, “To inspire Filipinos kasi ang mga Filipinos mahilig mag-DIY sa bahay, pero syempre gusto nating sabihin sa kanila na it’s better minsan to hire an architect.
“Kasi minsan mas makakatipid in the long run, kesa magtitipid ka short-term pero magkakaroon ka ng sira sa bahay, or most importantly, hindi pa safe.
“That is why it is the show’s advocacy to educate and inform the Filipinos para lahat tayo, di ba, meron tayong home.”
