Recently, naglipana ang maraming foreigners sa bansa at nagbabalak manirahan nang long term dito.
Marami rin sa kanila ay aspiring content creators na ipinapakita ang mga dahilan kung bakit magandang tumira sa Pilipinas.
Nauna na sa kanila ang isang French na si Bastien “Seb” de Lisleferme, 29, na ilang taon nang naninirahan sa bansa.
Nasa industriya siya ng organic and sustainability certification for agriculture.
Isang dekada na ang nakalilipas mula nang una siyang mapadpad sa Pilipinas, subalit anim na taon na siyang namamalagi sa bansa, partikular sa Siargao.

Read: Retirement haven in Davao City boasts stunning mountain views
Tulad ng maraming banyaga, nahumaling si Seb sa kagandahan ng Pilipinas at sa pagiging warm ng mga Pilipino.
Sa katunayan, nagtayo pa siya ng isang two-story bamboo house sa General Luna, Siargao.

Read: How to choose best wood materials for home project
BUILDING A BAMBOO HOUSE IN PH
Kuwento ni Seb sa OG, bukod sa ganda ng Pilipinas, gustung-gusto niya ang kabaitan ng mga Pilipino, lalo na sa Siargao.
Lagi raw nakangiti ang mga Pinoy, subalit mas special daw ang ngiti ng mga taga-Siargao kaya dito siya nanirahan.
Sabi niya, “Siargao is special, welcoming, and friendly.”
Tinawag niya rin itong “unique paradise.”
Inilarawan naman niya sa kanyang bamboo house bilang “small structure that is minimalistic.”
Magandang materyal daw ang kawayan sa pagtatayo ng bahay dahil madali itong i-curve, pero matibay.
“Using all the properties of bamboos together, you can combine it and come with something very strong, very durable, and very creative,” ani Seb.
“Bamboo is very sustainable material. It’s available, it can be very strong, it is not very expensive, and gives unique design and style, and you can also make it look very sturdy.”
Sa paglalakbay niya sa Pilipinas, naging inspirado raw siya sa paggamit ng kawayan sa pagtatayo ng bahay o shelters, lalo na sa rural areas.
“I could basically get inspired and see some techniques on how they curve it, and what kind of design they are putting together.”
Katulong ni Seb ang mga kapitbahay na karpintero noong itinayo niya ang bamboo house.
“It’s always more rewarding when the community around the house is the one who help in building,” ani Seb.
Bukod dito ay nabibigyan daw ng trabaho ang locals.

THE UNIQUE BAMBOO HOUSE
Ang bamboo house ay itinayo sa 250-square-meter property at may floor size na 70 square meters.
Ginamitan ng semento ang foundation ng bahay para maging matibay, subalit karamihan sa materyales na ginamit ay natural materials sa Pilipinas, tulad kawayan, Capiz para sa mga bintana, anahaw, at abaca.
Pagpasok pa lamang ng gate na gawa sa nipa, sasalubong na ang mayabong na tropical garden na mayroong 50 different plants.
“All these plants together make the ambiance a little bit more unique with different shapes and colors,” paglalarawan ni Seb.
Meron itong outdoor dining area. Unique din ang pagkakagawa ng kitchen, living area, bathroom, at toilet area.



Papunta sa second floor ay aakyat sa hagdanang gawa sa kawayan.
Sa taas ay may isang round bedroom sa gitna na napapalibutan ng round balcony na nagbibigay ng 360-degree view ng luntiang paligid.

Ani Seb, “You just feel you are in the middle of a little tropical nest.”
Katabi ng bamboo house ay mayroong isang single-floor bamboo house at bamboo temple na parehong minimalistic.
Ang tirahang ito ni Seb ay nagsisilbing paradise within a paradise sa Siargao.
Sabi niya, “I feel very grateful that this place that I love also become the place I can stay long term. I guess it will stay here for a while.”
