PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

This tiny house in Siargao withstood a super typhoon in 2021

Small but strong!
by Bernie V. Franco
Published Nov 12, 2024
tiny house
This tiny house in Siargao was able to withstand a super typhoon that hit the island in 2021.
PHOTO/S: OG on YouTube

Does size matter?

Sa kaso ng isang tiny house sa Siargao, ang sagot ay hindi.

Nanatili kasi itong nakatayo at buo sa kabila ng hagupit ng Super Typhoon Odette na sumalanta sa isla noong December 2021.

Litaw na litaw ang tikas ng kanyang puting bahay na napalibutan ng nagbagsakang puno.

“Kahit maliit lang siya, mas masaya ako nang makita ko siya mag-survive after Odette,” pahayag ng house owner na si Janos Leo Andanar, isang nurse.

white house
The tiny house has a 30-square-meter floor size.
Photo/s: OG on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: French guy falls in love with Siargao; builds a bamboo house

TINY WHITE HOUSE IN SIARGAO

Ang pamilya ni Janos ay tubong-Siargao.

Sa isang 2,000-square-meter property sa General Luna nakatayo ang kanyang tiny house na may 30-square-meter floor size.

Ibinahagi niya ang usual practice ng paghahati ng mga magulang sa lupaing ipapamana sa mga anak.

Aniya, “Pag bunso, yung property na wala masyadong coconuts, iyan yung ibibigay sa iyo.

“Kasi pag [older] sister mo o brother mo, sa kanila binibigay yung maraming coconuts dahil yung main source of living dito sa Siargao Islands during those times ay copra selling.

“Since bunso ako, binigay sa akin ang beach front [na] less than 10 ang coconuts.”

Nung nakilala bilang tourist spot ang Siargao, tumaas ang value ng beachfront properties kaya masuwerte si Janos.

Dagdag na kuwento niya, “Yung bahay kasi namin, medyo may kalakihan, especially yung ancestral house namin,” bungad niya sa OG.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang ayoko na naglalakad ka pa nang malayo para mag-CR, bumababa ka ng bahay para kumain.”

Nagka-ideya si Janos nang makita ang pag-usbong ng tiny house movement sa U.S.

“Doon ko nakita na 2.5 meters yung lapad, tapos yung haba [5 to 7] meters, magkakaroon ka na ng bahay.”

Kaya siya mismo ang gumawa ng design, na madali namang nasundan ng contractor nang gawin ang bahay mula 2018 hanggang 2019.

Read: This retirement haven in Davao City has breathtaking views of the mountains

house facade
Facade of the tiny house
Photo/s: OG on YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JANOS DESIGNS HIS TINY HOUSE

Frustrated architect si Janos, pero dahil isang engineer ang kanyang ama, maraming libro tungkol sa architecture sa kanilang bahay.

“Doon ko nakita yung design na puwede mong itago yung bubong, not necessarily slab siya, not necessarily na made from concrete yung roof mo para protected ka sa typhoon.

“Kasi nasa beachfront ako, e, and the property is facing the Pacific Ocean, so in-anticipate ko na talaga na pag bumagyo, liliparin talaga yung bubong.”

Ito ang kunsiderayon niya sa roof design kaya itinaas ang concrete sa gilid ng bahay.

“Sa taas nakatago lang talaga yung bubong that is made from metal sheet… Same lang talaga yung bubong…”

Pero ang medyo na-overlook ni Janos ay ang ventilation.

Aniya, “Sealed yung bahay, hindi nakakahinga yung bahay.

“May time during our stay dito sa tiny white house, sobrang kulob, walang masyadong hangin, especially pag walang aircon.”

Dahil dito, nagdagdag siya ng mga bintana at hinarangan niya ng grills for safety.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Pinterest naman niya nakita ang peg for the Moroccan-inspired tiles sa kanyang restroom.

Ang kanyang dirty kitchen ay nakahiwalay sa gilid at wala sa loob ng bahay.

Pagpasok sa tiny house ay naroon na ang dining area at adjacent na rito ang bedroom kunsaan nakalagay ang queen-sized bed.

house interior
The dining area and the bedroom
Photo/s: OG on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
loft
The loft seen on the elevated part of the tiny house.
Photo/s: OG on YouTube
restroom
Moroccan-inspired design of the restroom.
Photo/s: OG on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ODETTE ONSLAUGHT

Lumikas ang pamilya ni Janos sa town proper noong nanalasa si Odette.

Pagkahupa ng bagyo, nanlumo siya sa nakitang pinsala.

“Along the way pa lang, makikita mo na ang damages: lahat ng poste, ng kuryente. nasa gitna ng road.”

Lalo raw siyang nanghina nang pumasok sa wooden gate ng kanilang property.

“Pagpasok ko pa lang sa entrance nakikita ko na agad, ‘Ay, grabe.’ Speechless… tanggap ko na.

"Ah wala na, sira na talaga si white house. Lahat ng coconuts, nagsibagsakan.”

Pero nakahinga siya nang maluwag nang makita ang kanyang bahay, “...nung makita ko na ok si windows, walang nabasag, then pagtingin sa mga gamit. wala namang problema."

Ang tanging remnant ng bagyo: "yung floor, sobrang basa.”

broken coconut trees
A glimpse of the damage left by Super Typhoon Odette in Siargao in 2021.
Photo/s: OG on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
tiny house
Janos's tiny house remained intact after the onslaught of Odette.
Photo/s: Janos Leo Andanar

Sa karanasan niyang ito, napagtanto raw ni Janos, “Di mo kailangan ng sobrang laking bahay to be happy.

“Kahit maliit lang pero coming from your heart na ikaw mismo yung bumuo, ikaw mismo ang gumawa ng ways para gumanda.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya pa, “Yung design ko, at least, na-test siya sa Category 5 na typhoon at nag-survive siya.

“Umangat ang dagat, nag-storm surge man dito, buhay pa rin siya.

“So happy ako na kahit maliit, pero it was able to withstand a Category 5 typhoon at napapakinabangan ko until now.”

ADVICE FOR FUTURE HOUSEOWNERS

May ilang payo si Janos sa mga magpapagawa ng bahay batay sa kanyang karanasan.

Una na rito ang pagkonsulta tungkol sa local building code para maasikaso ang mga requirements at maging legal ang pagpapatayo.

Pangalawa, “Mag-research based sa kung ano ang gusto mo.”

Importante raw na maging hands-on mula sa paggawa ng design at pagpili ng mga materyales na gagamitin hanggang sa pagpapatayo.

Bantayan ang buong budget.

At the time of the shoot, balak daw ni Janos na magpatayo pa ng hanggang tatlong villas.

Sisiguruhin daw niyang mapanatili ang Siargao vibe na sagana sa puno at malapit sa kalikasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This tiny house in Siargao was able to withstand a super typhoon that hit the island in 2021.
PHOTO/S: OG on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results