PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Turning heads: Upside down house in Nueva Ecija

Guess how much it costs to build it: PHP10 million.
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Nov 20, 2024
Upside down house
The Upside Down house is located atop a hill in Minalungao, Nueva Ecija.
PHOTO/S: Minalungao Upsidedown House on Facebook and NAJ Adventure on Facebook

Agaw-pansin ang isang bahay sa Nueva Ecija dahil ito ang design concept nito ay upside down.

Pagpasok sa loob, lahat ng gamit tulad ng furniture, appliances, muebles, at toilet bowl ay nasa taas at wala sa ibaba.

At dahil ang buong bahay ay binaliktad, hindi ito maaaring matirhan.

Sadyang ang objective nito ay maging amusement spot.

Ang ganitong house design ay makikita rin sa ibang panig ng mundo, tulad ng Estonia, Turkiye, Canada, United Kingdom, at Amerika.

Isang version nito sa Pilipinas ay matatagpuan sa Sitio Minalungao, General Tinio, Nueva Ecija. Ilang metro lamang ang layo nito mula sa Minalungao National Park.

Ang kakaibang bahay ay itinampok ni Joseph Pasalo sa kanyang YouTube channel na SEFTV.

upside down house 3
Changing your camera's angle creates an optical illusion, making it appear as though you're defying gravity inside the house.
Photo/s: Minalungao Upsidedown House on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Three good friends build Japanese-inspired deck house in Cavite

EVERYTHING IS upside down IN THE HOUSE

Ayon sa mga katiwala ng Minalungao Upside Down House, nakuha ng may-ari ang ideya sa mga napuntahan niyang bahay sa Amerika at Canada.

Ang napiling location ay sa ibabaw ng burol.

Nakakaaliw na bawat detalye ay talagang nakabaliktad.

Ang pasukan ng mga tao ay isang pinto na nasa likuran ng bahay kaya’t ang unang bubungad ay ang kusina na may nakabaliktad na refrigerator, lababo, at dining set.

Karugtong ng kusina ang sala na may nakabaliktad na chandelier—na imbes sa kisame ay sa sahig nakakabit.

Ang sofa set naman ay idinikit sa kisame.

Kinunan ng vlogger ang kuwarto at ang banyo na kamangha-manghang nakabaliktad din, maging ang toilet bowl.

At kung babaliktarin ang camera, ang bawat shot ay lilikha ng defying gravity na optical illusion.

upside down house 1
It creates optical illusion that people defy gravity.
Photo/s: Minalungao Upsidedown House on Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
upside down house 2
Everything inside the house, even the toilet bowl, is upside down.
Photo/s: Minalungao Upsidedown House on Facebook

Hindi pa tapos ang Minalungao Upside Down House kaya’t hindi pa ito bukas sa publiko.

Ang plano ng owner maglagay ng swimming pool at bahay na maaaring rentahan.

Read: PEP HANAP BAHAY: 3 tips to consider before buying a house or lot

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

UP SIDE DOWN, EVERYTHING

Nakatakda itong tumanggap ng bisita oras na matapos ang kabuuang konsepto nito.

May sariling Facebook page na ang Minalungao Upside Down House, pero hindi ito active, at ang huli nitong post ay noon pang June 8, 2024.

Bukod sa SEFTV YouTube channel ni Joseph Pasalo, na-feature na rin ang bahay noong June 7 sa Amazing Earth TV show hosted by Dingdong Dantes.

Binanggit dito na PHP10 million ang ginastos para itayo ito.

upside down house 5
Photo/s: Minalungao Upsidedown House on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, ang mga taga-south ay may mapupuntahang Upside Down Museum sa Davao City.

Ayon sa Facebook page nito, ang mga entrance fees ay ang mga sumusunod:

  • PHP 375 ang regular rate
  • PHP 325 para sa mga Senior Citizens at PWD
  • PHP 295 para sa mga batang 3.5 feet below ang height.

Patok itong pasyalan para sa mga mahilig sa pictorial at instagram-worthy shots.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Upside Down house is located atop a hill in Minalungao, Nueva Ecija.
PHOTO/S: Minalungao Upsidedown House on Facebook and NAJ Adventure on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results