PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Abandoned train car transformed into a house for PHP8.8M

The train car is 100 years old.
by Bernie V. Franco
Published Dec 16, 2024
train car turned into home
The interior is very comfortable and cozy. It is hard to believe that this used to be a 100-year-old abandoned train car (inset).
PHOTO/S: CNBC Make It on YouTube

Usong-uso ngayon ang mga small spaces— gaya ng container vans, bodega, at mga sasakyan—na ginagawang bahay.

Pero one of a kind ang isang bahay sa Deary, Idaho, USA dahil ito ay dating abandonadong 100-year-old train car.

Ang gastos para ma-convert ang nabubulok na train car sa isang old-style unique house ay tumataginting na $150,000 o PHP8.8 million.

Ang bahay na ito ay pinaparentahan ngayon ng owners sa Airbnb.

“When people come and stay here, they tell us all the time [that] they feel like travelling a hundred years in time… that’s very fulfilling,” kuwento ni Isaac French, 27, sa interview ng CNBC Make It, December 6, 2024.

Pero paano nga ba naisipan ng pamilya ni Isaac na gawing bahay ang isang old train?

Read: Living inside the mall: shops converted to apartments

ACQUIRING THE TRAIN

Kuwento ni Isaac sa CNBC Make It, nagsimula ang lahat nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang kaibigan ng ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpapatulong daw ito dahil atabunan ng snow ang kanyang barn.

Pagdating ng ama ni Isaac sa barn ng kaibigan, ang una niyang napansin ay ang lumang train car sa isang bahagi.

Avid train fan daw ang ama ni Isaac kaya mabilis daw kumilos ang imahinasyon nito nang makita ang lumang train.

old train car
The 100-year-old train car that was turned into a cozy home.
Photo/s: CNBC Make It on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Subalit mukhang ang ama lamang ni Isaac ang optimistic. Karamihan daw sa bahagi ng tren ay nabubulok na at may lumot. Mabaho rin daw sa loob dahil ginawang tirahan ng 20 cats.

Naisip daw ni Isaac na isalba ang tren na may habang 61 feet.

Binili niya ito sa halagang $3,000 o PHP176,000.

Ang sumunod na hamon ay kung paano nila maililipat ang train car sa kanilang four-hectare farm.

Inabot daw ng dalawang taon bago sila nakahanap ng mover na pumayag ibiyahe ang tren.

Read: British-inspired tiny house in Bulacan is "first of its kind"

RENOVATION, TRANSFORMATION

Sa kabuuan, inabot daw ng six months ang restoration project.

Nagbigay rin ng cost breakdown si Isaac sa kabuuang $150,000 (PHP8.8 million) expenses.

Ang $3,000 (PHP176,000) ay para sa pagbili sa train car; $10,000 (PHP587,000) para sa paglipat ng mover; $27,000 (PHP1.6 million) para sa platform, canopy, at roof ng train car.

Umabot sa $20,000 (PHP1.2 million) ang pagpapagawa ng flooring; $12,000 (PHP704,000) para heating, ventilation, air conditioning o HVAC; $10,000 (PHP567,000) sa electricity, $26,000 (PHP1.5 million) interior at furnishings; at $10,000 (PHP587) sa landscaping.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang labor ay pinagtulungan daw nilang 10 magkakapatid—walong lalaki at dalawang babae—dahil lahat sila ay may construction skills.

Pero nag-hire sila ng mga tao para sa HVAC at electrical aspects.

train station
The exterior of the train car house is made to look like a train station.
Photo/s: CNBC Make It on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bodega turned into a tiny house in Antipolo for PHP350,000

THE TRAIN-CAR-TURNED-HOUSE

Ang passenger area ng train car ay ginawa nilang sitting area at kadikit nito ang kusina.

Orihinal pa rin ang mga salamin ng mga bintana at ang mga cabins sa taas sa bandang ceiling.

Ang passenger room ay ginawang sitting area, at ang kalahating parte nito ay kusina.

Antique ang mga inilagay na furniture at mga gamit sa kusina dahil mahilig sa antigong kagamitan ang kanilang ina.

Agaw-pansin din ang gas pot na old style.

sitting room
The sitting room
Photo/s: CNBC Make It on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dating cargo area ay ginawang extra space para sa mga gamit. Dito rin nakapuwesto ang walk-in bathroom.

Kadikit naman ng extra space ay ang bedroom na may king-size bed.

Maraming bintana sa bedroom, kaya pagkagising ay tanaw agad ang napakagandang countryside.

kitchen
The kitchen area
Photo/s: CNBC Make It on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
indoors
This used to be the train's cargo area.
Photo/s: CNBC Make It on YouTube

Sa labas naman ay merong mirror sauna, hot tub, at campfire.

Ang stay per night dito ay umaabot ng $325 (PHP19,000) - $350 (PHP20,000).

Ang revenue nila noong 2023 ay umabot sa $90,000 (PHP5.2 million) at inaasahan nilang aabot sa $105,000 (PHP6 million) ngayong 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Bedroom
The bedroom
Photo/s: CNBC Make It on YouTube

Sabi ni Isaac, espesyal ang kanilang train house dahil, “There is a sense of history and a story that’s already built in that.”

Sana raw ay marami pang mga abandoned buildings or train cars ang ma-discover at ma-renovate.

Pero sabi niya, “You have to have some love some inspiration to participate in a project like this and breathe new life into it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Theres something rewarding about taking an old structure and breathing life back into it.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The interior is very comfortable and cozy. It is hard to believe that this used to be a 100-year-old abandoned train car (inset).
PHOTO/S: CNBC Make It on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results