PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Caretaker living in mountain invents micro hydro power machine

His machine is made up of spare parts from a junk shop.
by Bernie V. Franco
Published Dec 18, 2024
bahay kubo
Jomar Flores (insert) has no knowledge or experience in engineering, but he was able to build a micro hydro power machine that brings electricity to his house on top of a mountain in Albay.
PHOTO/S: SEFTV on YouTube

Sa tuktok ng bundok sa Masaraga, Oras Tabaco, Albay nakatayo ang isang simpleng bahay.

Bago makarating sa lugar, kailangan munang mag-hike ng dalawang oras.

Pero sa kabila ng kasimplehan ng bahay, sagana ito sa electric appliances: may TV, electric fan, ilaw, blender, pangkayod ng niyog, pati na grinder.

Mayroon din itong wi-fi at malakas ang Internet.

Pero ang kuryente nito ay hindi nakakabit sa kabihasnan dahil napakalayo nito.

Ang supply ng kuryente ay nagmumula sa improvised micro hydro power generator na gawa mula sa mga patapong bagay na nakuha sa junk shop.

Gawa ito ng may-ari ng bahay na si Jomar Flores, 31, na siya ring caretaker ng lupain na nasa bundok.

Ang makinang ito ang nagbibigay ng ilaw sa tahanan ni Jomar at ng kanyang pamilya.

Maliit lamang ang makina subalit kaya nitong magpa-ilaw ng sampung bahay.

Read: Abandoned train car transformed into a stunning house for PHP8.8M

micro hydro power machine
Ang improvised micro hydro power machine na kayang magpa-ilaw ng sampung bahay.
Photo/s: SEFTV on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang bahay ni Jomar ay ilang beses nang naitampok sa mga TV programs at vlogs, tulad ng KBYN ng ABS-CBN at SEFTV sa YouTube.

river
Jomar used the river near his house to create hydro power.
Photo/s: ABS-CBN News

IMPROVISED MICRO HYDRO POWER GENERATOR

Mismong sa kabundukan na isinilang at lumaki si Jomar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Masarap yung nandito kasi lahat sariwa—gulay, mga makukuha sa palibot… masarap yung hangin, malamig, at tahimik.”

At dahil sa naimbento niyang hydro power generator, enjoy ang kanyang pamilya sa modern technology.

Ang nakabibilib pa kay Jomar, wala siyang background sa engineering.

“Graduate po ako ng Grade 6,” kuwento niya.

“Nung maliit pa ako, naggawa na ako ng maliliit na hydro [machines]. Napagana lang yung Walkman, ilaw na maliliit kagaya ng lighter kasi three volts lang po iyong labas ng kuryente.

“Ngayon naisipan ko ulit na mas malaki, na kaya nang [magpagana] ng mga appliances sa loob ng bahay.”

Ikinabit ni Jomar ang kanyang makina sa ilog na malapit sa bahay. Gamit ang nilikhang makina, nako-convert niya ang water pressure ng ilog sa kuryente.

Ang generator na ito ay apat na taon nang patuloy na umaandar at tuluy-tuloy na nagbibigay ng kuryente sa bahay.

Nakaya ring gumawa ni Jomar ng ram pump na nakadikit sa kalapit batis para mag-akyat ng tubig na lalabas sa mga faucet ng kanyang bahay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

In short, ang kuryente at tubig na umaakyat sa bahay ni Jomar ay libre dahil sa kanyang mga imbensiyon.

Read: British-inspired tiny house in Bulacan is "first of its kind"

faucet
Nakagawa rin ng invention si Jomar para umakyat sa bahay ang tubig mula sa batis.
Photo/s: SEFTV on YouTube

Sabi ni Jomar: “Kasi malayo, di ba, ito sa sentro kaya ako gumawa ng micro hydro, para magagamit naming pamilya sa bahay… pati na rin mga kapwa ko farmers, nakakabit na rin dito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero aminado si Jomar na natagalan din bago niya natapos ang makina. Isa-isa kasi ang pagbili ng spare parts at may mga aberya rin sa proseso habang ginagawa ito.

Ngayon ay tuluy-tuloy na ang supply ng kuryente at tubig sa kanyang munti at simpleng bahay, at na-e-enjoy pa ng kanyang pamilya ang modern technology.

Higit sa lahat, ang kuwento ni Jomar ay nagpapatunay sa abilidad ng mga Pilipino na umaangat kapag hinihingi ng pagkakataon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jomar Flores (insert) has no knowledge or experience in engineering, but he was able to build a micro hydro power machine that brings electricity to his house on top of a mountain in Albay.
PHOTO/S: SEFTV on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results