Gumawa ng tirahan si Jessie “Jet” Legaspi ng Naic, Cavite, na makatatanggal ng stress niya sa trabaho.
Ang resulta: bahay-kubo style na may modern interior.
Pero ang mas nakabibilib sa kanyang itinayong bahay-kubo, gawa ito sa mga scrap materials.
“Ito talaga from ground talaga ito,” ani Jet ukol kanyang bahay-kubo sa OG Summit YouTube.
“Sinimulan ko talaga para yung design ko o yung concept ko is makuha ko.”
Hindi raw niya magagawa ang gusto niyang itsura kung bumili lang siya ng readily made bahay-kubo.
“Ito sariling concept ko, sariling idea…” proud niyang sabi.
Hindi nakapagtataka kung may knowledge si Jet pagdating sa paggawa ng bahay.
Siya ay owner ng isang engineering firm na ang services ay civil at mechanical works, machine shop, at paggawa ng modular cabinet.
Paliwanag pa ni Jet, ang materyales na ginamit niya sa paggawa ng bahay-kubo ay mula sa mga scraps, natira, o pinaglumaang materyales ng kanyang mga kliyente.
“So naisip ko, bakit hindi ko pakinabangan? Ito yung naging resulta, itong bahay-kubo,” sabi niya.
Binanggit ni Jet na 70 percent ng mga materyales na ginamit sa bahay-kubo ay mula sa scrap materials.
Read: Abandoned train car transformed into a stunning house for PHP8.8M

Read: British-inspired tiny house in Bulacan is "first of its kind"
MODERN BAHAY-KUBO that jet always wanted
Ang naisip ni Jet ay gumawa ng residential house kung saan maaaring mag-relax silang mag-anak.
Kaya naisipan niyang itayo ang bahay-kubo na may 70-square-meter floor area sa kanyang 1,000 sqm lot area property.
Ang exterior ng kubo ay gawa mula sa coco lumber at kawayan na hiningi mula sa kaibigan.
Ang sawali naman at mga glass windows ay mula sa scrap materials o pinagbaklasan mula sa old houses ng mga kliyente.
Pati raw ang pundasyon ng bahay-kubo ay mula sa mga pinaglumaang materyales, sabi ni Jet.
Aniya, “Yung mga wall niyan, lahat ‘yan scrap… mga pinagtibagan o pinag-alisang mesa, mga posteng 'yan, mga pinagtirhan ng clients.”
Sa labas ng property, may basketball court kung saan maaaring maglaro ang mga bata. May kalesa-inspired table and chairs din.
Sa balcony naman ay may mahabang table for al fresco eating, at kakasya rito ang malaking pamilya.


Sa loob ay modern ang design ng bahay-kubo. Makikita ito sa design ng living room.
Nasa first floor din ang kusina at bathroom. Pandagdag atraksiyon ang gazebo at pond sa loob ng bahay.
Mayroon itong isang bedroom sa second floor.
Para magmukhang moderno, gumamit si Jet ng modular cabinets, may tiles sa flooring, at dry wall.
“Every time na nandito ako, siguro yung stress ko talaga nawawala,” ani Jet.
“I see to it na everyday nagpupunta ako para nari-relieve. Yung sa work namin medyo stressful talaga, rush projects, sa mga client.”



In the future, pinaplano ni Jet na magtayo ng swimming pool sa labas ng bahay-kubo at gawin itong private resort.
Proud naman siya sa kinalabasan ng bahay-kubo.
Aniya, “Lahat ng kakayahan ko, kung paano magtayo ng bahay, mag-design in-apply ko lahat dito.
"Pinag-isipian ko yung mga materyal na gagamitin dito para magmukha siyang modern.”
Payo si Jet sa mga nagbabalak magpatayo ng bahay, “Mas maganda hands on talaga kayo pag nagpapatayo para makita niyo.
“Ginagawa pa lang siya, nakakapagbigay na kayo ng ibang idea kung paano gawin talaga.
“Kung di kayo hands on, madi-disappoint kayo doon sa makikita niyong kakalabasan.
“Pag araw-araw niyo siyang nakikita, nagkakaroon pa kayo ng mas magandang idea para ma-improve pa."


